Showing posts with label badtrip moments. Show all posts
Showing posts with label badtrip moments. Show all posts

Aminin mo. ginawa mo lang yan para sumikat.

On Wednesday, July 10, 2013 0 comments


kagabi lang habang tumitinggin tinggin ako sa wall ko sa facebook nakita ko itong post na ito. about ito sa isang amerikano na niloko at na-scam ng kapwa natin filipino hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung maiinis ba ako o mabwibwisit dahil isa nanaman ito sa mga pakulo ng mga page sa facebook na magpopost ng mga taong nakakaawa para lang ilike yung post nila at ishare. naiinis ako dahil nakalagay doon sa post na 1like = 1prayer, ano ba sa tinggin nyo mangyayari pag nilike namin yung photo? hindi naman siya makakauwi sa US pag ginawa namin yun. kaya nag post ako ng comment at ito ang nakalagay sa mga hindi nakikita yung pinost ko post ko ulit.

"kung ako sa inyo hindi ko na ipagmamalaki na tinulungan ko siya. hindi ko na rin siya pipicturan at ipopost sa page ko. ididiretso ko na siya sa american embassy ng makauwi na. sa tinggin ko mas makakatulong ako kung ganon ginawa ko."


hanggang ngayon yung like sa post ko nadadagdagan pa rin, hindi na ako magtataka dahil alam ko naiintindihan ng ibang netizen ang nararamdaman ko na dapat idineretso na lang nila sa US embassy yung lalaki. dahil doon ay mas matutulungan siya.

wala naman akong galit sa page na nagpost nito. okay lang sakin yung ginawa nila. ang ikinasama lang ng loob ko ay yung hindi pa nila nilubos lubos yung tulong na ginawa nila. naibili nga nila ng mcdo yung lalaki eh. bakit hindi na lang nila ito dineretso sa us embassy para makauwi na ito at hindi na magutom sa bansa natin. 



ang masasabi ko lang kung tutulong ka isipin mo yung mas makakabuti sa tao hindi yung makakabuti sa page mo. lagi ko itong nakikita sa facebook na nagpopost ng nakakaawang tao tapos nakalagay sa post na 1like = 1pray. 1share = big help. kung gusto mo talagang makatulong di ba mas mabuti kung ipopost mo yung photo sa mga page ng institution na kayang tumulong sa kanila. katulad sa US embassy or ipost mo sa mga media page tulad ng GMA at ABS-CBN hindi yung ipopost ninyo sa page ninyo at ipapalike at ipapashare. parang nagiging pagefie short for the good of my page na ang nangyayari hindi na for the good of the people you post. Sana lang maging wake up call ito sa mga mahilig magpalike ng photo about sa nakakaawang tao. para kasi sakin petty crime yang ginagawa ninyo. 


Bus-ta BUS wagas

On Tuesday, January 31, 2012 0 comments





MODUS OPERANDI SA BUS (Metro Manila)


AKALA KO AKO LANG!...UN PALA MERON PANG IBA NA NABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka...(based on my own experience sa isang aircon bus....)

Last september 6, 2007, 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor.

So, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...

eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ito...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO YUNG PINTO...BABABA NA AKO..LALAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ito, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ....sya ay bababa sa Boni....

Naalala ko ung nangyari sa'kin ....nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK... SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titingan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti.

Salamat po. - Yotomi(PEX)

i do not own the story i just share it so everyone is aware. kayo na rin humusga kung totoo, hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganito.

it's funny to fall inlove

On Monday, December 26, 2011 1 comments

funny thing about falling inlove is that, you try to write the sweetest love letter but in the end it will sounds funny when you read what you write.

another thing is that, lahat ng ginagawa nya sayo, tinggin mo sweet tapos sinusulat mo pa sa diary mo.

Back to school

On Thursday, June 30, 2011 2 comments

Medyo matagal tagal na rin akong pumapasok simula nung start ng class, siguro mga dalawang linggo na. wala namang kakaiba sa mga subject ko ngayon ganon pa rin naman. nandun pa rin yung mga maiingay, mga nerd, clown at new faces. sympre mahirap pa din yung mga subject ko, nakakapagod pa din at nakakatamad pero atleast ngayon medyo naeenjoy ko na, natatawa na ako pag may nag-papatawa sa klase at meron na rin akong mga bagong friends. Yun nga lang wala pa rin akong nakikitang magandang kaklase. Namiss ko tuloy yung fatima dami kasing chickas dun ehh parang paraiso sa mga lalaki. Pero aanuhin mo nga naman ang ganda nila kung hindi mo naman sila makukuha?

Mabalik nga ulit tayo sa STI, may bagong building yung STI pero hindi pa nila pinapagamit sa mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit, ayaw siguro nilang madumihan yung tiles ng bagong building, sana mabuksan na yung bagong building dahil natratraffic ang mga estudyante pag pumapasok sila sa klase nila. Dahil sa lumang building napakaliit ng daan saka madalas siksikan pag nagsasabay ang mga papasok sa klase at mga lalabas ng building. siguro pagkatapos nitong month bubuksan na yung bagong building. May halong pagka-excited at pagkatakot ang aking nararamdaman dahil ang balita ko may CCTV camera daw sa mga classroom sa loob ng bagong building. Pano na yan? Hindi na ako makakapagchismisan sa mga kaklase ko, kakawa rin yung mga owls eye, eagles eye,vultures eye, sama mo na yung mga may sharinggan saka biyakugan at giraffe neck. mahihirapan na silang kumopya at sabi rin saken pag nahuli ka daw na nagcecellphone sa klase sa bagong building ay isususpend ka for 7 days ganoon din pag nahuli kang nagvavandal ng pader or kaya sa mga upuan. Sympre naman kahit ako kung may bago akong laruan or gamit sympre ayokong magasgasan. Sino ba naman ang tangang bibili ng gamit para sirain lang ng iba?pero sa kaso ng mga upuan sa school minsan kasi talagang hindi maiwasang ivandal, yung tipong lagay lagay lang ng name para sikat ka. Una sa schoolmate mo at pangalawa sa mga teacher at sa dean. sana nga ay isang masamang panaginip lang ang CCTV camera dahil kung totoo yun, naku siguradong limitado na ang galaw ko.

sabi nga nila "ang hindi marunong tuminggin sa kaliwa at kanan aura ng teacher na nakatinggin sa kanya ang nararamdaman."

S.I.N.G.L.E

On Sunday, April 17, 2011 1 comments


Tatlong taon na rin pala akong walang girlfriend. Medyo matagal na rin pala kung tutuusin. Hindi ko naman kailangan ng girlfriend ngayon, pero minsan naboboring din kasi ako lalo na ngayong bakasyon na pag gising ko sa umaga, mauubos ang oras ko kakacomputer, kakanood ng T.V at kakatambay. swerte na nga pag gumagala kami ng mga friends ko ehh. Kaso hindi naman araw araw libre silang gumala or mag-hang-out. ayoko rin naman masyadong magpunta sa MALL kasi pag andun ako walang kamatayang arcade lang ang lalaruin ko at walang kamatayang pag-tambay sa timezone lang ang gagawin ko saka nakakasawa na rin yung laging isang MALL lang ang pinupuntahan mo. Pag naboring sa pagtambay lakad lakad kahit kabisado mo na yung lugar. Sa totoo lang ayoko naman maging single for 3 years dahil minsan mabwibwisit ka na lang pag nakakita ka ng mgsyota na sobrang hot,ganda,sexy,mabait,mukhang anghel na babae pero yung boyfriend naman mukhang dugyot,mukhang hindi naliligo,mukhang basurero at wala wala talagang maipagmamalaki. Tapos biglang papasok sa isip mo. unfair talaga ang mundo, minsan pa nga masasabi mo na lang na mas may itchura pa nga ako dyan sa lalaki pero bakit hindi pa rin ako mabiyayaan ng girlfriend kahit hindi gaanong maganda. Ganoon talaga ang buhay hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo pero, marami rin naman advantage ang pagiging single at ito ang mga iyon.

1.Ang single hindi kailangan mag-ipon para may maipang date sa monsary,weeksary at aniversary.

2.Ang single hindi kailangan manlibre ng pamasahe. hindi katulad ng lalaking may boyfriend. sagot mo na lunch, meryenda, at pamasahe pag gumagala kayo.

3.Ang single hindi nag-aalala kung magflirt flirt man siya sa iba.

4.Ang single walang pinapakinggan. wala kasing nakikialam.

5.Ang single hindi kailangan magpaganda or magpagwapo. kahit gumala ka ng hindi na liligo or naghihilamos okay lang.

6.Ang single maraming time para sa sarili kahit buong araw ka pang matulog okay lang.

7.Ang single hindi kailangan laging unlimited para itxt ang boyfriend or girlfriend.

8.Pag single ka walang nakikialam ng cellphone mo.

9.Pag single ka hindi mo kailangan bumili ng dalawang ticket para lang makapanood ng sine

10.Pag single ka, Free ka.!! ito ang pinakamasarap na bagay sa pagiging single. walang sagabal.

Dun lang nalungkot

On Monday, February 28, 2011 0 comments

frontpage of 489 episode

biglang nalungkot ako nung linggo.kasi dapat manunuod ako ng onepiece 489 episode.pero walang nilabas yung mga nagproproduce ng anime, ayoko naman basahin sa manga kasi nakakatamad at walang kabuhay buhay. isang linggo ko hinintay tapos biglang walang nilabas na bagong episode. anak ng tokwa.hindi ko alam kung bakit wala pa silang bagong episode sa anime pero sana next week dalawa yung ilabas nila. nung linggo nga daming pumapasok sa isip ko kung bakit walang lumabas na bagong episode. andun na yung baka wala nang budget ang mga animator para magproduce ng bagong episode. kahapon lang din pala nangyari saken yung nagbasa ako ng mga comment ng mga kapwa fanatics ko ng onepiece, madalas kasi pag nanuod ako ng onepiece nood lang tapos hindi ko na pinapakialaman yung mga comment ng ibang nanunuod, so as far as im concern nadismaya din sila.. yung iba lalong naexcite, at yung iba naman nalungkot kasi isang linggo mong hinintay tapos wala pala. para kang pinaasa sa wala. pero hayaan na natin yun dahil sa susunod na linggo ipapalabas na nila yung 489 episode. sana hindi na ulit madelay.excite na excite na ako eh.

hanup moments by buhay badtrip.!!

On Wednesday, January 26, 2011 0 comments

click to enlarge

i was browsing the internet and i was so lol'd at this poem when i see it. basta ma-ryhme lang okay na. sana huli na to.. sumasakit kasi yung mata ko sa ganito...

bayad po.!!!

On Thursday, December 16, 2010 1 comments

ganda ng pagkakakuha dito.

Since tinatamad pa naman akong mag-dota magbloblog muna ako. kanina nung nagbayad ako sa jeep. nabwisit ako sa driver kasi nung nagbayad ako ng sampung piso ilang beses akong tinanong ng driver kung saan ako papunta. sabi ko kuya p*c**n lang, siguro mga 4 or 5 times siyang ganun ang tanong at 3 to 4 times atang nagtanong kung saan ako galing sabi ko galing SM ng mga 2 times ko inulit yun tapos nung huli nyang tanong nun sinabi ko "manong galing SAKEN" sa sobrang bwisit ko yun na lang ang nasabi ko. tapos biglang banat ng kulang pa ng kwatro pesos. putcha naman sinabi ko estudyante. napakaburakot talaga nung manong na yun parang gusto pa ata niya na maging scholar, 1st honor, deans lister, magna or summa cum laude ako bago ako bigyan ng discount at ang kapal pa ng mukha niya 4 pa hinihingi.. 12 pesos lang kaya pag simula samin hanggang SM. naisip-isip ko rin na gumanti kay manong. kumuha ako ng buong 200 pesos sa bulsa ko at yun yung binayad ko sa kanya natawa pa nga saken yung katabi kung hot chick ehh. so in the end hindi na niya sininggil yung 4 pesos.


trip ko lang gamitin yung bidyo

speaking of chicks, minsan pag may nakakasabay akong hot chicks ay parang ang swerte swerte ko, parang daig ko pa yung nanalo sa lotto lalo na yung pag-magkaharap lang kayo o magkatabi parang hindi mo maiwasang tumiggin sa kanya. minsan pa nga parang ayaw mo nang bumaba ng jeep, pero lahat ng kaligayahan meron katapusan.lalo na pag malapit ka nang bumaba at minsan hindi ka nga bumaba, siya naman yung bumaba..

ano kaya gagawin nyo kung sa gitna kayo ng desyerto naubusan ng gas?

minsan naman naransan ko na yung sa loob ng isang araw, lahat ng jeep na sinasakyan ko ay dumadaan ng gasolinahan. hindi naman ako mukhang gasoline boy tapos dahil pa dun lagi akong nalalate sa mga klase ko.

Sampung rason kung bakit nabwibwisit minsan akong sumakay ng jeep.

10.meron pa - puno na nga yung jeep nagpapasakay pa.

9.swap - pag pinapalipat ka sa ibang jeep kasi babalik na sa terminal, kasi unti lang nakasakay.

8.paimportante - hinihintay pang mapuno yung jeep bago umalis.

7.estudyante senior at disable - pag hindi nagbibigay ng discount.

6.bingi - kailangan ba paulit ulit?

5.kadyot lang kadyot lang - mag-brebreak tapos andar ng mabilis tapos biglang break tapos andar ulit ng mabilis..

4.amoy baby - badtrip talaga yung may mga putok. daig pa yung bawang,five star, lolo thunder o goodbye philippines sa lakas ng sabog ehh..

3.bulag, bingi o nagtatangatangahan - ang layo ng lalakarin mo kasi bingi yung driver . magtatanong pa kung estudyante ka kahit obvious na obvious naman, parang bulag. hindi ka papansin nung driver pag kukunin mo na yung sukli mo.

2. gangsta rap - putcha jeje yow yow yow, wala na ngang sense, nakakabwisit tapos sasabayan pa ng kanta ng mga jejemonyo.

1.paabot po - ito yung top 1 para saken kasi madalas na drama to sa loob ng jeep. yung ipapaabot mo na lang yung bayad mo tapos ayaw pang iabot nung nasaharapan mo. minsan pa nga yung iba titignan ka muna parang tinitignan yung kasingit singitan mo bago iabot yung bayad mo, yung para bang kasalanan mo pang sa kanya mo inabot yung bayad mo. hutaena talaga..


bago ako tapusin tong blogpost ko mag-iiwan muna ako ng maiksing qoutes na nakita ko sa internet

Ang pagmamahal ay parang bayad sa jeep. barya lang sa umaga buo naman sa gabi.

please naman pakitanggap mo na lang.

On Wednesday, December 1, 2010 0 comments

the title comes from the lyrics of a song entitled silvertoes,waaaa ako ba to? dumugo ilong ko dun ahhh,hayaan nyo na lang yung grammar, on topic na ulit. hindi ko talaga alam yung meaning nung silvertoes pero sa pagkakaalam ko,yung kanta ay about sa girl na ubod ng panget at super feeling na maganda siya. tama nga naman yung linya sa kanta na "Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama" hindi ko naman sinasabing masama yung ganito. pero kasi minsan napakafeeling nung iba. napakalandi kumilos tapos napaka-arte minsan pa nga napakataray at napakasungit. nakaencounter na ako ng ganito sabi ko "miss excuse me po padaan lang po" tapos biglang banat si gaga na "kabwisit naman to"

tang ina ka ba binili mo ba yung daan at bawal akong dumaan?

well, hayaan na naten yun. nabwibwisit lang ako pag naiisip ko ehh. naisipan kung iblog to kasi naalala ko yung naririnig ko sa radyo ngayon na commercial ng concert. hindi ko alam kung anong concert yun pero ganito yung kwento niya.


narator: pano kaya kung si chito ay tumigil na sa pag-kanta at nagbebenta na lang ng beauty products?

miss: do you really think na bagay saken this pink lipstick?

chito: mm. can i be honest with you? wag kang magagalit hah.

miss: sure

chito: hindi po make-up yung kailangan nyo ehh...


chito: milagro

tapos biglang banat yung silvertoes hindi ko sure kung tama yung pagkakakwento ko pero halos ganyan yung kwento. kaya sana hah bago kayo kumilos mag-isip muna kayo mamaya nakakabwisit na pala yung ginawa nyo. hindi lang sa babae kundi pati na rin sa mga lalaki.


feeling nyo ang popogi at ang gaganda ninyo eh mas panget pa nga kayo minsan sa nilalait niyo! tumingin muna sa salamin mga iho at iha.

NOON at NGAYON

On Thursday, November 4, 2010 0 comments

minsan nakakamiss rin pala yung mga bagay na ginagawa mo pag nalulungkot ka, katulad saken, dati nung highschool ako pag uwi ko galing eskwela, nakikinig lang ako sa radyo at nagkukulong sa kwarto sabay tulog. namiss ko din yung dating buhay ko nung wla pa kaming computer, kasi dati nung wala pa kaming computer parang napakasimple ng buhay ko. yung tipong gising, pasok sa eskwela, uwi sa bahay, bihis, labas ng bahay, tambay sandali, laro sa computer shop, uwi sa bahay, nood t.v hanggang antukin taspos tulog. pag bakasyon naman gising, nood t.v, tambay, tapos nakikipag-kwentuhan sa kaibigan hanggang madaling araw, uwi sabay tulog, minsan nanunuod ng t.v. sympre hindi nawawala pagkain saka paliligo. ganun lang umiikot ang buhay ko dati. ngayon, gising, pasok sa eskwelahan, uwi sa bahay nood sandali ng t.v, tapos computer hanggang antukin. pag bakasyon naman gising tapos nood unting t.v tapos computer hanggang antukin. sympre may kain pa din yun saka ligo. ano kala nyo saken robot? di ba? ang layo na talaga ng buhay ko ngayon kaysa sa dati. namimiss ko rin yung tipong pag uwi ng bahay wala akong naabutan na tao. kaya nakakapag relax ako. walang istorbo at nagawa ko yung gusto ko. namimiss ko rin yung mga times na binibisita ako dati ng dati kung girlfriend pag malungkot ako at pag-wala akong makausap. pero ngayon pag malungkot ako ang kausap ko, computer. laro nang dota at nag-fafacebook. okay lang naman saken kahit ganito ako ngayon pero sympre meron pa rin mga bahay na hindi maibibigay sayo sa pag harap mo sa screen ng computer mo. sa pag lalaro mo ng dota at pag-fafacebook.

BWISIT NA BWISIT.!!!

On Monday, September 6, 2010 0 comments

E1 KO BA KUNG BAKIT BWISIT NA BWISIT AKO KAHAPON.!! WALA NMANG DAHILAN PARA MABWISIT AKO..!! SIGURO DALA LANG YUN NG PRESSURE NG NGBIBIRTHDAY.:)) TAMA BIRTHDAY KO KAHAPON.!! SA MGA BUMATI SKEN SA PERSONAL AT SA FACEBOOK, SALAMAT NG MADAMI.. MAKOTO NI ARIGATO..!! SIGURO KYA BWISIT NA BWISIT AKO KAHAPON KASI KABIRTHDAY KO YUNG EX-GIRLFRIEND KO NA KAPITBAHAY LANG NMIN.. SKA SIGURO KYA BWISIT NA BWISIT AKO KASI PG GSING KO NUNG UMAGA WLANG ULAM.!! ANG ULAM LANG NMIN AY YUNG ULAM KAGABI.. NABWISIT AKO KASI.. PARANG SABAW NA LANG YUN PERO YUN PA RIN IPINAPAULAM.. DAMI NMANG PWEDENG LUTUIN SA REF. HINDI PA NG-LUTO.. TPOS HINDI NA AKO NAKAPASOK SA NG-IISA KUNG SUBJ. NA PHYSICAL EDUCATION.. DAHIL SA KABWISITAN KO DAHIL SA ULAM NAMIN..!! DUMIRETSO NA LANG TULOY AKO SA MALL PARA MAMILI NG KEY CHAIN AT MGLARO NG GUITAR FREAKS.. DAHIL DUN MEDYO NAWALA ANG BWISIT KO..!! SALAMAT SA KEY CHAIN SA GUITAR FREAKS AT SA MGA BUMATI SKEN NGAYONG BIRTHDAY KO.!! HINDI KO NA BABANGGITIN LAHAT KASI MSYADONG MADAMI..:) KAHAPON PARANG NAKITA KO SA SARILI KO YUNG CLASSMATE KO SA ISANG SUBJ. NA LAGING NABWIBWISIT KAHIT WLANG DAHILAN.. NAKAKA-BWISIT DIBA.?? KAHIT IKAW MABWIBWISIT SA KANYA KASI KAHIT NAPAKALIIT NA BAGAY NABWIBWISIT SYA..!! BWISIT.!! HAHAHAHA...:))) WALA NAMAN AKONG GALIT SA KNYA.. ACTUALLY MABAIT NGA SYA EHH.. YUN NGA LANG LAGI TLGA SYANG BWISIT NA BWISIT..

from OLFU to STI "new school old problem..!!"

On Thursday, June 24, 2010 1 comments

ayun nakalipat na ng school.. pagkatapos ng halos araw araw kung pag-pabalik balik sa OLFU(lagro)at sa sa pag-punta ko sa kanilang main branch sa valenzuela.. sa wakas nakuha ko na rin ang pinaka-aasam kung TOR(transcript of record).. ayun madali lang naman ang naging pag-eenroll ko sa STI.. mga 3 or 4 times ata akong bumalik sa school bago ako nakapag-enroll.. it turns out very well naman...

ON THE FIRST DAy "6/21/2010":
nag-simula na ang kalbaryo ko.. unang araw ng klase 7:00am pa lang gising na ako.. naka-P.E uniform ako.. maaga ako gumising para hindi ako malate.. pag dating ko sa STI regalado, nalaman ko na sa lagro cover court pala ginaganap ang p.e at ang mas badtrip pa.. wala pa palang P.E.. next week pa.. badtrip tlga.. ang ending uwi na lang sa bahay...

afternoon class first day pa din.. "6/21/2010":

3:00pm klase ko kaya mga 2:00pm pa lang umalis na ako ng bahay para pumasok sa second subj. ko na PROFETH(hindi ko pa alam yung meaning ng subj. o kung ano yung pinag-aaralan kasi hindi pa ako nakakapasok sa subj na yan) ayun.. on the way na ako papuntang school... sa bandang lagro.. sa OLFU tinignan ko yung cellphone ko para sa oras.. 2:45am na pala.. nagulat ako.. kasabay nun ay nabadtrip din dahil.. napakatraffic dahil sa mga studyanteng galing sa OLFU na tumatawid..(ngayon alam ko na nararamdaman ng mga studyante, office worker at iba pang papunta sa kanilang pupuntahan. pag-tumatawid na yung mga studyante ng OLFU)sobrang badtrip ako nun.. tapos nung nakalagpas kami dun.. kala ko tapos na ang kalbaryo ko.. pag-dating naman namin ng s.m pumasok naman yung jeep sa entrance ng S.M para maghintay ng pasahero..(badtrip talaga late na ako.) pinalipat na lang kami nung driver sa jeep sa likod namin.. napatinggin ulit ako sa cellphone ko pag-tinggin ko 2:55 na.. wah.. sobrang inis na ako.. pag-dating ko sa school.. late na ako ng 15 min.. kaya hindi na ako pumasok.. hinintay ko na lang yung friend ko na si arman para makipag-dota.. pero bago kami nagkita nkita ko si muna si kaibigang mark.. ayun chitchat ng unti tapos dumating yung girlfriend nyang si hannah na kapitbahay namin na pinsan ng kaibigan butch ko... ayun usap usap about toycon... tpos nag-kita na kami ni arman.. tapos hindi pala sya mag-dodota.. ang ending ng first day ko diretso ng SM tpos uwi ng bahay..

2nd day "6/22/2010"

my second day on school turns out well.. except dun sa isinita ako nung girl guidance.. sya ata yung head sa faculty.. ayun sinabi nyang magpagupit ako..
pero after that okay na naman yung ibang nangyari.. yung nga lang.. WALA PA DIN AKONG FRIENDS.!!

3rd day "6/23/2010"

maaga akong gumising para mag-pagupit.. medyo nabad-trip ako kasi ang panget ng gupit ko.. hindi tumugma sa inaasahan kung gupit.. ayun.. papasok na ako.. pag dating ko ng school para pumasok sa first and last subj. ko para sa araw na yun.. pag-dating ko ng classroom nag-taka ako kasi dalawa lang kami mg-kaklaseng andun sa klase.. after 15min bumaba na kami sa information center.. tapos nalaman namin na iniba na pala yung sched ko nun.. nilipat ng sabado.. badtrip.. buti na lang nakita ko si kaibigang arman.. tapos ayun nag-laro kami ng dota.. after mga 1hour umalis na sya para pumasok.. ako naman tuloy pa din sa pglalaro.. mga 3hours ata inabot ko dun sa shop.. tapos diretso uwi na...

4th day "6/24/2010"

ayun okay okay naman yung kinalabasan ng first subj. ko.. tapos naisip ko nang kumuha ng permit para papasukin ako sa isang subj. ko requirment nya kasi yun sa pag-wlang i.d.. ayun naghintay ako sa labas ng faculty.. nakita ko dun yung head ng guidance.. tapos kinausap nya ako.. sabi ko sa kanya na kakapagupit ko lang at maiksi na po yung buhok ko kaya ko tinayo para hindi panget tignan.. ayun kala ko okay na.. tpos nung pumasok na ako sa subj. ko... pinapunta kami bigla sa guidance.. lahat ng wlang i.d at mga hindi naka-uniform.. ang tagal namin naghintay sa faculty kya ayun naisipan muna namin ng mga kaklase ko na mgpapicture ng i.d pag balik namin sa guidance nag-hintay kami ng mga ilang minuto.. nauna silang nakakuha ng permit.. tapos nung ako na.. ayun badtrip.. nagalit agad saken.. sabi bat daw hindi pa ako nagpapagupit ehh sinabihan na nya ako kanina... anak ng.. paano kaya ako magpapagupit kung may klase ako.?? ska nag-pagupit na ako ehh... ayun binigyan naman nya ako ng permit pero my nakalagay na dapat mag-pagupit..?? hayzZz.. badtrip.. tpos ayun absent na rin kami sa klase ng teacher namin.. okay lang na absent pero hindi ko matanggap.. ay bakit kailangan pa mag-pagupit ng estudyante.?? asan ba tlga yung logic dun.?? ano ba mgagawa nun para umunlad ang bansa.?? saka pag-sila ba pinapakialaman namin sila pag-gusto nilang magpahaba ng buhok at mag-dye.?? hindi naman diba.?? naiinis tlga ako.. napakalaking isyu kasi ng haircut sa kanila.. kailangan ba tlgang magpagupit ng isang lalaking estudyante para mapangalagaan ang reputation ng school.?? napakamali kasi ng logic sa bagay na yun ehh... kung may makakabasa man na teacher nito o kahit sinong estudyante sa STI or OLFU... sana maintindihan nyo na hindi ako naninira ng school.. gusto ko lang sabihin na mali kasi ehh.. bakit naman yung UP. hindi naman sila ngpapatupad ng ganyang batas pati sa PUP pero hindi naman nakakasira sa reputation ng school nila yun.. ska may reason ako na sobrang valid kaya hindi ako ngpapagupit.. dahil yun sa opera ko.. at sa personal appearance.. para mgkameron ako ng selfconfidence pero pano ko makukuha yung kung pati yung tinggin kung bagay saken ay hindi nila susuportahan.? hindi po ako naninira,sinasabi ko lang yung totoo at sana mawala na yung ganung rules..

yan ang unang apat na araw ng klase ko sa STI.. makakatagal pa kaya ako.??

dream

On Friday, April 16, 2010 2 comments

kanina nanaginip aqoh. ndi ko na maalala ung iba pero this how the story goes.. yung umpisa ng panaginip.. lumipat daw ako sa isang school.. hindi ko alam kung saang school yun.. nung nandun na ako sa computer laboratory. i seen so many familiar faces, nakita ko yung mga dati kung kaklase dun.. yung mga umalis ng fatima.. ewan ko kung bakit ko napanaginipan un. cguro dahil mgtratransfer na ako ngayong taon.. siguro dahil nga dun. pero hindi un ung importanteng part kung bakit ako ngsulat dito sa blog na to.. yung importanteng part ay nung habang gumagawa ako ng computer work ay bigla na lang akong my narecieve na txt sa cp ko. txt ng ex ko. at nkita nung prof namin. kinuha nia ung cp at tinignan din ang msg na biglang sinuli sken ang cp ko, ewan ko kung bakit nya binalik at nang binasa ko na un txt ito ung nkalagay, "bebii sorry iniwan kita alam ko mali yung ginawa ko. ginawa ko yun kasi ayaw kung masaktan ka sa pglayo ko. pero bumalik na ako para makasama ka. i really do love you ndi totoo ung mga sinabi ko sayo dati walang katotohanan yun. i hope you can forgive me..i wish we can turn back time i....." tpos nung malapit ko nang mabasa yung last part bigla akong nagising..:(( hindi ko alam kung bat ako nagising that time sobrang nanghinayang ako kasi hindi koh nakita yung last part nung sulat.. daming pumasok sa isip ko kung bakit biglang sinuli sken ng prof. ko ung c.p at bat parang medyo prang my unting iniisip habang binabalik nya sken ung cp koh. at anue kya ung last part nung msg na ipinadala sken ng ex ko..sana totoo un at sana maganda yung last part nung msg nya sken... siguro hindi pa tlga time para mg move on ako kasi alam ko sa sarili ko mahal ko pa siya kahit sobrang sinaktan niya ako.. i still love her..:(( badtrip na buhay to.. bat bigla kya akong nagising..

tang ina kah.. pinag-iinit mue ulo koh...

On Sunday, March 28, 2010 1 comments




click nyo na lang ng makita nyo ng mas malaki yung hinayupak na gumaya sa about me ko.

e2 tang inang taong to nakakapang-init ng ulo. gago kasi ang hinayupak.. kinopya na ung about me ko tapos sinend pa sa gf ko.. ang tigas ng mukha.. posero tlga... buti na lang gamit ko account ng gf ko kya nakita ko ung menessage niya..kung hindi ay naku dadami pa maloloko niyang hinayupak na yan... tang ina kang "ancel maninang" ka.. nakakainit ka ng dugo gago ka... tigas pa ng mukha mung imessage yan sa gf ko.. yan pa gagamitin mung pakilala sa knya. gumawa ka ng sarili mung about me. bobo ka "ancel maninang" ka kokopyahin mo na lang ndi mo pa binasa at enedit.. nakalagay dun "im not a poser" dapat nilagay mo dun bgo mo senend sa gf ko "im a poser" gayang gaya mo tlga ehh... copy paste lang ginawa mo. kingina kang tao ka. pati ung arrow na design gayang gaya.. pag ako nakarinig sau na ikaw ung totoong gumawa nung about me na yan. tang ina.. ipapalo ko sayo yan keyboard ng mgtigil ka..lahat ng account ko gnyang about me ko. kahit tignan nyo pa ung date na pinost ko un sa blog ko. at sa date na menessage nya un sa gf ko..



e2 ung sa friendster account ko...

click nyo na lang pra lumaki...



e2 ung sa blog ko sa friendster...

click nyo na lang pra lumaki...

yan hah... baka my masabi ka pang "ancel maninang" ka.!!! tang ina mo gago.. nakakainit ka tlga ng dugo...

BAD TRIP NA NGTTXT.!!!

On Monday, March 1, 2010 0 comments

dun sa mga ngttxt sken nah ndi koh kakilala... bobo bah kau..?? cnasabihan koh nang ndi koh kau kilala nangungulit pah din kau... ska ndi bah kau makaintindi ng wag nah magtxt.?? dagdag kalat lang kau sa inbox ehh... katulad nyo lang ung mga txt network nah ngfloflood ng mga message.. wla namang kwenta... buti sana kung ndi kau nakakaabala...saka wala bah kaung mgawa sa buhay nio kya nangungulit kau.??nakakalowbat lang kau ng c.p ehh... try kya nten.. aqoh nman mgflood sa inyo ng mga walng kwenta at wlang silbing mga message... ska dun pla sa ngpost ng number koh.. "GAGO KAH.!!" kung alam koh lang number mue.. ipapamigay koh sa kanila number mue..

walang kwentang School Rules

On Saturday, February 27, 2010 0 comments

minsan dba nakakainis din ung mga rules sa school. kasi parang wlang kwenta nman.
katulad nung no long hair policy nila. anue bah nman meron dun.?? kung iicipin mue ng mabuti prang wlang kwenta talga ung rules nah un.anue bang mabuting maidudulot nun sa estudyante.bakit porket ba long hair ang estudyante mukha nang hudlo(msamang tao). saka anue bang maidudulot nah mabuti nun sa eskwelahan.? bakit pg napagupit bah ang estudyanteng tarantado magiging mabuting tao bah siya.? ung iba nga disenteng tignan pero ms masamang tao pa sa iba...ska anue bah pakialam nla kung mgpagupit ung estudyante dba.? wlang kalogic logic. nonsense lang dba.? dapat mas ipagbawal nla ung mga estudyanteng babae nah msyadong maiksi mgsuot ng palda..


tulad nito..:)




ito pah ung iba





cguro kya ndi sila ng pinagbabawalan kc nakakaboso ung mga prof. pg nakakita cla.. e1 koh lang opinyon lang... ndi koh dn masisi ung mga gnung tao kc kahit aqoh pg nakakakita aqoh ng mga gnung estudyante prang ndi aqoh mkapag-aral ng mabuti (kala mue tlagang nag-aaral) ms gus2 koh pang tignan nah lang cla..un din dahilan kung bakit ginaganahan aqoh pumasok.. un dn cguro dahilan kung bakit madaming maagang nabubuntis... hahaha... dpat ipgbawal nah ung mga maiiksing damit ng babaeng estudyante kahit alam kung mamimiss koh ung mga sexy look nila.. hahaha.. ndi ung kung anue anung wlang kwentang rules pinapatupad nla..


example.
1. bawal may kulay ang buhok (sa lalaki lang bawal)tama nman dba.?
2. bawal may earings ang lalaki.
3. bawal nakarubber shoes pg nakauniform.
4. bawal tumakbo sa loob ng school.
5. speak English.

yan lang ung iba madami pah cia kso next tym koh nah ayusin...