Maria Ozawa fever on the philippines
it's funny to fall inlove
Being First
Yung about sa radio hosting naman ay ginawa ko nga palang past time yun nung bakasyon.Gumawa ako ng website sa weebly tapos gumawa din ako ng ustream account para makapaghost. Medyo kinarir ko yung design ng website na ginawa ko. yun nga lang parang mailap pa rin saken ang pagkakataon dahil swerte na pag umabot ng 5 ang listener namin pero okay lang naman. kung gusto nyo pala ivisit nasa sidebar lang yung logo ng site iclick nyo na lang po at pakihanap.
Back to school
Mabalik nga ulit tayo sa STI, may bagong building yung STI pero hindi pa nila pinapagamit sa mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit, ayaw siguro nilang madumihan yung tiles ng bagong building, sana mabuksan na yung bagong building dahil natratraffic ang mga estudyante pag pumapasok sila sa klase nila. Dahil sa lumang building napakaliit ng daan saka madalas siksikan pag nagsasabay ang mga papasok sa klase at mga lalabas ng building. siguro pagkatapos nitong month bubuksan na yung bagong building. May halong pagka-excited at pagkatakot ang aking nararamdaman dahil ang balita ko may CCTV camera daw sa mga classroom sa loob ng bagong building. Pano na yan? Hindi na ako makakapagchismisan sa mga kaklase ko, kakawa rin yung mga owls eye, eagles eye,vultures eye, sama mo na yung mga may sharinggan saka biyakugan at giraffe neck. mahihirapan na silang kumopya at sabi rin saken pag nahuli ka daw na nagcecellphone sa klase sa bagong building ay isususpend ka for 7 days ganoon din pag nahuli kang nagvavandal ng pader or kaya sa mga upuan. Sympre naman kahit ako kung may bago akong laruan or gamit sympre ayokong magasgasan. Sino ba naman ang tangang bibili ng gamit para sirain lang ng iba?pero sa kaso ng mga upuan sa school minsan kasi talagang hindi maiwasang ivandal, yung tipong lagay lagay lang ng name para sikat ka. Una sa schoolmate mo at pangalawa sa mga teacher at sa dean. sana nga ay isang masamang panaginip lang ang CCTV camera dahil kung totoo yun, naku siguradong limitado na ang galaw ko.
sabi nga nila "ang hindi marunong tuminggin sa kaliwa at kanan aura ng teacher na nakatinggin sa kanya ang nararamdaman."
friendster reformat
Sila na nagpasimula ng concept ng social networking dito sa pilipinas.Sila na nagpauso ng testimonial at html layout na pwede mong icostumize at pagandahin ang iyong profile. Nagulat ako noong ibalita sa T.V na magrereformat daw ang friendster. dahil tinanggap na nila ang kanilang magkatalo sa facebook. Ang mga loyal supporter ng naturang social networking site ay nalungkot dahil ayon sa friendster mabubura na lahat ng picture, testimonial, message, at mga blog. effectively on may 31,2011. ginagawa nila ito dahil balak ng naturang social networking site na mag-upgrade at pagandahan lalo ang kanilang site. at mula sa pagiging isang social networking site ay magiging isang social entertainment site na ang friendster, na nagfofocus sa mga games and songs.Hindi naman daw mawawala ang mga account pero yung kung 6 years mo nang hindi nabubuksan ang friendster account mo. Goodbye na talga. Hindi ko alam kung tama ang hakbang na gagawin ng friendster pero ayon sa akin narinig sa telebisyon marami ang naging sentimental ang nalungkot.Medyo nalungkot din ako kasi kahit papaano iba pa rin ang friendster dahil madali mong mababalikan ang mga testimonial sayo sa friendster. hindi tulad sa facebook na madaling natatabunan ang pinost sa wall mo. Meron namang paraan para mai-save ang inyong mga picture at iba pang information ng inyong friendster account.
sleepless night
Let's play
S.I.N.G.L.E
Tatlong taon na rin pala akong walang girlfriend. Medyo matagal na rin pala kung tutuusin. Hindi ko naman kailangan ng girlfriend ngayon, pero minsan naboboring din kasi ako lalo na ngayong bakasyon na pag gising ko sa umaga, mauubos ang oras ko kakacomputer, kakanood ng T.V at kakatambay. swerte na nga pag gumagala kami ng mga friends ko ehh. Kaso hindi naman araw araw libre silang gumala or mag-hang-out. ayoko rin naman masyadong magpunta sa MALL kasi pag andun ako walang kamatayang arcade lang ang lalaruin ko at walang kamatayang pag-tambay sa timezone lang ang gagawin ko saka nakakasawa na rin yung laging isang MALL lang ang pinupuntahan mo. Pag naboring sa pagtambay lakad lakad kahit kabisado mo na yung lugar. Sa totoo lang ayoko naman maging single for 3 years dahil minsan mabwibwisit ka na lang pag nakakita ka ng mgsyota na sobrang hot,ganda,sexy,mabait,mukhang anghel na babae pero yung boyfriend naman mukhang dugyot,mukhang hindi naliligo,mukhang basurero at wala wala talagang maipagmamalaki. Tapos biglang papasok sa isip mo. unfair talaga ang mundo, minsan pa nga masasabi mo na lang na mas may itchura pa nga ako dyan sa lalaki pero bakit hindi pa rin ako mabiyayaan ng girlfriend kahit hindi gaanong maganda. Ganoon talaga ang buhay hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo pero, marami rin naman advantage ang pagiging single at ito ang mga iyon.
1.Ang single hindi kailangan mag-ipon para may maipang date sa monsary,weeksary at aniversary.
2.Ang single hindi kailangan manlibre ng pamasahe. hindi katulad ng lalaking may boyfriend. sagot mo na lunch, meryenda, at pamasahe pag gumagala kayo.
3.Ang single hindi nag-aalala kung magflirt flirt man siya sa iba.
4.Ang single walang pinapakinggan. wala kasing nakikialam.
5.Ang single hindi kailangan magpaganda or magpagwapo. kahit gumala ka ng hindi na liligo or naghihilamos okay lang.
6.Ang single maraming time para sa sarili kahit buong araw ka pang matulog okay lang.
7.Ang single hindi kailangan laging unlimited para itxt ang boyfriend or girlfriend.
8.Pag single ka walang nakikialam ng cellphone mo.
9.Pag single ka hindi mo kailangan bumili ng dalawang ticket para lang makapanood ng sine
10.Pag single ka, Free ka.!! ito ang pinakamasarap na bagay sa pagiging single. walang sagabal.
Sakit ng Summer
jeepney journey (part 5)
Pang-limang araw. Ito yung huling araw na mag-oobserve ako. Malungkot dahil hindi na ako makakapagsulat pero okay lang. may blog naman ako. Back to the topic na. Sumakay ako ng SM papasok cubao cubao. Sinugurado kung puno yung sasakyan ko para marami akong maobservahan. Karamihan ng nakasakay ko ay estudyante ng siena. Nung nandun na sa pleasant ay nagsibabaan na sila. Kaya iilan na lang ang natira sa jeep yung estudyante ng AMA na babae. Dalawang estudyante ng STI isang lalaki at isang babae dalawang lalaki at yung dati kung crush sa OLFU na nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby ang mukha na nursing student. Yung isang lalaki bumaba sa ascoville at yung isa sa malaria. Medyo maraming sumakay sa malaria dalawang estudyante ulit isang taga OLFU at isang taga ACCESS at walang kamatayan na mag-syota. Kaya party party ulit sa jeep.Samahan mo pa nung nakakatawang mag-asawa driver yung lalaki barker yung asawa niyang babae kasama rin nila yung mga anak nila. ito nga pala yung narinig kung pag-uusap nila.
Driver: hon tumawag saken si kumpare nangungutang nanaman.
Asawa: putchang kumpare yan, sino ba yan? Mangungutang pa siya eh,tayo nga wala nang makain mangungutang pa siya. sige pautangin mo na nga.
Driver: ui si badong nasa oh. Tawagin mo nga.
Driver at asawa: badong buhaya ka tlaga.
si badong yung nag-titicket na taga MMDA.pagktapos noon nag-usap ulit silang mag-asawa
Asawa: putragis na yung facebook ko hindi ko mabuksan.
Driver: ano ba password mo?
Asawa: jejemon.
Sobrang dami ng tawa ko nung sinabi niyang iyon.bagets na bagets. jejemon pa ang password. nung dumating na kami ng dela costa 2 tumahimik na sila.Dun na nagbayad yung crush kung nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby.Kinuha ko kaagad ang bayad niya kahit magkatabi lang kami.Ang lambot ng kamay niya. Onze lang ang binayad niya.Nung tinignan ko siya may tigyawat siya sa noo.Tapos nung nung makarating na sa OLFU bumaba na siya.Ang bilis talaga ng oras. Yung iba bumaba na rin sa kani-kanilang destination yung taga ACCESS bumaba ng ACCESS yung mag-syota bumaba ng SM. may sumakay ulit pero katulad dati estudyante ulit. Yung isa kung kasabay na taga-AMA bumaba ng AMA.Tapos pa-abot-abot na lang ako ng bayad hanggang makarating ako sa school.
