hi-school.(makakasama sa apat na taon ng highschool)

On Monday, March 14, 2011 4 comments


malapit na ang pag-tatapos ng klase. graduation nanaman at sigurado akong mag-papa-abot nanaman ng pag-bati si mayor na nagsasabi na "congratulation batch 2XXX-2XXX" namiss ko tuloy yung highschool days ko kahit hindi ako masyadong nag-enjoy dahil napakaliit lang ng school naminm walang campus at isang section lang ang meron sa amin pero sa lagay namin, kami lang ang may dalawang section dahil na rin siguro sa dami namin. marami akong napalagpas na celebration nung nag-aaral ako ng 4th yr. ko ng highschool katulad na lang nung js prom namin, hindi ako pumunta dahil ayaw ng gf ko noon. ewan ko ba kung bakit ko siya sinusunod noon, gustong gusto ko pa naman pumunta noon, hay naku curse you.!!!! enough of me, hindi ako nagblog ngayon para ikwento ang buhay highschool ko, nagblog ako para ibigay ang iba't ibang klase ng estudyante at groupo ng estudyante sa highschool.


1.the dreamer -sila yung antukin ng klase madalas hindi na sila pinapansin ng teacher dahil pag pinansin sila magpapalusot namaman na napuyat sila dahil sa kakagawa ng project

2.hyperactive-kung may antukin sympre may hyper, sila yung mga hindi nauubusan ng kalikutan sa katawan in short sobrang ligalig.

3.the clown - pag wala sila hindi masaya sa klase walang mag-papatawa, walang kukulit sa teacher.

4.heartrob - kailangan ko pa bang i-explain? sige sila yung maganda at pogi ng klase sila ang nagpapaganda ng lahi ng tao. muse at escort lagi, cute kahit hindi mgpacute, gwapo kahit hindi magpagwapo at maganda kahit hindi mag-paganda.

5.chismoso at chismosa -daig pa ang showbiz central, startalk, the buzz, tweetbits at iba pa. sila ang unang nakakaalam kung meron mangyayari sa school.

6.lovers in italy -i trust and love you. hindi mapaghiwalay. nilalanggam at parang CAT ang kwento ng buhay nila. ang utusan ay ang lalaki sya ang cadetes at ang babae ang officer.

7.nerds - hindi daw nag-review pero pag dating ng exam or quiz sila ang highest. ito yung pangarap ko sa buhay, hindi yung maging nerd, kundi magkameron ng hot nerd girlfriend.

8.repeater - 10 years nang highschool minsan 15 years pa. may kilala akong ganito. secret na lang ang pangalan pero graduate na siya ngayon.

9.buraot - dito mag-iinit ang dugo ko. kala mo nanay nya yung nanay mo. grabeng makihati ng baong grabe din manghingi. sila yung tipo na nag-iimbita sa birthday ng kapitbahay nila. sasabihin pa sayo "pare punta kayo hah. birthday ng kapitbahay ko"

10.wimpy kids - sila yung madalas mapagtripan, social outcast, mabait kaso walang friend kung meron man bilang lang sa daliri at higit sa lahat frustrated comedian, korny kasi.

11.bully - sila yung nang-tritrip sa mga wimpy kid. siga ng klase at pag tropa mo sila siguradong safe ka.

12.ksp - kulang sa pansin, yung mga attention whore, laging nagpapasikat present sa mga school presentation, madalas magtaas ng kamay kahit hindi naman alam ang sagot.

12. xerox - magaling mangopya pati mali nakokopya minsan nga pati penmanship nakokopya nila sa sobrang galing nila. nangongopya ako dati pero ngayong college na ako sympre hindi na. pag hindi ko alam ang sagot pinapasa ko na lang agad ang papel. mabuti nang bumagsak kaysa mangopya. maiisip din ng mga xerox machine na wala kang natututunan pag nangopya ka.

13.kikays - ang aarte, at laging may make-up kit sa bag, every 15 minutes kung magretouch at tuminggin sa salamin kaya pag kinaskas mo ang make-up sa mukha nila siguradong hindi lang shovel/pala ang magagamit mo sa sobrang kapal.

14.teachers pet - sipsep, utusan ng teacher, taga lista ng noisy and standing, sumbungero't sumbungera. laman sila ng faculty.

15. friendster - dito ako belong dahil nung highschool ako lahat mga unang nabanggit ay friends ko kulang na nga lang ay pati principal kaibiganin ko.


sarap balikan ang buhay highschool dahil sa mga ganitong uri ng classmate. saan ka belong? sana hindi lang highschool ang matapos ninyo wag muna magsyota habang nag-aaral dahil pag

" PAG LIBOG ANG UMIRAL SIRA ANG PAG-AARAL "

4 comments:

Anonymous said...

isa akong wimpy kid masakit mang tanggapin

Anonymous said...

HI! KAMUSTA NA? SANA NAAALALA MO PA AKO. XO

just call me fox said...

sino po sila?

Anonymous said...

ang galing mo naman magsulat, sana makasulat ka ng book ung ganyan na ganyan ang way ng pagsulat, parang nakikipagkwentuhan lang :)