Medyo matagal tagal na rin akong pumapasok simula nung start ng class, siguro mga dalawang linggo na. wala namang kakaiba sa mga subject ko ngayon ganon pa rin naman. nandun pa rin yung mga maiingay, mga nerd, clown at new faces. sympre mahirap pa din yung mga subject ko, nakakapagod pa din at nakakatamad pero atleast ngayon medyo naeenjoy ko na, natatawa na ako pag may nag-papatawa sa klase at meron na rin akong mga bagong friends. Yun nga lang wala pa rin akong nakikitang magandang kaklase. Namiss ko tuloy yung fatima dami kasing chickas dun ehh parang paraiso sa mga lalaki. Pero aanuhin mo nga naman ang ganda nila kung hindi mo naman sila makukuha?
Mabalik nga ulit tayo sa STI, may bagong building yung STI pero hindi pa nila pinapagamit sa mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit, ayaw siguro nilang madumihan yung tiles ng bagong building, sana mabuksan na yung bagong building dahil natratraffic ang mga estudyante pag pumapasok sila sa klase nila. Dahil sa lumang building napakaliit ng daan saka madalas siksikan pag nagsasabay ang mga papasok sa klase at mga lalabas ng building. siguro pagkatapos nitong month bubuksan na yung bagong building. May halong pagka-excited at pagkatakot ang aking nararamdaman dahil ang balita ko may CCTV camera daw sa mga classroom sa loob ng bagong building. Pano na yan? Hindi na ako makakapagchismisan sa mga kaklase ko, kakawa rin yung mga owls eye, eagles eye,vultures eye, sama mo na yung mga may sharinggan saka biyakugan at giraffe neck. mahihirapan na silang kumopya at sabi rin saken pag nahuli ka daw na nagcecellphone sa klase sa bagong building ay isususpend ka for 7 days ganoon din pag nahuli kang nagvavandal ng pader or kaya sa mga upuan. Sympre naman kahit ako kung may bago akong laruan or gamit sympre ayokong magasgasan. Sino ba naman ang tangang bibili ng gamit para sirain lang ng iba?pero sa kaso ng mga upuan sa school minsan kasi talagang hindi maiwasang ivandal, yung tipong lagay lagay lang ng name para sikat ka. Una sa schoolmate mo at pangalawa sa mga teacher at sa dean. sana nga ay isang masamang panaginip lang ang CCTV camera dahil kung totoo yun, naku siguradong limitado na ang galaw ko.
sabi nga nila "ang hindi marunong tuminggin sa kaliwa at kanan aura ng teacher na nakatinggin sa kanya ang nararamdaman."
Back to school
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ang dami mo tlagang alam. .Maligo lang hindi. .Ndtrip na ko sa pagkocomment. .Palagi nakacncel. But this one is good. .Like
o yan ahh d na kita inaway.
Hirap ng pinagdaanan ko makapag comment lang. .Drawing ko ahgg
Post a Comment