Pauwi na ako. Kasabay ko na sila rjay,tobats(anthony), noel at si ghordz. Hindi kami nag-uusap sa jeep dahil wala kaming mapag-usapan. Napakatahimik sa jeep nun. Kahit yung ibang magkakasabay hindi nag-uusap.Walang nangyaring kakaiba.Abot ng bayad dito abot doon. nung nasa amparo gate 2 na, bumaba na doon sila ghordz,tobats noel at ghordz.Kami naman ni rjay naiwan sa jeep.Tuloy ang biyahe.Doon ko lang nakausap si rjay.Nagkwentuhan ulit kami. nung nagbayad na ako nabwisit ako kasi kulang yung sinukli sa amin.Katorse yung kinuha sa amin. Kahit tungko lang kami kaya nagreklamo ako sabi ko "kuya tungko lang" at medyo may pagkabwisit pa na tono ng boses.Parang bingi yung driver at parang walang naririnig kaya inulit ko. "kuya estudyante lang yung dalawang tungko" doon lang niya ako pinansin at binigay yung kulang nung tinignan ko yung driver nakita ko sa kilos niya na nabwisit niya pero wala akong pakialam sa kanya ang mahalaga lang sa akin binigay niya ang dapat ay sa akin. nung umuwi na ako biniro ko pa si rjay. Sabi ko "mag-ingat ka diyan kay manong ilalagpas ka niya sa bababaan mo." tapos bumaba na ako.
jeepney journey (part4)
jeepney journey (part3)
jeepney journey (part2)
Jeepney journey (part 1)
hi-school.(makakasama sa apat na taon ng highschool)
malapit na ang pag-tatapos ng klase. graduation nanaman at sigurado akong mag-papa-abot nanaman ng pag-bati si mayor na nagsasabi na "congratulation batch 2XXX-2XXX" namiss ko tuloy yung highschool days ko kahit hindi ako masyadong nag-enjoy dahil napakaliit lang ng school naminm walang campus at isang section lang ang meron sa amin pero sa lagay namin, kami lang ang may dalawang section dahil na rin siguro sa dami namin. marami akong napalagpas na celebration nung nag-aaral ako ng 4th yr. ko ng highschool katulad na lang nung js prom namin, hindi ako pumunta dahil ayaw ng gf ko noon. ewan ko ba kung bakit ko siya sinusunod noon, gustong gusto ko pa naman pumunta noon, hay naku curse you.!!!! enough of me, hindi ako nagblog ngayon para ikwento ang buhay highschool ko, nagblog ako para ibigay ang iba't ibang klase ng estudyante at groupo ng estudyante sa highschool.
aking Napagtanto (napansin)
hindi ko lang alam kung ako lang nakapansin nung well sa dota. well yung tawag pero apoy yung binubuga. gaas pala laman nung well. kala ko dati tubig.
lastly ito yung pinakanapansin kung sobrang napapaisip ako lagi akong sinasabihan ng magulang ko na wag akong magtitira ng pagkain sa plato ito pa nga yung naging conversation namin ehh..
Dun lang nalungkot
hanup moments by buhay badtrip.!!
EXCITING MOMENT,!! "orange, juice and everything nice.."
I just drank a bottle of Minute Maid Pulpy. They say it’s got ‘no preservatives added’. Aw, c’mon…It’s bottled juice. Is that even possible? So I thought. i can give it a try.. and i should also buy some for my family and friend. a perfect gift for christmas
I didn’t believe it the first time I heard it’s got no preservatives added. So I read the ingredients (even the fine print) and everything checked out! It really has NO PRESERVATIVES ADDED! That means it doesn’t have ingredients that may turn out to be allergens, or worse...carcinogens! Whew! Now that’s healthy goodness that tastes so good, I... stop sucking chupa chups and stop watching annoying orange. I just sit relax and drink this minute maid pulpy orange
So okay, it’s got no preservatives added. That’s really good, right? Not just because it doesn’t have those icky, harmful ingredients, but it also means... i dont have a chance to finish my blog? just joking..:) it means that i can enjoy minute maid to its fullest..
So far anyone who still has a hard time believing that Minute Maid has got no preservatives added - meaning it's THAT natural, it's almost like it's plucked straight from the tree, it's just as Mother Nature wanted your orange juice to be, it's got nothing but the good stuff yes, none of those potentially toxic stuff that can harm your brain, kidneys, heart; cause tumors aargh- the list of preservatives' bad effects just go on!!! Anyway, just to prove a point on just how good Minute Maid Pulpy is 'cause it's got NO PRESERVATIVES ADDED, I'm gonna share my blog about minute maid pulpy orange to all the my filipino readers. and make does non-believers feel sorry for not trying this orange pleasure..
Feels good to know about the real pulpy deal, right? C’mon show me a smile on the comment box, and you might win yourself a Really Pulpy Deal! (That’s a chance to win a Minute Maid gift pack simply by commenting. Sweet! C'mon you just might be picked as the lucky 'commentor'!)
Love,
mini mhynie
with hugs,kisses and alot of love..XD
don't forget to like this page.:)
5 putok. balik tanaw 2010.
siya si lil zuplado, nung napadaan ako sa pak-shet.blogspot.com dati. nakita ko tong lil zuplado na ito. Napa-hanup ako sa nabasa ko. hindi lang mali mali ang spelling ng sinulat niya, mali mali din ang pinag-susulat niya, at bukod sa lahat ang tigas naman ng mukha niya na iadobe yung candy cuties at ilagay yung pagmumukha niya dun. nung pasibol pa lang ang jejemon, picture niya ang lagi kung nakikita sa google pag nag-sesearch ako ng jejemon.
kung may jejemon na masaya at gangstah, dapat siguro meron din mga jejemon na malungkot at sila ang mga ajujumon. "wala lang may magawa lang"
totoo nga yung sabi nila na kung gusto mong sumikat kailangan galit ka sa sikat. kung gaano kabilis sumikat ang mga jejemon ganun din kabilis sumikat ang mga jejebusters. ewan ko ba kung bakit ganun. dati galit sa emo ngayon naman galit sa jejemon hay buhay iba na talga ang mundo.
kailangan pa bang may sabihin ako? sige na nga. yung bekimon ay mga baklang gumagamit ng gaylingo. wala na akong ibang alam sa kanila pero alam ko gay ang mga bekimon. TAPOS!!
pang-apat na putok. fliptop.
fliptop. ang modern balagtasan. kahit saan ako lumingon o tumambay may naririnig akong nag-flifliptop. sikat na sikat to ngayon hindi lang sa mga matatanda kundi pati na rin sa mga bata. dito sa fliptop sumikat sila batas, loonie, zaito, fuego. hindi ko na imemention lahat kasi masyadong marami. ilang beses na rin na imbitahan sa telebisyon ang ilan sa kanila. mabilis din sumikat ang fliptop dahil sa youtube. sympre patok kaya sa tao pag nakakarinig sila ng nag-lalaitan sa internet. offtopic muna yung youtube parang s.m they got it all for you. so yun na nga back to topic tayo, fliptop, oo nga fliptop dami nang kumakalat na fliptop battle let me mention some, nandyan yung flipcap,fliprap at flipshop. napaisip tuloy ako pano kaya magfliptop ang mga jejemon at mga bekimon.?
jejemon: gahgouwzh pouwzh u jejemonyo kah pouwhz bou-bou xa spelling ang lahi mouwzh pouwhz je je je..
bekimon: pasok ka sa banga. facelaks mong mukhang basag na flower vase charot lang mas mukha kang halimaw sa banga..
pang-limang putok. dota
ito pa rin ang hari ng mga putukan. kumbaga sa paputok, goodbye earth. lahat ng computer shop may naglalaro ng dota. kaaway siya ng mga guro at mga girlfriends. ito ngayon yung madalas pag awayan ng mag-syota pero minsan dito ka rin makakahanap ng syota.
bf at gf nag-aaway dahil sa dota.
gf:ano ba?! dota ba o ako?!
bf:dota.
gf:hmf. dyan ka na nga.!!!
bf:dota kasi, yung dota pwede kung pag-laruan. ikaw hindi.
HANUP.!!
hindi lang naman lalaki ang nag-dodota. nag-dodota rin ang mga bata, matanda, babae, higher class, middle class, pati yung mga nasa lower class.
sa dota rin nag-simula ang trashtalk. kaya rin siguro mabilis umuso ang fliptop.
sa dota rin umuso ang salitang imba. putcha. imba ka ng imba hindi mo naman alam ang ibig sabihin. pero sa dota rin mag-simula ang maraming bagsak ko. madalas absent ako pag nayayaya ako ng dota ng mga kaibigan ko sa school.