ganda ng pagkakakuha dito.
Since tinatamad pa naman akong mag-dota magbloblog muna ako. kanina nung nagbayad ako sa jeep. nabwisit ako sa driver kasi nung nagbayad ako ng sampung piso ilang beses akong tinanong ng driver kung saan ako papunta. sabi ko kuya p*c**n lang, siguro mga 4 or 5 times siyang ganun ang tanong at 3 to 4 times atang nagtanong kung saan ako galing sabi ko galing SM ng mga 2 times ko inulit yun tapos nung huli nyang tanong nun sinabi ko "manong galing SAKEN" sa sobrang bwisit ko yun na lang ang nasabi ko. tapos biglang banat ng kulang pa ng kwatro pesos. putcha naman sinabi ko estudyante. napakaburakot talaga nung manong na yun parang gusto pa ata niya na maging scholar, 1st honor, deans lister, magna or summa cum laude ako bago ako bigyan ng discount at ang kapal pa ng mukha niya 4 pa hinihingi.. 12 pesos lang kaya pag simula samin hanggang SM. naisip-isip ko rin na gumanti kay manong. kumuha ako ng buong 200 pesos sa bulsa ko at yun yung binayad ko sa kanya natawa pa nga saken yung katabi kung hot chick ehh. so in the end hindi na niya sininggil yung 4 pesos.
trip ko lang gamitin yung bidyo
speaking of chicks, minsan pag may nakakasabay akong hot chicks ay parang ang swerte swerte ko, parang daig ko pa yung nanalo sa lotto lalo na yung pag-magkaharap lang kayo o magkatabi parang hindi mo maiwasang tumiggin sa kanya. minsan pa nga parang ayaw mo nang bumaba ng jeep, pero lahat ng kaligayahan meron katapusan.lalo na pag malapit ka nang bumaba at minsan hindi ka nga bumaba, siya naman yung bumaba..
ano kaya gagawin nyo kung sa gitna kayo ng desyerto naubusan ng gas?
minsan naman naransan ko na yung sa loob ng isang araw, lahat ng jeep na sinasakyan ko ay dumadaan ng gasolinahan. hindi naman ako mukhang gasoline boy tapos dahil pa dun lagi akong nalalate sa mga klase ko.
Sampung rason kung bakit nabwibwisit minsan akong sumakay ng jeep.
10.meron pa - puno na nga yung jeep nagpapasakay pa.
9.swap - pag pinapalipat ka sa ibang jeep kasi babalik na sa terminal, kasi unti lang nakasakay.
8.paimportante - hinihintay pang mapuno yung jeep bago umalis.
7.estudyante senior at disable - pag hindi nagbibigay ng discount.
6.bingi - kailangan ba paulit ulit?
5.kadyot lang kadyot lang - mag-brebreak tapos andar ng mabilis tapos biglang break tapos andar ulit ng mabilis..
4.amoy baby - badtrip talaga yung may mga putok. daig pa yung bawang,five star, lolo thunder o goodbye philippines sa lakas ng sabog ehh..
3.bulag, bingi o nagtatangatangahan - ang layo ng lalakarin mo kasi bingi yung driver . magtatanong pa kung estudyante ka kahit obvious na obvious naman, parang bulag. hindi ka papansin nung driver pag kukunin mo na yung sukli mo.
2. gangsta rap - putcha jeje yow yow yow, wala na ngang sense, nakakabwisit tapos sasabayan pa ng kanta ng mga jejemonyo.
1.paabot po - ito yung top 1 para saken kasi madalas na drama to sa loob ng jeep. yung ipapaabot mo na lang yung bayad mo tapos ayaw pang iabot nung nasaharapan mo. minsan pa nga yung iba titignan ka muna parang tinitignan yung kasingit singitan mo bago iabot yung bayad mo, yung para bang kasalanan mo pang sa kanya mo inabot yung bayad mo. hutaena talaga..
bago ako tapusin tong blogpost ko mag-iiwan muna ako ng maiksing qoutes na nakita ko sa internet
Ang pagmamahal ay parang bayad sa jeep. barya lang sa umaga buo naman sa gabi.
1 comments:
Well ang pag aabot ng bayad sa jeep ay hindi responsibilidad ng tao na mas malapit sa driver.. Nasa ugali lang ng mga Pilipino na maging matulungin kaya nila inaabot ang bayad ng taong malayo sa driver, nakakainis naman kasi yung mga pasahero na napaka luwag ng jeep tapos sa dulo pa sumasakay, yung tipong sobrang layo sa driver, tapos ipapa abot yung bayad nya sayo eh ikaw lumapit ka sa driver para iabot yung bayad mo, sya tamad lang lumapit sa driver.
Sana maging magalang din tayo sa pag-aabot ng mayad natin dahil nga hindi naman nila responsibilidad na iabot ang bayad mo sa driver, at sana mag pasalamat tayo sa mga taong nag-aabot ng mga bayad at sukli natin, in this way hindi sila magsasawang iabot ang mga bayad natin! :)
Post a Comment