Showing posts with label may mapost lang. Show all posts
Showing posts with label may mapost lang. Show all posts
it's funny to fall inlove
Being First
This fast few year im trying to be first in everything. no specific reason. Gusto ko lang maging no.1. Maging first sa dota, sa klase, sa tekken, sa facebook, dito sa blogging, sa radio hosting , sa puso mo na rin. noong bata ako pangarap ko talang maging no.1 sa klase pero habang tumatanda ako nakakalimutan ko na lang ito at nawala sa isipan ko na parang bula. nakakatamad kasing mag-aral. sa facebook naman hindi ko na hinahanggad maging no.1 dahil wala nang tatalo kay mark zukerberg, try ko na lang maging no.2.
Yung sa tekken tanggap ko nang wala akong pag-asa dahil sa dami ng magagaling sa tekken sa buong mundo para lang akong kuto. baka mag bacteria lang eh. sa dota naman parang may future pa ako kaya hindi muna ako susuko doon. Sabi ng kaibigan ko nagiging exciting moment na ang galawan ko ehh.
Yung about sa radio hosting naman ay ginawa ko nga palang past time yun nung bakasyon.Gumawa ako ng website sa weebly tapos gumawa din ako ng ustream account para makapaghost. Medyo kinarir ko yung design ng website na ginawa ko. yun nga lang parang mailap pa rin saken ang pagkakataon dahil swerte na pag umabot ng 5 ang listener namin pero okay lang naman. kung gusto nyo pala ivisit nasa sidebar lang yung logo ng site iclick nyo na lang po at pakihanap.
Yung about sa radio hosting naman ay ginawa ko nga palang past time yun nung bakasyon.Gumawa ako ng website sa weebly tapos gumawa din ako ng ustream account para makapaghost. Medyo kinarir ko yung design ng website na ginawa ko. yun nga lang parang mailap pa rin saken ang pagkakataon dahil swerte na pag umabot ng 5 ang listener namin pero okay lang naman. kung gusto nyo pala ivisit nasa sidebar lang yung logo ng site iclick nyo na lang po at pakihanap. Mag-move on na tayo sa blogging status, Medyo okay naman yun blogging trip ko. Mahirap nga lang mag-isip ng isusulat araw araw at mahirap din magpromote pero okay lang ulit dahil ngayon ay pang no.95 ako sa nuffnang.com humour category, 94 na competitors na lang ang kailangan kung higitan 94 na obstacle na lang. siguro yun iba sa kanila parang lubak na daan. baku baku na pero dinadaanan pa rin. ika nga nila nalaspag dahil araw araw ginagamit. na gegets ninyo pa ba ako? gusto ko lang sabihin ay yung ibang blog ay wala naman bagong pinopost pero nabibisita pa rin lagi ng readers. Enough na nga sa blog baka maikwento ko pa yung kwento ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng kapitbahay namin.
Dito na tayo sa last part. Ang maging no.1 sa puso mo at puso ng nakakarami. Yan lang naman yung pinakadahilan kung bakit gusto kung maging no.1 sa lahat ng bagay na na-una kung nabanggit. Dahil pag naging no.1 ka, para isa ka nang GodLike, clown sa klase, warlord sa tekken, mark zukerberg sa facebook, papa dan sa radyo, ewan ko na lang sa blogging. pero okay lang kahit hindi ako maging no.1 sa mga bagay na yan. basta maging no.1 ako sa puso ng babaeng pinapangarap ko. Mali pala, "sa puso ng mga babaeng pinapangarap ko."
sleepless night

Gabi gabi na lang puyat. Bakit kaya kahit gabing gabi na dami pa rin online sa facebook? wala naman silang ginagawa sa doon kundi tuminggin tinggin lang. Maglike ng post ng friend at magubos ng oras. Tama nga ang survey na time waster ang facebook dahil kahit wala kang ginagawa mas pipiliin mo pang bukas ang facebook mo. Aminado rin naman ganito ako pero hindi lang naman facebook ang dahilan kung bakit ako napupuyat. Nandyan yung garena na kinakaadikan ko. Automatic na tuwing 11pm ng gabi simula na ng aming paglalaro hanggang 4-5am. Minsan nood ng movie at pag sobrang boring na tinggin tinggin ng magagandang picture ng ubod ng gagandang babae. andyan na rin yung panonood ng x-rated film, tama x-rated film yung malaswa.Natural na saming mga lalaki yun. Madalas nga pag pumupunta ako sa computer shop ng barkada ko lagi ko silang naabutan nanonood ng maria ozawa at bago magsara ang shop sa hating gabi o madaling araw nanonood ulit sila. Kaya nga siguro walang masyadong babae na nag-rerent dun sa computer shop na yun kasi computer shop for boys lang iyon. Minsan naman pag madaling araw inom hanggang makatulog.


Siguro kung ganito katabi ko baka mapaaga tulog ko. baka hindi na pala ako makatulog.
Mabalik nga tayo, kung ang boys may garena, x-rated inom at facebook. Ano naman kaya sa babae? Yung facebook siguradong hindi mawawala. Meron din naman naglalaro ng garena pero hindi majority, siguro naman tinitignan rin nila yung crush nila pag madaling araw na. Pero ano kaya ang iba pang ginagawa ng mga babae pag napupuyat sila ng madaling araw? Sabi ng kaibigan kung babae dati karamihan daw ng babae naglalaro ng i-date at audition. Yung iba pag hindi nakaharap sa computer ay nag-paparty party hanggang umaga.
Pero bakit kaya napupuyat ang iba pag umaga? base sa experience ko nag-pupuyat ako kasi hindi ako makatulog ng maaga at madalas kasi 3pm na ako nagigising kaya siguro natural na saken yung matulog ng ganoon. parang call center tulog sa umaga gising sa gabi. Pero bakit noong naranasan kung pumunta ng concert ay 2am pa lang inaantok na ako.Pero pag andito naman ako sa bahay hindi ako inaantok kahit wala akong ginagawa. Yung sa iba wala na akong pakiaalam kung bakit sila napupuyat sa gabi basta ang mahalaga ay matapos ko na itong post ko. dahil malapit nang magsimula ang dota game namin. kaya kayo matulog na kayo ng maaga. mamaya maging zombie pa kayo.
S.I.N.G.L.E

Tatlong taon na rin pala akong walang girlfriend. Medyo matagal na rin pala kung tutuusin. Hindi ko naman kailangan ng girlfriend ngayon, pero minsan naboboring din kasi ako lalo na ngayong bakasyon na pag gising ko sa umaga, mauubos ang oras ko kakacomputer, kakanood ng T.V at kakatambay. swerte na nga pag gumagala kami ng mga friends ko ehh. Kaso hindi naman araw araw libre silang gumala or mag-hang-out. ayoko rin naman masyadong magpunta sa MALL kasi pag andun ako walang kamatayang arcade lang ang lalaruin ko at walang kamatayang pag-tambay sa timezone lang ang gagawin ko saka nakakasawa na rin yung laging isang MALL lang ang pinupuntahan mo. Pag naboring sa pagtambay lakad lakad kahit kabisado mo na yung lugar. Sa totoo lang ayoko naman maging single for 3 years dahil minsan mabwibwisit ka na lang pag nakakita ka ng mgsyota na sobrang hot,ganda,sexy,mabait,mukhang anghel na babae pero yung boyfriend naman mukhang dugyot,mukhang hindi naliligo,mukhang basurero at wala wala talagang maipagmamalaki. Tapos biglang papasok sa isip mo. unfair talaga ang mundo, minsan pa nga masasabi mo na lang na mas may itchura pa nga ako dyan sa lalaki pero bakit hindi pa rin ako mabiyayaan ng girlfriend kahit hindi gaanong maganda. Ganoon talaga ang buhay hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo pero, marami rin naman advantage ang pagiging single at ito ang mga iyon.
1.Ang single hindi kailangan mag-ipon para may maipang date sa monsary,weeksary at aniversary.
2.Ang single hindi kailangan manlibre ng pamasahe. hindi katulad ng lalaking may boyfriend. sagot mo na lunch, meryenda, at pamasahe pag gumagala kayo.
3.Ang single hindi nag-aalala kung magflirt flirt man siya sa iba.
4.Ang single walang pinapakinggan. wala kasing nakikialam.
5.Ang single hindi kailangan magpaganda or magpagwapo. kahit gumala ka ng hindi na liligo or naghihilamos okay lang.
6.Ang single maraming time para sa sarili kahit buong araw ka pang matulog okay lang.
7.Ang single hindi kailangan laging unlimited para itxt ang boyfriend or girlfriend.
8.Pag single ka walang nakikialam ng cellphone mo.
9.Pag single ka hindi mo kailangan bumili ng dalawang ticket para lang makapanood ng sine
10.Pag single ka, Free ka.!! ito ang pinakamasarap na bagay sa pagiging single. walang sagabal.
Subscribe to:
Posts (Atom)

















