unang putok. the jejemons
ganstah jejemon
napakaraming nag-sulputang mga groupo ngayong 2010 at ilan sa kanila ay gumawa ng ingay sa nagdaang isang taon, at ito sila.ang una sa listahan ay ang mga jejemons, sila yung mga mahilig magtxt ng mga eouwzh pouwhzz.. muztha pouwhzz.. ghaghouzz kah pouwhz jejemonyowzhz pah u. mabilis dumami ang jejemon dahil sa pagiging texting capital ng ating bansa. karamihan ng mga text na nasesend minu-minuto ay galing sa kanila, hindi lang sa text nag-lipana ang mga jejemons, pati na rin sa social networking site tulad ng facebook at minsan pati na rin sa mga chatrooms
alam ko siya ang hari ng jejemon tignan nyo na lang yung photo
siya si lil zuplado, nung napadaan ako sa pak-shet.blogspot.com dati. nakita ko tong lil zuplado na ito. Napa-hanup ako sa nabasa ko. hindi lang mali mali ang spelling ng sinulat niya, mali mali din ang pinag-susulat niya, at bukod sa lahat ang tigas naman ng mukha niya na iadobe yung candy cuties at ilagay yung pagmumukha niya dun. nung pasibol pa lang ang jejemon, picture niya ang lagi kung nakikita sa google pag nag-sesearch ako ng jejemon.
ajujumon
kung may jejemon na masaya at gangstah, dapat siguro meron din mga jejemon na malungkot at sila ang mga ajujumon. "wala lang may magawa lang"
pangalawang putok. the jejebusters
facebook group.!!
totoo nga yung sabi nila na kung gusto mong sumikat kailangan galit ka sa sikat. kung gaano kabilis sumikat ang mga jejemon ganun din kabilis sumikat ang mga jejebusters. ewan ko ba kung bakit ganun. dati galit sa emo ngayon naman galit sa jejemon hay buhay iba na talga ang mundo.
pangatlong putok. bekimon
kailangan pa bang may sabihin ako? sige na nga. yung bekimon ay mga baklang gumagamit ng gaylingo. wala na akong ibang alam sa kanila pero alam ko gay ang mga bekimon. TAPOS!!
pang-apat na putok. fliptop.
first nga ehh.
fliptop. ang modern balagtasan. kahit saan ako lumingon o tumambay may naririnig akong nag-flifliptop. sikat na sikat to ngayon hindi lang sa mga matatanda kundi pati na rin sa mga bata. dito sa fliptop sumikat sila batas, loonie, zaito, fuego. hindi ko na imemention lahat kasi masyadong marami. ilang beses na rin na imbitahan sa telebisyon ang ilan sa kanila. mabilis din sumikat ang fliptop dahil sa youtube. sympre patok kaya sa tao pag nakakarinig sila ng nag-lalaitan sa internet. offtopic muna yung youtube parang s.m they got it all for you. so yun na nga back to topic tayo, fliptop, oo nga fliptop dami nang kumakalat na fliptop battle let me mention some, nandyan yung flipcap,fliprap at flipshop. napaisip tuloy ako pano kaya magfliptop ang mga jejemon at mga bekimon.?
jejemon: gahgouwzh pouwzh u jejemonyo kah pouwhz bou-bou xa spelling ang lahi mouwzh pouwhz je je je..
bekimon: pasok ka sa banga. facelaks mong mukhang basag na flower vase charot lang mas mukha kang halimaw sa banga..
pang-limang putok. dota
dota ba o sila?
ito pa rin ang hari ng mga putukan. kumbaga sa paputok, goodbye earth. lahat ng computer shop may naglalaro ng dota. kaaway siya ng mga guro at mga girlfriends. ito ngayon yung madalas pag awayan ng mag-syota pero minsan dito ka rin makakahanap ng syota.
bf at gf nag-aaway dahil sa dota.
gf:ano ba?! dota ba o ako?!
bf:dota.
gf:hmf. dyan ka na nga.!!!
bf:dota kasi, yung dota pwede kung pag-laruan. ikaw hindi.
HANUP.!!
hindi lang naman lalaki ang nag-dodota. nag-dodota rin ang mga bata, matanda, babae, higher class, middle class, pati yung mga nasa lower class.
sa dota rin nag-simula ang trashtalk. kaya rin siguro mabilis umuso ang fliptop.
sa dota rin umuso ang salitang imba. putcha. imba ka ng imba hindi mo naman alam ang ibig sabihin. pero sa dota rin mag-simula ang maraming bagsak ko. madalas absent ako pag nayayaya ako ng dota ng mga kaibigan ko sa school.
dota o pag-aaral?
STAY IN SCHOOL.!! sabi ko mag-stay hindi mag-bagsak para tumagal. ARAL MABUTI.!! yan malinaw na?
0 comments:
Post a Comment