Jeepney journey (part 1)

On Tuesday, March 29, 2011 0 comments

Isang araw sumakay ako ng jeep ang daan sm papasok, cubao cubao, daming tao, papasok ako ng school wala akong kasabay na kakilala dahil emo ako. Joke, na-observe na pag ang isang tao ay mag-isa siya ay nakaheadset at pag may groupo naman sila ay napakaingay nila. katulad na lang nung dumating na kami ng SM, may sumakay na isang groupo ng mga estudyante at napakaingay nila. puro babae kaya ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga girl stuff. tulad ng mga crush-crush, wala naman talaga akong balak na makinig sa kanila kaso natawa ako dun sa sinabi ng isang babae. At ito ang naging conversation nila sa loob ng jeep.

girl1: alam ninyo napansin ko yung crush ko na binobosohan ako kanina sa klase."

girl2: ano ginawa mo?

girl1: wala hinayaan ko lang,crush ko naman ehh.

Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa sinabi ng babae. Yung iba ngang nakasakay kunwari walang narinig at yung isa namang estudyanteng katabi ko walang narinig kasi nakaheadset. napansin ko pala sa sarili ko na bakit tuwing sumasakay ako ng jeep, lagi akong nakasakay sa pinakalikod ng driver, siguro dahil favorite place ko yung at trip ko tlgang mag-abot ng bayad ng mga sumasakay.

Sumakay ulit ako ng jeep francisco, tungko ang biyahe, pauwi na ako. Maraming nakasakay. siksikan sa jeep. nung makarating na ng sm fairview bumaba na yung ibang sakay. Napuno na yung jeep, pero si manong nagpapasakay pa din. sabay sabi "kasya pa sa kanan sampuan po yan." nakakabwisit kasi kahit punong puno na nag-papasakay pa. kung may kasabay lang ako sa jeep na kakilala ko baka sinabihan ko pa ng "manong 12 na po kami dito." Pero habang tumatakbo sa isip ko yung linyang dapat sasabihin ko. Biglang may bumasag ng katahimikan. At sinabing kuya puno ka tapos nagpapasakay ka pa. Nung tinignan ko kung sino ang nagsalita nagulat na lang ako dahil isang dilag na nag-aaral sa new era ang nag-salita. hindi pala nakikita sa school na pinag-aaralan ang ugali ng isang tao dahil nakataray ng babaeng nakasagutan ni manong. natapos lang ang kanilang pag-aaway nang may bumabang pasahero. Pag-katapos nun wala na rin iba pang nangyari. Hanggang bumaba ako sa pecsonville home of the handsome faces.

0 comments: