catchy yung caption
Trip ko lang siyang gamitin dahil summer na. At kung gusto ninyo na hindi nakabikini ang mga girlfriend ninyo sa beach ay bumili kayo ng ganito hindi bastusin tignan. pero hindi yan ang topic natin ngayon. Ang blogpost ko ngayon ay tungkol sa mga sakit ngayong summer. Kaya ito na sisimulan ko na.
1.Tamadiatus lagpakmasus or in tagalog term is tamad. Pag katapos ng pasukan dumadami ang mga ganitong tao. hindi sila yung mga tipo na mahirap palabasin ng bahay dahil sa mag-hapon nilang paghilata. sila rin yung mga taong pagkagising pa lang ay hihiga ulit sa sopa at manonood ng T.V alergic sila sa wallis at dustpan.
2.Sugaleros mimpus sila yung mga taong humahanap ng pagkakakitaan ngayong bakasyon. Dati sa basketball sila naghahanap ng pera, ngayon sa Dota na. ang mga taong meron ng sakit na ito ay nagpapataya rin ng ending at kung ano ano pang sugal. Mahirap makita ang sintomas ng sugaleros mimpus mahahalata mo na lang meron ka pag-nahalata mong papusta pusta ka na sa mga dota,basketball at pag tuma-taya-taya ka na sa ending.
3.Nog-nogeros ulikbasus nakukuha ito sa paliligo sa mga beach, resort at ilog. mahirap iwasan itong sakit na ito dahil pag nagbabad ka sa mga nasabi ko ay siguradong makakakuha ka ng ganitong sakit. naiiwasan naman ito kung maglalagay ka ng lotion na may anti u.v raise o kung magni-night swimming kayo. Wag nyo nang hintayin na masabihan kayo ng "balita ulikba" or in english "wazzup mah negga".
4. Insomiatic pupuyatsis makukuha mo itong sakit na ito kung may computer kayo sa bahay ninyo at kung may internet ito. Pwede mo rin itong makuha kung mahilig kang manood ng mga late night show tulad ng jojo a all the way at music uplate. Ang iba naman ay nakukuha ang sakit na ito pag lagi laging nakatelebabad sa telepono or cellphone. Meron rin naman na special case na makukuha mo ang ganitong sakit pag lagi kang gumigimik ng gabi at nag-bar hopping.
5.Tulalasis adiknamus ito yung sakit na pinakamalala tuwing summer dahil nakikita sila sa mga computer shop at minsan sa mismong loob pa ng bahay ninyo. Makukuha mo ito pag lagpas limang oras ka nang nanunuod ng Telebisyon. Malalaman mo namang meron kang ganitong sakit sa computer shop pag lagpas sampung oras ka nang nagcocomputer or nanunuod sa mga nag-cocomputer.
0 comments:
Post a Comment