jeepney journey (part 5)

On Saturday, April 2, 2011 0 comments

lolz.

Pang-limang araw. Ito yung huling araw na mag-oobserve ako. Malungkot dahil hindi na ako makakapagsulat pero okay lang. may blog naman ako. Back to the topic na. Sumakay ako ng SM papasok cubao cubao. Sinugurado kung puno yung sasakyan ko para marami akong maobservahan. Karamihan ng nakasakay ko ay estudyante ng siena. Nung nandun na sa pleasant ay nagsibabaan na sila. Kaya iilan na lang ang natira sa jeep yung estudyante ng AMA na babae. Dalawang estudyante ng STI isang lalaki at isang babae dalawang lalaki at yung dati kung crush sa OLFU na nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby ang mukha na nursing student. Yung isang lalaki bumaba sa ascoville at yung isa sa malaria. Medyo maraming sumakay sa malaria dalawang estudyante ulit isang taga OLFU at isang taga ACCESS at walang kamatayan na mag-syota. Kaya party party ulit sa jeep.Samahan mo pa nung nakakatawang mag-asawa driver yung lalaki barker yung asawa niyang babae kasama rin nila yung mga anak nila. ito nga pala yung narinig kung pag-uusap nila.

Driver: hon tumawag saken si kumpare nangungutang nanaman.

Asawa: putchang kumpare yan, sino ba yan? Mangungutang pa siya eh,tayo nga wala nang makain mangungutang pa siya. sige pautangin mo na nga.

Driver: ui si badong nasa oh. Tawagin mo nga.

Driver at asawa: badong buhaya ka tlaga.

si badong yung nag-titicket na taga MMDA.pagktapos noon nag-usap ulit silang mag-asawa

Asawa: putragis na yung facebook ko hindi ko mabuksan.

Driver: ano ba password mo?

Asawa: jejemon.

Sobrang dami ng tawa ko nung sinabi niyang iyon.bagets na bagets. jejemon pa ang password. nung dumating na kami ng dela costa 2 tumahimik na sila.Dun na nagbayad yung crush kung nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby.Kinuha ko kaagad ang bayad niya kahit magkatabi lang kami.Ang lambot ng kamay niya. Onze lang ang binayad niya.Nung tinignan ko siya may tigyawat siya sa noo.Tapos nung nung makarating na sa OLFU bumaba na siya.Ang bilis talaga ng oras. Yung iba bumaba na rin sa kani-kanilang destination yung taga ACCESS bumaba ng ACCESS yung mag-syota bumaba ng SM. may sumakay ulit pero katulad dati estudyante ulit. Yung isa kung kasabay na taga-AMA bumaba ng AMA.Tapos pa-abot-abot na lang ako ng bayad hanggang makarating ako sa school.

Pauwi na ako. Kasabay ko na sila rjay,tobats(anthony), noel at si ghordz. Hindi kami nag-uusap sa jeep dahil wala kaming mapag-usapan. Napakatahimik sa jeep nun. Kahit yung ibang magkakasabay hindi nag-uusap.Walang nangyaring kakaiba.Abot ng bayad dito abot doon. nung nasa amparo gate 2 na, bumaba na doon sila ghordz,tobats noel at ghordz.Kami naman ni rjay naiwan sa jeep.Tuloy ang biyahe.Doon ko lang nakausap si rjay.Nagkwentuhan ulit kami. nung nagbayad na ako nabwisit ako kasi kulang yung sinukli sa amin.Katorse yung kinuha sa amin. Kahit tungko lang kami kaya nagreklamo ako sabi ko "kuya tungko lang" at medyo may pagkabwisit pa na tono ng boses.Parang bingi yung driver at parang walang naririnig kaya inulit ko. "kuya estudyante lang yung dalawang tungko" doon lang niya ako pinansin at binigay yung kulang nung tinignan ko yung driver nakita ko sa kilos niya na nabwisit niya pero wala akong pakialam sa kanya ang mahalaga lang sa akin binigay niya ang dapat ay sa akin. nung umuwi na ako biniro ko pa si rjay. Sabi ko "mag-ingat ka diyan kay manong ilalagpas ka niya sa bababaan mo." tapos bumaba na ako.

0 comments: