Aminin mo. ginawa mo lang yan para sumikat.
Sobrang Init Abot singit..
Bus-ta BUS wagas

AKALA KO AKO LANG!...UN PALA MERON PANG IBA NA NABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka...(based on my own experience sa isang aircon bus....)
Last september 6, 2007, 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor.
So, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga
Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...
eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...
sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...
dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..
tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....
eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ito...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...
Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO YUNG PINTO...BABABA NA AKO..LALAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ito, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)
Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...
So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....
Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ....sya ay bababa sa Boni....
Naalala ko ung nangyari sa'kin ....nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...
"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG KITANG KO"....
Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...
Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....Magkaka-kilal
Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...
pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK... SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...
so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titingan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????
Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti.
Salamat po. - Yotomi(PEX)
It's really more fun in the philippines
Maria Ozawa fever on the philippines
Everybody said that Maria Ozawa is in the philippines finding a new leading man for her next porn movie. there was no confirmation from the japanese porn actress. sabi sa mga news hindi daw sa account mismo ni Maria Ozawa galing ang statement. it comes from a different facebook acount using her name and her face. the folder where the photo is taken is from indonesia.it's funny to fall inlove
Being First
This fast few year im trying to be first in everything. no specific reason. Gusto ko lang maging no.1. Maging first sa dota, sa klase, sa tekken, sa facebook, dito sa blogging, sa radio hosting , sa puso mo na rin. noong bata ako pangarap ko talang maging no.1 sa klase pero habang tumatanda ako nakakalimutan ko na lang ito at nawala sa isipan ko na parang bula. nakakatamad kasing mag-aral.
Yung about sa radio hosting naman ay ginawa ko nga palang past time yun nung bakasyon.Gumawa ako ng website sa weebly tapos gumawa din ako ng ustream account para makapaghost. Medyo kinarir ko yung design ng website na ginawa ko. yun nga lang parang mailap pa rin saken ang pagkakataon dahil swerte na pag umabot ng 5 ang listener namin pero okay lang naman. kung gusto nyo pala ivisit nasa sidebar lang yung logo ng site iclick nyo na lang po at pakihanap.Back to school
Medyo matagal tagal na rin akong pumapasok simula nung start ng class, siguro mga dalawang linggo na. wala namang kakaiba sa mga subject ko ngayon ganon pa rin naman. nandun pa rin yung mga maiingay, mga nerd, clown at new faces. sympre mahirap pa din yung mga subject ko, nakakapagod pa din at nakakatamad pero atleast ngayon medyo naeenjoy ko na, natatawa na ako pag may nag-papatawa sa klase at meron na rin akong mga bagong friends. Yun nga lang wala pa rin akong nakikitang magandang kaklase. Namiss ko tuloy yung fatima dami kasing chickas dun ehh parang paraiso sa mga lalaki. Pero aanuhin mo nga naman ang ganda nila kung hindi mo naman sila makukuha?Mabalik nga ulit tayo sa STI, may bagong building yung STI pero hindi pa nila pinapagamit sa mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit, ayaw siguro nilang madumihan yung tiles ng bagong building, sana mabuksan na yung bagong building dahil natratraffic ang mga estudyante pag pumapasok sila sa klase nila. Dahil sa lumang building napakaliit ng daan saka madalas siksikan pag nagsasabay ang mga papasok sa klase at mga lalabas ng building. siguro pagkatapos nitong month bubuksan na yung bagong building. May halong pagka-excited at pagkatakot ang aking nararamdaman dahil ang balita ko may CCTV camera daw sa mga classroom sa loob ng bagong building. Pano na yan? Hindi na ako makakapagchismisan sa mga kaklase ko, kakawa rin yung mga owls eye, eagles eye,vultures eye, sama mo na yung mga may sharinggan saka biyakugan at giraffe neck. mahihirapan na silang kumopya at sabi rin saken pag nahuli ka daw na nagcecellphone sa klase sa bagong building ay isususpend ka for 7 days ganoon din pag nahuli kang nagvavandal ng pader or kaya sa mga upuan. Sympre naman kahit ako kung may bago akong laruan or gamit sympre ayokong magasgasan. Sino ba naman ang tangang bibili ng gamit para sirain lang ng iba?pero sa kaso ng mga upuan sa school minsan kasi talagang hindi maiwasang ivandal, yung tipong lagay lagay lang ng name para sikat ka. Una sa schoolmate mo at pangalawa sa mga teacher at sa dean. sana nga ay isang masamang panaginip lang ang CCTV camera dahil kung totoo yun, naku siguradong limitado na ang galaw ko.
sabi nga nila "ang hindi marunong tuminggin sa kaliwa at kanan aura ng teacher na nakatinggin sa kanya ang nararamdaman."
friendster reformat

