jeepney journey (part3)

On Friday, April 1, 2011 0 comments

buti hindi na ganito sa mga jeep.

Pangatlong araw sumakay ako ng SM papasok cubao-cubao. Yun ang sabi ng barker kaya ganoon na lang din ang isinulat ko dito. Unti lang ang sakay ni manong isang matanda, isang mukhang labandera, isang estudyanteng sa FEU nag-aaral at isang nakacevilian na lalaki. Nung araw na yun sa pinakadulo ako umupo. Inabot ko ang bayad ko dun sa taga FEU. Walang pansinan sa loob ng jeep dahil walang magkakilala, papansinin ka lang nila kung mag-babayad ka. Yung mukhang labandera bumaba ng Diamond Crest dala yung pinamili niyang mga gulay. yung matanda bumaba naman ng malaria. nag-tawag ulit yung barker, may sumakay estudyante ulit, sa ACCESS naman nag-aaral. At mag-syota (short for shorttime). Yung mag-syota sa tinggin ko nasa bandang 17 lang yung lalaki at mga nasa 15-16 lang yung babae. Parang ahas makalingkis yung lalaki sa girlfriend niya na kala mo maagaw sa kanya, hindi naman maganda. Tumigil ng saglit sa OLFU lagro yung jeep dahil dun na pala bababa yung nakacevilian. May sumakay na taga-OLFU nursing groupo ng nursing student mga lima lang sila at dalawang tourism student tapos umandar na ulit yung jeep. Nag-bayad yung taga ACCESS inexpect ko na na ang sasabihin nya lagro lang. Pero nagkamali ako dahil SM yung sinabi niya. Yung mag-syota naman parang may sariling mundo, ang yaman nga nila eh. bumili sila ng sarili nilang mundo. Wala silang pakialam sa mga taong nakasakay ng jeep kahit doon sa mga nagbabayad. Iniignore lang nila. nag-bayad yung mga taga-OLFU na nursing student. Pumasok nanaman sa isip ko na sa regalado sila tutungo dahil madalas ay regalado talaga ang binababaan ng mga estudyanteng nursing at mga nag-aaral dito sa STI pero nagkamali ulit ako. Sa SM rin pala sila papunta. pati yung dalawang tourism sa SM lang ang bayad nila. Nung makarating na kami ng SM bumaba lahat ng sakay ng jeep at ako na lang ang natira sa loob. Kaya pinalipat na lang ako ng driver sa jeep sa harapan ko. Pag-lipat ko ng jeep. Ganoon ulit ang drama sa loob. Puno ng tensyon ang bawat minuto. Walang nag-papansinan hanggang sa makarating na ako ng eskwelahan.

Nung pauwi na kami ng mga kasama ko na si mac,ghordz at jed naisipan naming dumaan muna ng SM kaya sumakay kami ng SM papasok. Unti lang yung kasabay namin. isang lalaki at isa pang lalaki. wala namang kakaibang nangyari nung nagkwentuhan lang kami.

Nung pauwi na ako.kasabay ko si rjay friend ko sa AMA sumakay kami sa francisco tungko na jeep. katulad kanina walang ibang nangyari nagkwentuhan lang kami sa jeep pinagtatawanan yung mga bagay bagay. Marami kaming kasakay sa jeep nung mga oras na yun dahil gabing gabi na. Mga bandang 10pm na nun. may kasabay kaming magsyota, magkakaklase, sales lady. Magagandang babae at mga matatanda. katabi ni rjay yung isang cute na estudyante kaya hindi ko mapigilan ang sarili kung mapatinggin sa kakyutan nung babae. Wala namang kakaiba dun sa babae. Nakikinig lang siya sa ipod niya.yung iba naming kasabay sa jeep tahimik lang. kami lang yung nag-iingay pati yung groupo ng jejemon na estudyante lahat kasi sila mga mukhang dudong na hiphop maluwag na damit at puro bling bling at silver na peke ang suot. Kung ano ano ang pinagkwekwentuhan nila tungkol sa mga kalokohang ginawa nila at sympre nag-pahanginan din sila para ngang may bagyo sa jeep nung mga oras na nakasakay kami dun eh. Pahanginan dito, pahanginan doon, santi dito undoy dun. ayaw patalo sa isa't-isa. Kawawa nga kaming mga nakasakay sa jeep kasi kailangan naming makinig sa kanila. natigil na lang sila nang bumaba na yung tatlo sa bandang malaria, Yung isa namang naiwan biglang naging emo natahimik siya nung umalis na yung mga ksama niya. Nung malapit na ako sa pecson nag-paalam na ako kay rjay dahil pababa na ako. Napansin ko na bukod dun sa tatlong estudyanteng bumaba sa malaria wala nang iba pang bumaba sa jeep bukod sa akin. Siguro dahil yung iba tungko ang bababaan at yung iba bandang gumaoc na at francisco.

0 comments: