Showing posts with label tungkol sa bayan. Show all posts
Showing posts with label tungkol sa bayan. Show all posts

Aminin mo. ginawa mo lang yan para sumikat.

On Wednesday, July 10, 2013 0 comments


kagabi lang habang tumitinggin tinggin ako sa wall ko sa facebook nakita ko itong post na ito. about ito sa isang amerikano na niloko at na-scam ng kapwa natin filipino hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung maiinis ba ako o mabwibwisit dahil isa nanaman ito sa mga pakulo ng mga page sa facebook na magpopost ng mga taong nakakaawa para lang ilike yung post nila at ishare. naiinis ako dahil nakalagay doon sa post na 1like = 1prayer, ano ba sa tinggin nyo mangyayari pag nilike namin yung photo? hindi naman siya makakauwi sa US pag ginawa namin yun. kaya nag post ako ng comment at ito ang nakalagay sa mga hindi nakikita yung pinost ko post ko ulit.

"kung ako sa inyo hindi ko na ipagmamalaki na tinulungan ko siya. hindi ko na rin siya pipicturan at ipopost sa page ko. ididiretso ko na siya sa american embassy ng makauwi na. sa tinggin ko mas makakatulong ako kung ganon ginawa ko."


hanggang ngayon yung like sa post ko nadadagdagan pa rin, hindi na ako magtataka dahil alam ko naiintindihan ng ibang netizen ang nararamdaman ko na dapat idineretso na lang nila sa US embassy yung lalaki. dahil doon ay mas matutulungan siya.

wala naman akong galit sa page na nagpost nito. okay lang sakin yung ginawa nila. ang ikinasama lang ng loob ko ay yung hindi pa nila nilubos lubos yung tulong na ginawa nila. naibili nga nila ng mcdo yung lalaki eh. bakit hindi na lang nila ito dineretso sa us embassy para makauwi na ito at hindi na magutom sa bansa natin. 



ang masasabi ko lang kung tutulong ka isipin mo yung mas makakabuti sa tao hindi yung makakabuti sa page mo. lagi ko itong nakikita sa facebook na nagpopost ng nakakaawang tao tapos nakalagay sa post na 1like = 1pray. 1share = big help. kung gusto mo talagang makatulong di ba mas mabuti kung ipopost mo yung photo sa mga page ng institution na kayang tumulong sa kanila. katulad sa US embassy or ipost mo sa mga media page tulad ng GMA at ABS-CBN hindi yung ipopost ninyo sa page ninyo at ipapalike at ipapashare. parang nagiging pagefie short for the good of my page na ang nangyayari hindi na for the good of the people you post. Sana lang maging wake up call ito sa mga mahilig magpalike ng photo about sa nakakaawang tao. para kasi sakin petty crime yang ginagawa ninyo. 


Bus-ta BUS wagas

On Tuesday, January 31, 2012 0 comments





MODUS OPERANDI SA BUS (Metro Manila)


AKALA KO AKO LANG!...UN PALA MERON PANG IBA NA NABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka...(based on my own experience sa isang aircon bus....)

Last september 6, 2007, 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor.

So, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...

eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ito...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO YUNG PINTO...BABABA NA AKO..LALAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ito, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ....sya ay bababa sa Boni....

Naalala ko ung nangyari sa'kin ....nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK... SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titingan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti.

Salamat po. - Yotomi(PEX)

i do not own the story i just share it so everyone is aware. kayo na rin humusga kung totoo, hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganito.

It's really more fun in the philippines

On Monday, January 30, 2012 0 comments

i don't know how the goverment come up with a very beautiful slogan about the philippines, but now i know the reason. here are some photos that will prove that its really more fun in the philippines.






i really don't own the photos i just grab it in facebook..


friendster reformat

On Wednesday, April 27, 2011 1 comments


Sila na nagpasimula ng concept ng social networking dito sa pilipinas.Sila na nagpauso ng testimonial at html layout na pwede mong icostumize at pagandahin ang iyong profile. Nagulat ako noong ibalita sa T.V na magrereformat daw ang friendster. dahil tinanggap na nila ang kanilang magkatalo sa facebook. Ang mga loyal supporter ng naturang social networking site ay nalungkot dahil ayon sa friendster mabubura na lahat ng picture, testimonial, message, at mga blog. effectively on may 31,2011. ginagawa nila ito dahil balak ng naturang social networking site na mag-upgrade at pagandahan lalo ang kanilang site. at mula sa pagiging isang social networking site ay magiging isang social entertainment site na ang friendster, na nagfofocus sa mga games and songs.Hindi naman daw mawawala ang mga account pero yung kung 6 years mo nang hindi nabubuksan ang friendster account mo. Goodbye na talga. Hindi ko alam kung tama ang hakbang na gagawin ng friendster pero ayon sa akin narinig sa telebisyon marami ang naging sentimental ang nalungkot.Medyo nalungkot din ako kasi kahit papaano iba pa rin ang friendster dahil madali mong mababalikan ang mga testimonial sayo sa friendster. hindi tulad sa facebook na madaling natatabunan ang pinost sa wall mo. Meron namang paraan para mai-save ang inyong mga picture at iba pang information ng inyong friendster account.

sleepless night

On Saturday, April 23, 2011 1 comments

Gabi gabi na lang puyat. Bakit kaya kahit gabing gabi na dami pa rin online sa facebook? wala naman silang ginagawa sa doon kundi tuminggin tinggin lang. Maglike ng post ng friend at magubos ng oras. Tama nga ang survey na time waster ang facebook dahil kahit wala kang ginagawa mas pipiliin mo pang bukas ang facebook mo. Aminado rin naman ganito ako pero hindi lang naman facebook ang dahilan kung bakit ako napupuyat. Nandyan yung garena na kinakaadikan ko. Automatic na tuwing 11pm ng gabi simula na ng aming paglalaro hanggang 4-5am. Minsan nood ng movie at pag sobrang boring na tinggin tinggin ng magagandang picture ng ubod ng gagandang babae. andyan na rin yung panonood ng x-rated film, tama x-rated film yung malaswa.Natural na saming mga lalaki yun. Madalas nga pag pumupunta ako sa computer shop ng barkada ko lagi ko silang naabutan nanonood ng maria ozawa at bago magsara ang shop sa hating gabi o madaling araw nanonood ulit sila. Kaya nga siguro walang masyadong babae na nag-rerent dun sa computer shop na yun kasi computer shop for boys lang iyon. Minsan naman pag madaling araw inom hanggang makatulog.
Siguro kung ganito katabi ko baka mapaaga tulog ko. baka hindi na pala ako makatulog.

Mabalik nga tayo, kung ang boys may garena, x-rated inom at facebook. Ano naman kaya sa babae? Yung facebook siguradong hindi mawawala. Meron din naman naglalaro ng garena pero hindi majority, siguro naman tinitignan rin nila yung crush nila pag madaling araw na. Pero ano kaya ang iba pang ginagawa ng mga babae pag napupuyat sila ng madaling araw? Sabi ng kaibigan kung babae dati karamihan daw ng babae naglalaro ng i-date at audition. Yung iba pag hindi nakaharap sa computer ay nag-paparty party hanggang umaga.

Pero bakit kaya napupuyat ang iba pag umaga? base sa experience ko nag-pupuyat ako kasi hindi ako makatulog ng maaga at madalas kasi 3pm na ako nagigising kaya siguro natural na saken yung matulog ng ganoon. parang call center tulog sa umaga gising sa gabi. Pero bakit noong naranasan kung pumunta ng concert ay 2am pa lang inaantok na ako.Pero pag andito naman ako sa bahay hindi ako inaantok kahit wala akong ginagawa. Yung sa iba wala na akong pakiaalam kung bakit sila napupuyat sa gabi basta ang mahalaga ay matapos ko na itong post ko. dahil malapit nang magsimula ang dota game namin. kaya kayo matulog na kayo ng maaga. mamaya maging zombie pa kayo.

Let's play

On Wednesday, April 20, 2011 1 comments

Noong pauwi na kami galing sa bahay ng aking highschool classmate. Nagulat ako kasi may nakita akong mga bata na nag-lalaro ng jolen. Yun yung mga marbles na itira mo sa mga jolen ng kalaban. So ayun na nga, nakita ko sila nagulat ako kasi meron pa rin pa lang naglalaro ng jolen. kadalasan kasi ng mga bata samin ngayon computer na ang kaharap. Hindi nila naabutan yung paglalaro ng luksong tinik, tumbang preso, paluang pwet, tangching, paway etc. at ang pinakapaborito kung bang-sak or tagu-taguan. Nakakalungkot lang isipin dahil hindi na nilalaro ito ngayon. Naalala ko pa noon na mag-sisimula kaming maglaro ng paluang pwet sa hapon mga bandang 3pm ng hapon. Noon pag ganoong oras napakalamig pa ngayon para ka nang sinusunog. yung paluang pwet ay nilalaro sa pamamagitan ng paglagay ng mga chinelas sa loob ng isang bilog na binabantayan ng taya, pag nakuha na lahat ng chinelas sa loob pwede nang paluin ang nagbabantay pero dapat hindi ka maabot ng taya mula sa bilog kaya dapat magaling kang sumalisi. Nalala ko noon na umiyak pa yung kalaro namin noon na siga na ngayon. Marami akong nakakatawang karanasan sa larong pambata dati tulad na lang noong nag-bang-sak kami ng mga kaibigan ko. Noong nagkukumpulan na yung mga kaibigan ko sa jeep, bigla na lang inihian nung isa kung kaibigan yung kalaro namin tapos sinumbong kami sa nanay niya. Sa lahat ng karanasan ko ito yung hindi ko makalimutan noong minsan walang wala kaming magawa. Bata pa kami noon at naisipan namin maglaro ng tangching. Yun yung papatuin mo yung pamato ng iba sa papagitan ng pagbato ng pamato mo sa pamato nila. So ayun naglaro kami at naisipan namin lagyan ng pusta. umabot yung utang ko noon ng isang daan at para mabayaran ko, tinatawag ko yung pinagkakautangan ko at niyaya ko ulit makipaglaro para mabawasan ang utang ko pero hindi naman nababawasan lalo ngang lumalaki ehh. Pero okay lang hindi na rin nagkabayaran noon. Naranasan ko rin gumastos ng malaki sa paglalaro ng larong pambata tulad ng text yung ihinahagis na papel na square at jolen. Bumibili pa dati ako sa mga kalaro ko ng text at jolen para dumami yung akin. Pero ngayon hindi ko na alam kung saan ko nalagay yung mga text at jolen ko.

Nagtataka lang ako kung bakit biglang nawala yung mga ganoong laro. Napakabilis sana nga ay may makita ulit akong naglalaro ng mga ganoong laro.

Sakit ng Summer

On Wednesday, April 6, 2011 0 comments

catchy yung caption

Trip ko lang siyang gamitin dahil summer na. At kung gusto ninyo na hindi nakabikini ang mga girlfriend ninyo sa beach ay bumili kayo ng ganito hindi bastusin tignan. pero hindi yan ang topic natin ngayon. Ang blogpost ko ngayon ay tungkol sa mga sakit ngayong summer. Kaya ito na sisimulan ko na.

Summer na ngayon kaya nauuso nanaman ang mga sakit at merong mga sakit na tuwing summer lang lumalabas ang sintomas. Meron naman mga ganitong sakit kahit hindi summer pero sa summer mas lalo itong lumalala at kumakalat. Ito ang ilan sa mga sakit tinutukoy ko.

1.Tamadiatus lagpakmasus or in tagalog term is tamad. Pag katapos ng pasukan dumadami ang mga ganitong tao. hindi sila yung mga tipo na mahirap palabasin ng bahay dahil sa mag-hapon nilang paghilata. sila rin yung mga taong pagkagising pa lang ay hihiga ulit sa sopa at manonood ng T.V alergic sila sa wallis at dustpan.

2.Sugaleros mimpus sila yung mga taong humahanap ng pagkakakitaan ngayong bakasyon. Dati sa basketball sila naghahanap ng pera, ngayon sa Dota na. ang mga taong meron ng sakit na ito ay nagpapataya rin ng ending at kung ano ano pang sugal. Mahirap makita ang sintomas ng sugaleros mimpus mahahalata mo na lang meron ka pag-nahalata mong papusta pusta ka na sa mga dota,basketball at pag tuma-taya-taya ka na sa ending.

3.Nog-nogeros ulikbasus nakukuha ito sa paliligo sa mga beach, resort at ilog. mahirap iwasan itong sakit na ito dahil pag nagbabad ka sa mga nasabi ko ay siguradong makakakuha ka ng ganitong sakit. naiiwasan naman ito kung maglalagay ka ng lotion na may anti u.v raise o kung magni-night swimming kayo. Wag nyo nang hintayin na masabihan kayo ng "balita ulikba" or in english "wazzup mah negga".

4. Insomiatic pupuyatsis makukuha mo itong sakit na ito kung may computer kayo sa bahay ninyo at kung may internet ito. Pwede mo rin itong makuha kung mahilig kang manood ng mga late night show tulad ng jojo a all the way at music uplate. Ang iba naman ay nakukuha ang sakit na ito pag lagi laging nakatelebabad sa telepono or cellphone. Meron rin naman na special case na makukuha mo ang ganitong sakit pag lagi kang gumigimik ng gabi at nag-bar hopping.

5.Tulalasis adiknamus ito yung sakit na pinakamalala tuwing summer dahil nakikita sila sa mga computer shop at minsan sa mismong loob pa ng bahay ninyo. Makukuha mo ito pag lagpas limang oras ka nang nanunuod ng Telebisyon. Malalaman mo namang meron kang ganitong sakit sa computer shop pag lagpas sampung oras ka nang nagcocomputer or nanunuod sa mga nag-cocomputer.

hi-school.(makakasama sa apat na taon ng highschool)

On Monday, March 14, 2011 4 comments


malapit na ang pag-tatapos ng klase. graduation nanaman at sigurado akong mag-papa-abot nanaman ng pag-bati si mayor na nagsasabi na "congratulation batch 2XXX-2XXX" namiss ko tuloy yung highschool days ko kahit hindi ako masyadong nag-enjoy dahil napakaliit lang ng school naminm walang campus at isang section lang ang meron sa amin pero sa lagay namin, kami lang ang may dalawang section dahil na rin siguro sa dami namin. marami akong napalagpas na celebration nung nag-aaral ako ng 4th yr. ko ng highschool katulad na lang nung js prom namin, hindi ako pumunta dahil ayaw ng gf ko noon. ewan ko ba kung bakit ko siya sinusunod noon, gustong gusto ko pa naman pumunta noon, hay naku curse you.!!!! enough of me, hindi ako nagblog ngayon para ikwento ang buhay highschool ko, nagblog ako para ibigay ang iba't ibang klase ng estudyante at groupo ng estudyante sa highschool.

1.the dreamer -sila yung antukin ng klase madalas hindi na sila pinapansin ng teacher dahil pag pinansin sila magpapalusot namaman na napuyat sila dahil sa kakagawa ng project

2.hyperactive-kung may antukin sympre may hyper, sila yung mga hindi nauubusan ng kalikutan sa katawan in short sobrang ligalig.

3.the clown - pag wala sila hindi masaya sa klase walang mag-papatawa, walang kukulit sa teacher.

4.heartrob - kailangan ko pa bang i-explain? sige sila yung maganda at pogi ng klase sila ang nagpapaganda ng lahi ng tao. muse at escort lagi, cute kahit hindi mgpacute, gwapo kahit hindi magpagwapo at maganda kahit hindi mag-paganda.

5.chismoso at chismosa -daig pa ang showbiz central, startalk, the buzz, tweetbits at iba pa. sila ang unang nakakaalam kung meron mangyayari sa school.

6.lovers in italy -i trust and love you. hindi mapaghiwalay. nilalanggam at parang CAT ang kwento ng buhay nila. ang utusan ay ang lalaki sya ang cadetes at ang babae ang officer.

7.nerds - hindi daw nag-review pero pag dating ng exam or quiz sila ang highest. ito yung pangarap ko sa buhay, hindi yung maging nerd, kundi magkameron ng hot nerd girlfriend.

8.repeater - 10 years nang highschool minsan 15 years pa. may kilala akong ganito. secret na lang ang pangalan pero graduate na siya ngayon.

9.buraot - dito mag-iinit ang dugo ko. kala mo nanay nya yung nanay mo. grabeng makihati ng baong grabe din manghingi. sila yung tipo na nag-iimbita sa birthday ng kapitbahay nila. sasabihin pa sayo "pare punta kayo hah. birthday ng kapitbahay ko"

10.wimpy kids - sila yung madalas mapagtripan, social outcast, mabait kaso walang friend kung meron man bilang lang sa daliri at higit sa lahat frustrated comedian, korny kasi.

11.bully - sila yung nang-tritrip sa mga wimpy kid. siga ng klase at pag tropa mo sila siguradong safe ka.

12.ksp - kulang sa pansin, yung mga attention whore, laging nagpapasikat present sa mga school presentation, madalas magtaas ng kamay kahit hindi naman alam ang sagot.

12. xerox - magaling mangopya pati mali nakokopya minsan nga pati penmanship nakokopya nila sa sobrang galing nila. nangongopya ako dati pero ngayong college na ako sympre hindi na. pag hindi ko alam ang sagot pinapasa ko na lang agad ang papel. mabuti nang bumagsak kaysa mangopya. maiisip din ng mga xerox machine na wala kang natututunan pag nangopya ka.

13.kikays - ang aarte, at laging may make-up kit sa bag, every 15 minutes kung magretouch at tuminggin sa salamin kaya pag kinaskas mo ang make-up sa mukha nila siguradong hindi lang shovel/pala ang magagamit mo sa sobrang kapal.

14.teachers pet - sipsep, utusan ng teacher, taga lista ng noisy and standing, sumbungero't sumbungera. laman sila ng faculty.

15. friendster - dito ako belong dahil nung highschool ako lahat mga unang nabanggit ay friends ko kulang na nga lang ay pati principal kaibiganin ko.


sarap balikan ang buhay highschool dahil sa mga ganitong uri ng classmate. saan ka belong? sana hindi lang highschool ang matapos ninyo wag muna magsyota habang nag-aaral dahil pag

" PAG LIBOG ANG UMIRAL SIRA ANG PAG-AARAL "

aking Napagtanto (napansin)

On Wednesday, March 9, 2011 1 comments

isang tunay na mag-aaral naalala ko tuloy yung pagkabata ko

as you can see hindi ko na masyadong inuupdate itong blog ko. sa kadahilanan na busy ako sa school, tama ang pagkakabasa ninyo. busy ako sa school. dati pag nag-aaral ako pumapasa ako. ngayon pag nag-aral ako lalo akong bumabagsak. kanina nga lang ay nag-exam kami sa isa kung subject na dapat matagal nang nangyari pero sa kasamaang palad ngayon lang natuloy. busy kasi yung prof namin. may meeting lagi im not sure pero sa tinggin ko conference. so ayun kanina nag-exam kami at sa kasamaang palad bagsak ako. syete lang nakuha ko out of 60 ata. nagreview review pa ako tapos ganun lang nakuha ko. kaya naisip isip ko na kung mag-rereview ako mapupuyat ako. pag napuyat ako maiistress ako pag naistress ako mag-kakasakit ako pag nagkasakit ako baka lumala at pag lumala baka mamatay pa ako. kaya hindi na ako mag-rereview mag-dodota na lang ako. joke lang. mag-rereview pa rin ako pero hindi ko na seseryosohin. yung sakto na lang kasi pag ganun ginawa ko dalawa makukuha kung benifits nag-eenjoy na ako tapos nakakapag-aral pa ako. mahalaga lang naman ay pumasa


anak ng pusa

speaking of dota para dun sa mga naglalaro ng dota tinuruan ko nga pala yung pusa ko magdota. pero hirap ngang turuan kasi wala siyang kamay paws lang.


regeneration fountain/well

hindi ko lang alam kung ako lang nakapansin nung well sa dota. well yung tawag pero apoy yung binubuga. gaas pala laman nung well. kala ko dati tubig.

pag ako nanging presidente, walang taong mahirap. lahat mayaman 1million tuwing pasko ipapamigay ko

lastly ito yung pinakanapansin kung sobrang napapaisip ako lagi akong sinasabihan ng magulang ko na wag akong magtitira ng pagkain sa plato ito pa nga yung naging conversation namin ehh..

mommy: anak ubusin mo yang pagkain mo sa plato. hindi mo ba alam na madaming taong nagugutom ngayon.

ito naman ang sagot ko sa kanya.

ako: mommy pag kinain ko ba yang pagkain na yan. sigurado ka bang mabubusog sila.?

tama naman ako di ba?

Dun lang nalungkot

On Monday, February 28, 2011 0 comments

frontpage of 489 episode

biglang nalungkot ako nung linggo.kasi dapat manunuod ako ng onepiece 489 episode.pero walang nilabas yung mga nagproproduce ng anime, ayoko naman basahin sa manga kasi nakakatamad at walang kabuhay buhay. isang linggo ko hinintay tapos biglang walang nilabas na bagong episode. anak ng tokwa.hindi ko alam kung bakit wala pa silang bagong episode sa anime pero sana next week dalawa yung ilabas nila. nung linggo nga daming pumapasok sa isip ko kung bakit walang lumabas na bagong episode. andun na yung baka wala nang budget ang mga animator para magproduce ng bagong episode. kahapon lang din pala nangyari saken yung nagbasa ako ng mga comment ng mga kapwa fanatics ko ng onepiece, madalas kasi pag nanuod ako ng onepiece nood lang tapos hindi ko na pinapakialaman yung mga comment ng ibang nanunuod, so as far as im concern nadismaya din sila.. yung iba lalong naexcite, at yung iba naman nalungkot kasi isang linggo mong hinintay tapos wala pala. para kang pinaasa sa wala. pero hayaan na natin yun dahil sa susunod na linggo ipapalabas na nila yung 489 episode. sana hindi na ulit madelay.excite na excite na ako eh.

5 putok. balik tanaw 2010.

On Saturday, January 1, 2011 0 comments

unang putok. the jejemons

ganstah jejemon

napakaraming nag-sulputang mga groupo ngayong 2010 at ilan sa kanila ay gumawa ng ingay sa nagdaang isang taon, at ito sila.ang una sa listahan ay ang mga jejemons, sila yung mga mahilig magtxt ng mga eouwzh pouwhzz.. muztha pouwhzz.. ghaghouzz kah pouwhz jejemonyowzhz pah u. mabilis dumami ang jejemon dahil sa pagiging texting capital ng ating bansa. karamihan ng mga text na nasesend minu-minuto ay galing sa kanila, hindi lang sa text nag-lipana ang mga jejemons, pati na rin sa social networking site tulad ng facebook at minsan pati na rin sa mga chatrooms

alam ko siya ang hari ng jejemon tignan nyo na lang yung photo

siya si lil zuplado, nung napadaan ako sa pak-shet.blogspot.com dati. nakita ko tong lil zuplado na ito. Napa-hanup ako sa nabasa ko. hindi lang mali mali ang spelling ng sinulat niya, mali mali din ang pinag-susulat niya, at bukod sa lahat ang tigas naman ng mukha niya na iadobe yung candy cuties at ilagay yung pagmumukha niya dun. nung pasibol pa lang ang jejemon, picture niya ang lagi kung nakikita sa google pag nag-sesearch ako ng jejemon.

ajujumon

kung may jejemon na masaya at gangstah, dapat siguro meron din mga jejemon na malungkot at sila ang mga ajujumon. "wala lang may magawa lang"

pangalawang putok. the jejebusters

facebook group.!!

sila ang number one enemy ng jejemons. sila yung galit sa mga ways ng pagttxt ng mga jejemon at sa pananamit. hindi ko ba alam kung bakit, pero ang alam ko galit sila dahil sinisira daw ng mga jejemon ang tunay na spelling ng salita. tulad ng hello na nagiging eouwhz. yun lang siguro reason nila.

totoo nga yung sabi nila na kung gusto mong sumikat kailangan galit ka sa sikat. kung gaano kabilis sumikat ang mga jejemon ganun din kabilis sumikat ang mga jejebusters. ewan ko ba kung bakit ganun. dati galit sa emo ngayon naman galit sa jejemon hay buhay iba na talga ang mundo.

pangatlong putok. bekimon

nagpasimula ng bekimon dito.

kailangan pa bang may sabihin ako? sige na nga. yung bekimon ay mga baklang gumagamit ng gaylingo. wala na akong ibang alam sa kanila pero alam ko gay ang mga bekimon. TAPOS!!

pang-apat na putok. fliptop.

first nga ehh.


fliptop. ang modern balagtasan. kahit saan ako lumingon o tumambay may naririnig akong nag-flifliptop. sikat na sikat to ngayon hindi lang sa mga matatanda kundi pati na rin sa mga bata. dito sa fliptop sumikat sila batas, loonie, zaito, fuego. hindi ko na imemention lahat kasi masyadong marami. ilang beses na rin na imbitahan sa telebisyon ang ilan sa kanila. mabilis din sumikat ang fliptop dahil sa youtube. sympre patok kaya sa tao pag nakakarinig sila ng nag-lalaitan sa internet. offtopic muna yung youtube parang s.m they got it all for you. so yun na nga back to topic tayo, fliptop, oo nga fliptop dami nang kumakalat na fliptop battle let me mention some, nandyan yung flipcap,fliprap at flipshop. napaisip tuloy ako pano kaya magfliptop ang mga jejemon at mga bekimon.?

jejemon: gahgouwzh pouwzh u jejemonyo kah pouwhz bou-bou xa spelling ang lahi mouwzh pouwhz je je je..

bekimon: pasok ka sa banga. facelaks mong mukhang basag na flower vase charot lang mas mukha kang halimaw sa banga..

pang-limang putok. dota

dota ba o sila?

ito pa rin ang hari ng mga putukan. kumbaga sa paputok, goodbye earth. lahat ng computer shop may naglalaro ng dota. kaaway siya ng mga guro at mga girlfriends. ito ngayon yung madalas pag awayan ng mag-syota pero minsan dito ka rin makakahanap ng syota.

bf at gf nag-aaway dahil sa dota.

gf:ano ba?! dota ba o ako?!

bf:dota.

gf:hmf. dyan ka na nga.!!!

bf:dota kasi, yung dota pwede kung pag-laruan. ikaw hindi.

HANUP.!!

hindi lang naman lalaki ang nag-dodota. nag-dodota rin ang mga bata, matanda, babae, higher class, middle class, pati yung mga nasa lower class.

sa dota rin nag-simula ang trashtalk. kaya rin siguro mabilis umuso ang fliptop.
sa dota rin umuso ang salitang imba. putcha. imba ka ng imba hindi mo naman alam ang ibig sabihin. pero sa dota rin mag-simula ang maraming bagsak ko. madalas absent ako pag nayayaya ako ng dota ng mga kaibigan ko sa school.

dota o pag-aaral?

siguro kung sila yung kaklase ko at kung ganyan yung uniform ng mga estudyante baka mag-aral na lang ako. baka nga perfect attendance pa ehh. so ayan na yung limang ng 2010. happy new year ulit..

STAY IN SCHOOL.!! sabi ko mag-stay hindi mag-bagsak para tumagal. ARAL MABUTI.!! yan malinaw na?

happy new year!

On Thursday, December 30, 2010 0 comments

sabi ng lolo ko.

bukas salubong na sa bagong taon. putukan na nanaman at marami nanaman mapuputukan 100 percent sure ako dun. kung gusto nyong hindi maputukan sundin nyo lang ang mga simple tips na to para putok free ang new year ninyo.

MGA DAPAT SUNDIN PARA DI MAPUTUKAN NGAYONG BAGONG TAON:
1.Wag kumuha ng naputukan na, baka mapikot ka.
2.Tanggalin agad kung malapit ng pumutok.
3.Kung naputukan na,agad hugasan, baka matanggal pa.
4.Wag magpaputok sa mataong lugar, nakakahiya
...5.Magtanong kung “safe” saka iputok!


i get this step while i was browsing the page of The TULOG-KAIN-TEXT-COMPUTER Society
hindi ko na ininclude yung pangalan ng nag-post kasi mukha naman na-grab lang din nya.

masama talagang pagsabayin

so ayun nga putukan na bukas at inuman pero yung iba ngayon pa lang umiinom na salubong daw. para bukas mapuputukan na lang sila.(joke lang) pero pakialam ko ba kung hindi sila liver lover di ba? hindi naman ako yung nasisiraan ng bato ehh, sila naman. pero kakambal ng bawat pag-inom ay gulo kaya sigurado pag katapos ng putukan ay suntukan. tama nga naman yung narinig ko na ..

PAPUTOK NGA SUMASABOG, MUKHA MO PA KAYA!!!

bayad po.!!!

On Thursday, December 16, 2010 1 comments

ganda ng pagkakakuha dito.

Since tinatamad pa naman akong mag-dota magbloblog muna ako. kanina nung nagbayad ako sa jeep. nabwisit ako sa driver kasi nung nagbayad ako ng sampung piso ilang beses akong tinanong ng driver kung saan ako papunta. sabi ko kuya p*c**n lang, siguro mga 4 or 5 times siyang ganun ang tanong at 3 to 4 times atang nagtanong kung saan ako galing sabi ko galing SM ng mga 2 times ko inulit yun tapos nung huli nyang tanong nun sinabi ko "manong galing SAKEN" sa sobrang bwisit ko yun na lang ang nasabi ko. tapos biglang banat ng kulang pa ng kwatro pesos. putcha naman sinabi ko estudyante. napakaburakot talaga nung manong na yun parang gusto pa ata niya na maging scholar, 1st honor, deans lister, magna or summa cum laude ako bago ako bigyan ng discount at ang kapal pa ng mukha niya 4 pa hinihingi.. 12 pesos lang kaya pag simula samin hanggang SM. naisip-isip ko rin na gumanti kay manong. kumuha ako ng buong 200 pesos sa bulsa ko at yun yung binayad ko sa kanya natawa pa nga saken yung katabi kung hot chick ehh. so in the end hindi na niya sininggil yung 4 pesos.


trip ko lang gamitin yung bidyo

speaking of chicks, minsan pag may nakakasabay akong hot chicks ay parang ang swerte swerte ko, parang daig ko pa yung nanalo sa lotto lalo na yung pag-magkaharap lang kayo o magkatabi parang hindi mo maiwasang tumiggin sa kanya. minsan pa nga parang ayaw mo nang bumaba ng jeep, pero lahat ng kaligayahan meron katapusan.lalo na pag malapit ka nang bumaba at minsan hindi ka nga bumaba, siya naman yung bumaba..

ano kaya gagawin nyo kung sa gitna kayo ng desyerto naubusan ng gas?

minsan naman naransan ko na yung sa loob ng isang araw, lahat ng jeep na sinasakyan ko ay dumadaan ng gasolinahan. hindi naman ako mukhang gasoline boy tapos dahil pa dun lagi akong nalalate sa mga klase ko.

Sampung rason kung bakit nabwibwisit minsan akong sumakay ng jeep.

10.meron pa - puno na nga yung jeep nagpapasakay pa.

9.swap - pag pinapalipat ka sa ibang jeep kasi babalik na sa terminal, kasi unti lang nakasakay.

8.paimportante - hinihintay pang mapuno yung jeep bago umalis.

7.estudyante senior at disable - pag hindi nagbibigay ng discount.

6.bingi - kailangan ba paulit ulit?

5.kadyot lang kadyot lang - mag-brebreak tapos andar ng mabilis tapos biglang break tapos andar ulit ng mabilis..

4.amoy baby - badtrip talaga yung may mga putok. daig pa yung bawang,five star, lolo thunder o goodbye philippines sa lakas ng sabog ehh..

3.bulag, bingi o nagtatangatangahan - ang layo ng lalakarin mo kasi bingi yung driver . magtatanong pa kung estudyante ka kahit obvious na obvious naman, parang bulag. hindi ka papansin nung driver pag kukunin mo na yung sukli mo.

2. gangsta rap - putcha jeje yow yow yow, wala na ngang sense, nakakabwisit tapos sasabayan pa ng kanta ng mga jejemonyo.

1.paabot po - ito yung top 1 para saken kasi madalas na drama to sa loob ng jeep. yung ipapaabot mo na lang yung bayad mo tapos ayaw pang iabot nung nasaharapan mo. minsan pa nga yung iba titignan ka muna parang tinitignan yung kasingit singitan mo bago iabot yung bayad mo, yung para bang kasalanan mo pang sa kanya mo inabot yung bayad mo. hutaena talaga..


bago ako tapusin tong blogpost ko mag-iiwan muna ako ng maiksing qoutes na nakita ko sa internet

Ang pagmamahal ay parang bayad sa jeep. barya lang sa umaga buo naman sa gabi.

please naman pakitanggap mo na lang.

On Wednesday, December 1, 2010 0 comments

the title comes from the lyrics of a song entitled silvertoes,waaaa ako ba to? dumugo ilong ko dun ahhh,hayaan nyo na lang yung grammar, on topic na ulit. hindi ko talaga alam yung meaning nung silvertoes pero sa pagkakaalam ko,yung kanta ay about sa girl na ubod ng panget at super feeling na maganda siya. tama nga naman yung linya sa kanta na "Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama" hindi ko naman sinasabing masama yung ganito. pero kasi minsan napakafeeling nung iba. napakalandi kumilos tapos napaka-arte minsan pa nga napakataray at napakasungit. nakaencounter na ako ng ganito sabi ko "miss excuse me po padaan lang po" tapos biglang banat si gaga na "kabwisit naman to"

tang ina ka ba binili mo ba yung daan at bawal akong dumaan?

well, hayaan na naten yun. nabwibwisit lang ako pag naiisip ko ehh. naisipan kung iblog to kasi naalala ko yung naririnig ko sa radyo ngayon na commercial ng concert. hindi ko alam kung anong concert yun pero ganito yung kwento niya.


narator: pano kaya kung si chito ay tumigil na sa pag-kanta at nagbebenta na lang ng beauty products?

miss: do you really think na bagay saken this pink lipstick?

chito: mm. can i be honest with you? wag kang magagalit hah.

miss: sure

chito: hindi po make-up yung kailangan nyo ehh...


chito: milagro

tapos biglang banat yung silvertoes hindi ko sure kung tama yung pagkakakwento ko pero halos ganyan yung kwento. kaya sana hah bago kayo kumilos mag-isip muna kayo mamaya nakakabwisit na pala yung ginawa nyo. hindi lang sa babae kundi pati na rin sa mga lalaki.


feeling nyo ang popogi at ang gaganda ninyo eh mas panget pa nga kayo minsan sa nilalait niyo! tumingin muna sa salamin mga iho at iha.

6 WINNING COMBINATION.!!

On Monday, November 15, 2010 3 comments



Hindi nanaman nakuha ang 6 winning combination sa lotto. Kaya mahaba nanaman ang pila sa mga lotto outlet, umaasang sa susunod na pag-taya nila sila na ang makakuha ng 6 winning combination.Pero bat nga ba tumataya ang ibang tao sa lotto? ang iba dahil sa hirap ng buhay, sa laki ng pot money at ang iba naman ay dahil sa instant money na makukuha mo pag nanalo ka. sympre sino ba naman ang ayaw ng instant? prang noodles lang yan ehh, kaysa magluto ka ng pagkatagal tagal eh magluto ka na lang ng noodles. mabilis na busog ka pa. ang iba nag-shashare ng blessing ang iba naman ay magpapakalayo layo at sasarilihin ang pera, nung napag-usapan kanina namin ng tropa kung si quim yung about sa lotto sabi niya. pag nanalo siya sa lotto ang pinakauna nyang gagawin ay ililibre nya daw lahat ng kaibigan at tropa niya kaklase niya. pati lahat ng ka-batch nya sa OLFU. wow lumelevel. sabi niya ililibre nya daw sa boracay lahat at bibigyan nya ng tig-teten thousand bawat isa at bahala ka na kung gusto mong umuwi agad pag dating mo ng boracay. dami ko talagang tawa nung sinabi niya yun kasi unang una sa lahat hindi naman siya tumataya ng lotto,Usapan lang naman kaya sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, sympre ikaw ang bida sa kwento mo dba? Napaisip din ako, kung ako kaya ang manalo sa lotto saan ko kaya gagastusin ang pera, pano ko kaya uubusin? kung manalo man ako, ang pinakauna kung gagawin ay kukuha ng mga bodyguard na malalaki ang katawan, bakit? Para pag sinampal ko ng pera yung mga kaaway ko may magtatanggol sken. Sympre mag-dodonate ako sa charity, bibili ng bahay at kung pwede bibili ng isla at dun ako mgpapatayo ng bahay. Mag-papatayo rin ako ng mga business para umikot lang yung pera at higit sa lahat bibilihan ko ng tigi-tigisang bahay yung mga kapatid ko pati mga magulang ko. natural lang naman na bigyan mo yung pamilya mo dba?nagtanong din ako sa facebook kung ano gagawin nila pag nanalo sila sa lotto.




ito yung mga iba't ibang sagot nila pag nanalo sila sa lotto yung iba common yung iba naman super common at yung iba nakakatawa. yung mga picture blinurred ko para hindi makilala tinakpan ko na rin yung pangalan.


ito naman ang masasabi ng madlang facebook.. yung iba nakakatawa yung iba todo explain yung iba super nakakatawa yung iba medyo nag-eexplain at yung iba super super nakakatawa.

basta tandaan niyo lang kahit gaano man kalaki o kaliit ang mapanalunan ninyo sa lotto dapat matuto tayong mgpasalamat sa diyos at ishare po naten ang blessings naten..

flip cap.!

On Saturday, November 13, 2010 0 comments



natawa ako sa mga linya nitong magkapatid na kambal na ito. ang kulit nilang dalawa.. kilala ko sila kasi kaklase nila yung kapitbahay ko.. at nakasama ko na din yung isa sa kanila nung concert ng parokya ni edgar sa N.C.B.A dati pa yun kaya hindi ko na maalala yung date. nakainuman ko na rin sila. wala na akong iba pang alam sa kanila. pero yung isa sa kanila nag-transfer sa OLFU lagro(our lady of fatima university) hindi ko alam yung dahilan ehh.. bakit nga pala tayo nalalayo sa topic? sige panuurin nyo na lang yung video.

JUDGEMENTAL

On Thursday, April 8, 2010 0 comments


anue nakikita nyo sa larawan.??


sigurado ako nung nakita nyo ung picture ang unang pumasok sa utak nyo ay ung dot...
ganyan tlga mgjudge ang mga tao... nauuna nlang makita ung mga maling nagawa ng mga tao kahit gaano pa ito kaliit.. hindi na nila nakita yung mga mabuting nagawa nung tao dahil sa maliit na kasalanan.. katulad na lang nung minsan nasa isang fastfood kami nung ex-girlfriend ko.. nahulog kasi yung spoon niya, eh saktong my dumaan na babaeng maiksi ung palda. kala nung ex-girlfriend ko sinisilipan ko ung babae.. un agad yung pumasok sa isip niya..hindi niya naisip na kaya ko pinulot ung spoon niya para hindi nah siya mahirapan kunin un. dahil tuloy dun nag-away pa kami..

meron din mga pangyayaring maiaapply ito katulad na lang nung panahon ni marcos. kung iisipin nyo, dba nung panahon nya ay napakaunlad ng pilipinas, unti ang kriminal,holdaper,snatcher,rappist at walang kurakot.. at madami siyang napatayong mga building at napakamura ng mabibiling mga pagkain.. pero tignan nyo ngaun.. wala nang takot ang mga tao kahit saan ka magpunta my mamamatay tao, snatcher, holdapper, rappist, druglord,at mga jueteng lords..ang pagkakamali lang naman ni marcos ay naging martial law ang ating batas pero dba my nagawa namang kabutihan un.. kung napanood nyo ung code gease r2 maihahalintulad nyo si marcos ky lelouch dahil pareho nilang itinuon lahat ng galit sa kanila.. sa bagay tama nga nman mas mgandang lahat ng tao ay galit sa isang tao lang kysa tayo ung nagkakagulo dba.?? sa tinggin ko, ang ginawa ni marcos ay isang malaking sacripisyo para mapag-isa tayong lahat kaya sana wag nateng sayangin.. magbago na tayo..

mga author, writter or what so ever.. basta idol ko sila

On Thursday, March 25, 2010 2 comments

jay panti, bob ong at lourde de vera. sa lahat ng writer sila ung pinaka inaidolize ko. dahil my kanya kanya silang ways of entertaining there audience. my kanya kanyang pananaw sa buhay,my unique ways para maging sikat sila at dahil sa kanila kung bakit nag bago ang pananaw koh sa buhay buhay.. first on the list..





si jay panti ay writer ng psicom isang sikat na publisher ng libro dito sa pilipinas. hindi niya pinapakita ang mukha niya para bang pamysterious effect ang drama ng lolo mo o my iniingatan lang siya.. ndi ko alam kung bakit gnun pero irespeto na lang naten ang knya trip..sa lahat ng librong ginawa niya mapapansin ninyong puro tungkol sa buhay niya ang ikwenekwento niya about sa love life, childhood days, sex life at mga kalokohan na nangyari sa buhay niya. medyo bastos ang theme ng mga libro niya pero dahil dito kaya siya sumikat. dito mababasa niyo kung paano siya ngstruggle sa lovelife niya at kung paano niya hinarap ang mga nakakabadtrip na pangyayari sa buhay niya at dito rin niya kwenento ung mga nakakatawang adventures niya sa buhay.



si bob ong nman writer ng visprint, katulad ni jay panti hindi rin niya pinapaalam ang identity niya. hindi ko nman alam ang dahilan niya kung bakit niya tinatago ang identity niya.. pero katulad ni jay panti irespeto na lang din naten ang trip niya.. iba ibang kaklase ng libro ang sinusulat ni bob ong pero lahat tungkol sa mga bagay na nangyayari sa atin ngaun, pang masa ang libro niya meron siyang libro tungkol sa buhay niya nung nag-aaral pa siya, merong nakakatawa, merong drama, merong tungkol sa superhero, ballpen at hayop. kunbaga sa ice cream. assorted flavors pwede kang mamili.. madami kang mapupulot na aral sa libro niya prang katulad siya nung libro ko nung elementary pa ako na my moral lesson sa huli ng kwento at meron pang mga payo.



sa lahat na ata ng writer na nakilala ko si lourde de vera na siguro ang pinaka kakaiba dahil sa lahat ng writer na kilala ko si lourde lang ang writer na singer/host..si lourde ay isang co-host sa ten the evening news sa tv5 na kung saan dito niya sinasabi ang kanyang mga napapansin sa mga bagay bagay sa ating bansa. si lourde ay vocalist din ng bandang radioactive sago project na nagpasikat ng mga kantang
astro,alcohol at alaala ni batman.. ilan lang ito sa mga kantang ginawa niya.. kakaiba din ang banda niya dahil para lang tumutula na my jazz na background music ang mga kanta nila. pero ano ba naman magagawa naten kung un talaga ang trip nila diba.??


sa inyong tatlo... idol ko talaga kayo.. pagbutihin nyo pa..

lets talk politics.!!

On Wednesday, March 17, 2010 0 comments


ito nga pala ung picture na nakita isang social networking site. kalat na kalat na ito sa internet.


sabi nga nila ang politika ang pinaka maduming malaro sa buong mundo. ngayon malapit nanaman ang election makikinig nanaman tayo sa mga pangako ng mga kandidatong wala naman alam gawin kundi mangako lang at busugin ang pitaka nla ng pera na galing sa bayan ni juan. sabi nga nila ang pulitika dito sa pilipinas ay parang carnabal. and dami mung makikita. andun nah ung siraan, patayan, at balimbinggan. pero ang pinkamalupit ay ung mga poster nilang nakakalat sa kalsada na kala mo ay mga wanted na ipinaskil ang picture sa mga pampublikong daan at ang mga t.v advertisement nlang pag ndi bayan o batang nsa daan ang kasama nla, malamang ay artista o singer na ngbibigay kulay sa mga political adds. nla, ngaun ang sinusubaybayan na lang ng bayan naten ay kung sino ang susunod na magiging presidente at ang kanilang magiging vice. kung ang mananalo ba ay ang dating artista at dati din naging presidente, isang lider ng worship group, dating piloto, dating ng mahirap, dating pare tama ba.? anak ng bayani na ang kapatid ay sentro ng intriga o ang paborito ng mga kababaihan nah dahil pag sila ang binoto mue ay my dick ka na my Bf ka pa na kaaway ng mga sidewalk vendors dati.. iilan lang sila sa mga naghahanggad ng pinakamataas na pwesto dito sa ating bansa. at kung sila nman ang manalo ano kya ang gagawin nla pra mapaganda ang ating bansa. sana sila na nga ang mag-ahon sa atin sa kahirapan.



e2 ung nagus2han kung kanta ngaun ng isang pulitiko sa kanyang t.v adds. sa tinggin ko sa kanya ung pinkapatok ngaung kanta ng pulitiko sa ating mga kabataan dahil ang kumanta ay isang sikat na rapper..para lang sa information nyo.. ndi ko po sinusuportahan ung pulitikong may ari nitong adds na to. nagandahan lang talga aqoh sa kanta.