Sila na nagpasimula ng concept ng social networking dito sa pilipinas.Sila na nagpauso ng testimonial at html layout na pwede mong icostumize at pagandahin ang iyong profile. Nagulat ako noong ibalita sa T.V na magrereformat daw ang friendster. dahil tinanggap na nila ang kanilang magkatalo sa facebook. Ang mga loyal supporter ng naturang social networking site ay nalungkot dahil ayon sa friendster mabubura na lahat ng picture, testimonial, message, at mga blog. effectively on may 31,2011. ginagawa nila ito dahil balak ng naturang social networking site na mag-upgrade at pagandahan lalo ang kanilang site. at mula sa pagiging isang social networking site ay magiging isang social entertainment site na ang friendster, na nagfofocus sa mga games and songs.Hindi naman daw mawawala ang mga account pero yung kung 6 years mo nang hindi nabubuksan ang friendster account mo. Goodbye na talga. Hindi ko alam kung tama ang hakbang na gagawin ng friendster pero ayon sa akin narinig sa telebisyon marami ang naging sentimental ang nalungkot.Medyo nalungkot din ako kasi kahit papaano iba pa rin ang friendster dahil madali mong mababalikan ang mga testimonial sayo sa friendster. hindi tulad sa facebook na madaling natatabunan ang pinost sa wall mo. Meron namang paraan para mai-save ang inyong mga picture at iba pang information ng inyong friendster account.
friendster reformat
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Ohhh. .Ikaw na magaling. .Web page designing
Post a Comment