Sila na nagpasimula ng concept ng social networking dito sa pilipinas.Sila na nagpauso ng testimonial at html layout na pwede mong icostumize at pagandahin ang iyong profile. Nagulat ako noong ibalita sa T.V na magrereformat daw ang friendster. dahil tinanggap na nila ang kanilang magkatalo sa facebook. Ang mga loyal supporter ng naturang social networking site ay nalungkot dahil ayon sa friendster mabubura na lahat ng picture, testimonial, message, at mga blog. effectively on may 31,2011. ginagawa nila ito dahil balak ng naturang social networking site na mag-upgrade at pagandahan lalo ang kanilang site. at mula sa pagiging isang social networking site ay magiging isang social entertainment site na ang friendster, na nagfofocus sa mga games and songs.Hindi naman daw mawawala ang mga account pero yung kung 6 years mo nang hindi nabubuksan ang friendster account mo. Goodbye na talga. Hindi ko alam kung tama ang hakbang na gagawin ng friendster pero ayon sa akin narinig sa telebisyon marami ang naging sentimental ang nalungkot.Medyo nalungkot din ako kasi kahit papaano iba pa rin ang friendster dahil madali mong mababalikan ang mga testimonial sayo sa friendster. hindi tulad sa facebook na madaling natatabunan ang pinost sa wall mo. Meron namang paraan para mai-save ang inyong mga picture at iba pang information ng inyong friendster account.
sleepless night


Let's play
Noong pauwi na kami galing sa bahay ng aking highschool classmate. Nagulat ako kasi may nakita akong mga bata na nag-lalaro ng jolen. Yun yung mga marbles na itira mo sa mga jolen ng kalaban. So ayun na nga, nakita ko sila nagulat ako kasi meron pa rin pa lang naglalaro ng jolen. kadalasan kasi ng mga bata samin ngayon computer na ang kaharap. Hindi nila naabutan yung paglalaro ng luksong tinik, tumbang preso, paluang pwet, tangching, paway etc. at ang pinakapaborito kung bang-sak or tagu-taguan. Nakakalungkot lang isipin dahil hindi na nilalaro ito ngayon. Naalala ko pa noon na mag-sisimula kaming maglaro ng paluang pwet sa hapon mga bandang 3pm ng hapon. Noon pag ganoong oras napakalamig pa ngayon para ka nang sinusunog. yung paluang pwet ay nilalaro sa pamamagitan ng paglagay ng mga chinelas sa loob ng isang bilog na binabantayan ng taya, pag nakuha na lahat ng chinelas sa loob pwede nang paluin ang nagbabantay pero dapat hindi ka maabot ng taya mula sa bilog kaya dapat magaling kang sumalisi. Nalala ko noon na umiyak pa yung kalaro namin noon na siga na ngayon. Marami akong nakakatawang karanasan sa larong pambata dati tulad na lang noong nag-bang-sak kami ng mga kaibigan ko. Noong nagkukumpulan na yung mga kaibigan ko sa jeep, bigla na lang inihian nung isa kung kaibigan yung kalaro namin tapos sinumbong kami sa nanay niya. Sa lahat ng karanasan ko ito yung hindi ko makalimutan noong minsan walang wala kaming magawa. Bata pa kami noon at naisipan namin maglaro ng tangching. Yun yung papatuin mo yung pamato ng iba sa papagitan ng pagbato ng pamato mo sa pamato nila. So ayun naglaro kami at naisipan namin lagyan ng pusta. umabot yung utang ko noon ng isang daan at para mabayaran ko, tinatawag ko yung pinagkakautangan ko at niyaya ko ulit makipaglaro para mabawasan ang utang ko pero hindi naman nababawasan lalo ngang lumalaki ehh. Pero okay lang hindi na rin nagkabayaran noon. Naranasan ko rin gumastos ng malaki sa paglalaro ng larong pambata tulad ng text yung ihinahagis na papel na square at jolen. Bumibili pa dati ako sa mga kalaro ko ng text at jolen para dumami yung akin. Pero ngayon hindi ko na alam kung saan ko nalagay yung mga text at jolen ko.S.I.N.G.L.E

Tatlong taon na rin pala akong walang girlfriend. Medyo matagal na rin pala kung tutuusin. Hindi ko naman kailangan ng girlfriend ngayon, pero minsan naboboring din kasi ako lalo na ngayong bakasyon na pag gising ko sa umaga, mauubos ang oras ko kakacomputer, kakanood ng T.V at kakatambay. swerte na nga pag gumagala kami ng mga friends ko ehh. Kaso hindi naman araw araw libre silang gumala or mag-hang-out. ayoko rin naman masyadong magpunta sa MALL kasi pag andun ako walang kamatayang arcade lang ang lalaruin ko at walang kamatayang pag-tambay sa timezone lang ang gagawin ko saka nakakasawa na rin yung laging isang MALL lang ang pinupuntahan mo. Pag naboring sa pagtambay lakad lakad kahit kabisado mo na yung lugar. Sa totoo lang ayoko naman maging single for 3 years dahil minsan mabwibwisit ka na lang pag nakakita ka ng mgsyota na sobrang hot,ganda,sexy,mabait,mukhang anghel na babae pero yung boyfriend naman mukhang dugyot,mukhang hindi naliligo,mukhang basurero at wala wala talagang maipagmamalaki. Tapos biglang papasok sa isip mo. unfair talaga ang mundo, minsan pa nga masasabi mo na lang na mas may itchura pa nga ako dyan sa lalaki pero bakit hindi pa rin ako mabiyayaan ng girlfriend kahit hindi gaanong maganda. Ganoon talaga ang buhay hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo pero, marami rin naman advantage ang pagiging single at ito ang mga iyon.
1.Ang single hindi kailangan mag-ipon para may maipang date sa monsary,weeksary at aniversary.
2.Ang single hindi kailangan manlibre ng pamasahe. hindi katulad ng lalaking may boyfriend. sagot mo na lunch, meryenda, at pamasahe pag gumagala kayo.
3.Ang single hindi nag-aalala kung magflirt flirt man siya sa iba.
4.Ang single walang pinapakinggan. wala kasing nakikialam.
5.Ang single hindi kailangan magpaganda or magpagwapo. kahit gumala ka ng hindi na liligo or naghihilamos okay lang.
6.Ang single maraming time para sa sarili kahit buong araw ka pang matulog okay lang.
7.Ang single hindi kailangan laging unlimited para itxt ang boyfriend or girlfriend.
8.Pag single ka walang nakikialam ng cellphone mo.
9.Pag single ka hindi mo kailangan bumili ng dalawang ticket para lang makapanood ng sine
10.Pag single ka, Free ka.!! ito ang pinakamasarap na bagay sa pagiging single. walang sagabal.
Sakit ng Summer

jeepney journey (part 5)

Pang-limang araw. Ito yung huling araw na mag-oobserve ako. Malungkot dahil hindi na ako makakapagsulat pero okay lang. may blog naman ako. Back to the topic na. Sumakay ako ng SM papasok cubao cubao. Sinugurado kung puno yung sasakyan ko para marami akong maobservahan. Karamihan ng nakasakay ko ay estudyante ng siena. Nung nandun na sa pleasant ay nagsibabaan na sila. Kaya iilan na lang ang natira sa jeep yung estudyante ng AMA na babae. Dalawang estudyante ng STI isang lalaki at isang babae dalawang lalaki at yung dati kung crush sa OLFU na nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby ang mukha na nursing student. Yung isang lalaki bumaba sa ascoville at yung isa sa malaria. Medyo maraming sumakay sa malaria dalawang estudyante ulit isang taga OLFU at isang taga ACCESS at walang kamatayan na mag-syota. Kaya party party ulit sa jeep.Samahan mo pa nung nakakatawang mag-asawa driver yung lalaki barker yung asawa niyang babae kasama rin nila yung mga anak nila. ito nga pala yung narinig kung pag-uusap nila.
Driver: hon tumawag saken si kumpare nangungutang nanaman.
Asawa: putchang kumpare yan, sino ba yan? Mangungutang pa siya eh,tayo nga wala nang makain mangungutang pa siya. sige pautangin mo na nga.
Driver: ui si badong nasa oh. Tawagin mo nga.
Driver at asawa: badong buhaya ka tlaga.
si badong yung nag-titicket na taga MMDA.pagktapos noon nag-usap ulit silang mag-asawa
Asawa: putragis na yung facebook ko hindi ko mabuksan.
Driver: ano ba password mo?
Asawa: jejemon.
Sobrang dami ng tawa ko nung sinabi niyang iyon.bagets na bagets. jejemon pa ang password. nung dumating na kami ng dela costa 2 tumahimik na sila.Dun na nagbayad yung crush kung nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby.Kinuha ko kaagad ang bayad niya kahit magkatabi lang kami.Ang lambot ng kamay niya. Onze lang ang binayad niya.Nung tinignan ko siya may tigyawat siya sa noo.Tapos nung nung makarating na sa OLFU bumaba na siya.Ang bilis talaga ng oras. Yung iba bumaba na rin sa kani-kanilang destination yung taga ACCESS bumaba ng ACCESS yung mag-syota bumaba ng SM. may sumakay ulit pero katulad dati estudyante ulit. Yung isa kung kasabay na taga-AMA bumaba ng AMA.Tapos pa-abot-abot na lang ako ng bayad hanggang makarating ako sa school.
Pauwi na ako. Kasabay ko na sila rjay,tobats(anthony), noel at si ghordz. Hindi kami nag-uusap sa jeep dahil wala kaming mapag-usapan. Napakatahimik sa jeep nun. Kahit yung ibang magkakasabay hindi nag-uusap.Walang nangyaring kakaiba.Abot ng bayad dito abot doon. nung nasa amparo gate 2 na, bumaba na doon sila ghordz,tobats noel at ghordz.Kami naman ni rjay naiwan sa jeep.Tuloy ang biyahe.Doon ko lang nakausap si rjay.Nagkwentuhan ulit kami. nung nagbayad na ako nabwisit ako kasi kulang yung sinukli sa amin.Katorse yung kinuha sa amin. Kahit tungko lang kami kaya nagreklamo ako sabi ko "kuya tungko lang" at medyo may pagkabwisit pa na tono ng boses.Parang bingi yung driver at parang walang naririnig kaya inulit ko. "kuya estudyante lang yung dalawang tungko" doon lang niya ako pinansin at binigay yung kulang nung tinignan ko yung driver nakita ko sa kilos niya na nabwisit niya pero wala akong pakialam sa kanya ang mahalaga lang sa akin binigay niya ang dapat ay sa akin. nung umuwi na ako biniro ko pa si rjay. Sabi ko "mag-ingat ka diyan kay manong ilalagpas ka niya sa bababaan mo." tapos bumaba na ako.
jeepney journey (part4)


jeepney journey (part3)

jeepney journey (part2)

Jeepney journey (part 1)
hi-school.(makakasama sa apat na taon ng highschool)

malapit na ang pag-tatapos ng klase. graduation nanaman at sigurado akong mag-papa-abot nanaman ng pag-bati si mayor na nagsasabi na "congratulation batch 2XXX-2XXX" namiss ko tuloy yung highschool days ko kahit hindi ako masyadong nag-enjoy dahil napakaliit lang ng school naminm walang campus at isang section lang ang meron sa amin pero sa lagay namin, kami lang ang may dalawang section dahil na rin siguro sa dami namin. marami akong napalagpas na celebration nung nag-aaral ako ng 4th yr. ko ng highschool katulad na lang nung js prom namin, hindi ako pumunta dahil ayaw ng gf ko noon. ewan ko ba kung bakit ko siya sinusunod noon, gustong gusto ko pa naman pumunta noon, hay naku curse you.!!!! enough of me, hindi ako nagblog ngayon para ikwento ang buhay highschool ko, nagblog ako para ibigay ang iba't ibang klase ng estudyante at groupo ng estudyante sa highschool.
aking Napagtanto (napansin)



hindi ko lang alam kung ako lang nakapansin nung well sa dota. well yung tawag pero apoy yung binubuga. gaas pala laman nung well. kala ko dati tubig.

lastly ito yung pinakanapansin kung sobrang napapaisip ako lagi akong sinasabihan ng magulang ko na wag akong magtitira ng pagkain sa plato ito pa nga yung naging conversation namin ehh..



















