aking Napagtanto (napansin)

On Wednesday, March 9, 2011 1 comments

isang tunay na mag-aaral naalala ko tuloy yung pagkabata ko

as you can see hindi ko na masyadong inuupdate itong blog ko. sa kadahilanan na busy ako sa school, tama ang pagkakabasa ninyo. busy ako sa school. dati pag nag-aaral ako pumapasa ako. ngayon pag nag-aral ako lalo akong bumabagsak. kanina nga lang ay nag-exam kami sa isa kung subject na dapat matagal nang nangyari pero sa kasamaang palad ngayon lang natuloy. busy kasi yung prof namin. may meeting lagi im not sure pero sa tinggin ko conference. so ayun kanina nag-exam kami at sa kasamaang palad bagsak ako. syete lang nakuha ko out of 60 ata. nagreview review pa ako tapos ganun lang nakuha ko. kaya naisip isip ko na kung mag-rereview ako mapupuyat ako. pag napuyat ako maiistress ako pag naistress ako mag-kakasakit ako pag nagkasakit ako baka lumala at pag lumala baka mamatay pa ako. kaya hindi na ako mag-rereview mag-dodota na lang ako. joke lang. mag-rereview pa rin ako pero hindi ko na seseryosohin. yung sakto na lang kasi pag ganun ginawa ko dalawa makukuha kung benifits nag-eenjoy na ako tapos nakakapag-aral pa ako. mahalaga lang naman ay pumasa


anak ng pusa

speaking of dota para dun sa mga naglalaro ng dota tinuruan ko nga pala yung pusa ko magdota. pero hirap ngang turuan kasi wala siyang kamay paws lang.


regeneration fountain/well

hindi ko lang alam kung ako lang nakapansin nung well sa dota. well yung tawag pero apoy yung binubuga. gaas pala laman nung well. kala ko dati tubig.

pag ako nanging presidente, walang taong mahirap. lahat mayaman 1million tuwing pasko ipapamigay ko

lastly ito yung pinakanapansin kung sobrang napapaisip ako lagi akong sinasabihan ng magulang ko na wag akong magtitira ng pagkain sa plato ito pa nga yung naging conversation namin ehh..

mommy: anak ubusin mo yang pagkain mo sa plato. hindi mo ba alam na madaming taong nagugutom ngayon.

ito naman ang sagot ko sa kanya.

ako: mommy pag kinain ko ba yang pagkain na yan. sigurado ka bang mabubusog sila.?

tama naman ako di ba?

1 comments:

Anonymous said...

Tungkol naman sa dota