friendster reformat

On Wednesday, April 27, 2011 1 comments


Sila na nagpasimula ng concept ng social networking dito sa pilipinas.Sila na nagpauso ng testimonial at html layout na pwede mong icostumize at pagandahin ang iyong profile. Nagulat ako noong ibalita sa T.V na magrereformat daw ang friendster. dahil tinanggap na nila ang kanilang magkatalo sa facebook. Ang mga loyal supporter ng naturang social networking site ay nalungkot dahil ayon sa friendster mabubura na lahat ng picture, testimonial, message, at mga blog. effectively on may 31,2011. ginagawa nila ito dahil balak ng naturang social networking site na mag-upgrade at pagandahan lalo ang kanilang site. at mula sa pagiging isang social networking site ay magiging isang social entertainment site na ang friendster, na nagfofocus sa mga games and songs.Hindi naman daw mawawala ang mga account pero yung kung 6 years mo nang hindi nabubuksan ang friendster account mo. Goodbye na talga. Hindi ko alam kung tama ang hakbang na gagawin ng friendster pero ayon sa akin narinig sa telebisyon marami ang naging sentimental ang nalungkot.Medyo nalungkot din ako kasi kahit papaano iba pa rin ang friendster dahil madali mong mababalikan ang mga testimonial sayo sa friendster. hindi tulad sa facebook na madaling natatabunan ang pinost sa wall mo. Meron namang paraan para mai-save ang inyong mga picture at iba pang information ng inyong friendster account.

sleepless night

On Saturday, April 23, 2011 1 comments

Gabi gabi na lang puyat. Bakit kaya kahit gabing gabi na dami pa rin online sa facebook? wala naman silang ginagawa sa doon kundi tuminggin tinggin lang. Maglike ng post ng friend at magubos ng oras. Tama nga ang survey na time waster ang facebook dahil kahit wala kang ginagawa mas pipiliin mo pang bukas ang facebook mo. Aminado rin naman ganito ako pero hindi lang naman facebook ang dahilan kung bakit ako napupuyat. Nandyan yung garena na kinakaadikan ko. Automatic na tuwing 11pm ng gabi simula na ng aming paglalaro hanggang 4-5am. Minsan nood ng movie at pag sobrang boring na tinggin tinggin ng magagandang picture ng ubod ng gagandang babae. andyan na rin yung panonood ng x-rated film, tama x-rated film yung malaswa.Natural na saming mga lalaki yun. Madalas nga pag pumupunta ako sa computer shop ng barkada ko lagi ko silang naabutan nanonood ng maria ozawa at bago magsara ang shop sa hating gabi o madaling araw nanonood ulit sila. Kaya nga siguro walang masyadong babae na nag-rerent dun sa computer shop na yun kasi computer shop for boys lang iyon. Minsan naman pag madaling araw inom hanggang makatulog.
Siguro kung ganito katabi ko baka mapaaga tulog ko. baka hindi na pala ako makatulog.

Mabalik nga tayo, kung ang boys may garena, x-rated inom at facebook. Ano naman kaya sa babae? Yung facebook siguradong hindi mawawala. Meron din naman naglalaro ng garena pero hindi majority, siguro naman tinitignan rin nila yung crush nila pag madaling araw na. Pero ano kaya ang iba pang ginagawa ng mga babae pag napupuyat sila ng madaling araw? Sabi ng kaibigan kung babae dati karamihan daw ng babae naglalaro ng i-date at audition. Yung iba pag hindi nakaharap sa computer ay nag-paparty party hanggang umaga.

Pero bakit kaya napupuyat ang iba pag umaga? base sa experience ko nag-pupuyat ako kasi hindi ako makatulog ng maaga at madalas kasi 3pm na ako nagigising kaya siguro natural na saken yung matulog ng ganoon. parang call center tulog sa umaga gising sa gabi. Pero bakit noong naranasan kung pumunta ng concert ay 2am pa lang inaantok na ako.Pero pag andito naman ako sa bahay hindi ako inaantok kahit wala akong ginagawa. Yung sa iba wala na akong pakiaalam kung bakit sila napupuyat sa gabi basta ang mahalaga ay matapos ko na itong post ko. dahil malapit nang magsimula ang dota game namin. kaya kayo matulog na kayo ng maaga. mamaya maging zombie pa kayo.

Let's play

On Wednesday, April 20, 2011 1 comments

Noong pauwi na kami galing sa bahay ng aking highschool classmate. Nagulat ako kasi may nakita akong mga bata na nag-lalaro ng jolen. Yun yung mga marbles na itira mo sa mga jolen ng kalaban. So ayun na nga, nakita ko sila nagulat ako kasi meron pa rin pa lang naglalaro ng jolen. kadalasan kasi ng mga bata samin ngayon computer na ang kaharap. Hindi nila naabutan yung paglalaro ng luksong tinik, tumbang preso, paluang pwet, tangching, paway etc. at ang pinakapaborito kung bang-sak or tagu-taguan. Nakakalungkot lang isipin dahil hindi na nilalaro ito ngayon. Naalala ko pa noon na mag-sisimula kaming maglaro ng paluang pwet sa hapon mga bandang 3pm ng hapon. Noon pag ganoong oras napakalamig pa ngayon para ka nang sinusunog. yung paluang pwet ay nilalaro sa pamamagitan ng paglagay ng mga chinelas sa loob ng isang bilog na binabantayan ng taya, pag nakuha na lahat ng chinelas sa loob pwede nang paluin ang nagbabantay pero dapat hindi ka maabot ng taya mula sa bilog kaya dapat magaling kang sumalisi. Nalala ko noon na umiyak pa yung kalaro namin noon na siga na ngayon. Marami akong nakakatawang karanasan sa larong pambata dati tulad na lang noong nag-bang-sak kami ng mga kaibigan ko. Noong nagkukumpulan na yung mga kaibigan ko sa jeep, bigla na lang inihian nung isa kung kaibigan yung kalaro namin tapos sinumbong kami sa nanay niya. Sa lahat ng karanasan ko ito yung hindi ko makalimutan noong minsan walang wala kaming magawa. Bata pa kami noon at naisipan namin maglaro ng tangching. Yun yung papatuin mo yung pamato ng iba sa papagitan ng pagbato ng pamato mo sa pamato nila. So ayun naglaro kami at naisipan namin lagyan ng pusta. umabot yung utang ko noon ng isang daan at para mabayaran ko, tinatawag ko yung pinagkakautangan ko at niyaya ko ulit makipaglaro para mabawasan ang utang ko pero hindi naman nababawasan lalo ngang lumalaki ehh. Pero okay lang hindi na rin nagkabayaran noon. Naranasan ko rin gumastos ng malaki sa paglalaro ng larong pambata tulad ng text yung ihinahagis na papel na square at jolen. Bumibili pa dati ako sa mga kalaro ko ng text at jolen para dumami yung akin. Pero ngayon hindi ko na alam kung saan ko nalagay yung mga text at jolen ko.

Nagtataka lang ako kung bakit biglang nawala yung mga ganoong laro. Napakabilis sana nga ay may makita ulit akong naglalaro ng mga ganoong laro.

S.I.N.G.L.E

On Sunday, April 17, 2011 1 comments


Tatlong taon na rin pala akong walang girlfriend. Medyo matagal na rin pala kung tutuusin. Hindi ko naman kailangan ng girlfriend ngayon, pero minsan naboboring din kasi ako lalo na ngayong bakasyon na pag gising ko sa umaga, mauubos ang oras ko kakacomputer, kakanood ng T.V at kakatambay. swerte na nga pag gumagala kami ng mga friends ko ehh. Kaso hindi naman araw araw libre silang gumala or mag-hang-out. ayoko rin naman masyadong magpunta sa MALL kasi pag andun ako walang kamatayang arcade lang ang lalaruin ko at walang kamatayang pag-tambay sa timezone lang ang gagawin ko saka nakakasawa na rin yung laging isang MALL lang ang pinupuntahan mo. Pag naboring sa pagtambay lakad lakad kahit kabisado mo na yung lugar. Sa totoo lang ayoko naman maging single for 3 years dahil minsan mabwibwisit ka na lang pag nakakita ka ng mgsyota na sobrang hot,ganda,sexy,mabait,mukhang anghel na babae pero yung boyfriend naman mukhang dugyot,mukhang hindi naliligo,mukhang basurero at wala wala talagang maipagmamalaki. Tapos biglang papasok sa isip mo. unfair talaga ang mundo, minsan pa nga masasabi mo na lang na mas may itchura pa nga ako dyan sa lalaki pero bakit hindi pa rin ako mabiyayaan ng girlfriend kahit hindi gaanong maganda. Ganoon talaga ang buhay hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo pero, marami rin naman advantage ang pagiging single at ito ang mga iyon.

1.Ang single hindi kailangan mag-ipon para may maipang date sa monsary,weeksary at aniversary.

2.Ang single hindi kailangan manlibre ng pamasahe. hindi katulad ng lalaking may boyfriend. sagot mo na lunch, meryenda, at pamasahe pag gumagala kayo.

3.Ang single hindi nag-aalala kung magflirt flirt man siya sa iba.

4.Ang single walang pinapakinggan. wala kasing nakikialam.

5.Ang single hindi kailangan magpaganda or magpagwapo. kahit gumala ka ng hindi na liligo or naghihilamos okay lang.

6.Ang single maraming time para sa sarili kahit buong araw ka pang matulog okay lang.

7.Ang single hindi kailangan laging unlimited para itxt ang boyfriend or girlfriend.

8.Pag single ka walang nakikialam ng cellphone mo.

9.Pag single ka hindi mo kailangan bumili ng dalawang ticket para lang makapanood ng sine

10.Pag single ka, Free ka.!! ito ang pinakamasarap na bagay sa pagiging single. walang sagabal.

Sakit ng Summer

On Wednesday, April 6, 2011 0 comments

catchy yung caption

Trip ko lang siyang gamitin dahil summer na. At kung gusto ninyo na hindi nakabikini ang mga girlfriend ninyo sa beach ay bumili kayo ng ganito hindi bastusin tignan. pero hindi yan ang topic natin ngayon. Ang blogpost ko ngayon ay tungkol sa mga sakit ngayong summer. Kaya ito na sisimulan ko na.

Summer na ngayon kaya nauuso nanaman ang mga sakit at merong mga sakit na tuwing summer lang lumalabas ang sintomas. Meron naman mga ganitong sakit kahit hindi summer pero sa summer mas lalo itong lumalala at kumakalat. Ito ang ilan sa mga sakit tinutukoy ko.

1.Tamadiatus lagpakmasus or in tagalog term is tamad. Pag katapos ng pasukan dumadami ang mga ganitong tao. hindi sila yung mga tipo na mahirap palabasin ng bahay dahil sa mag-hapon nilang paghilata. sila rin yung mga taong pagkagising pa lang ay hihiga ulit sa sopa at manonood ng T.V alergic sila sa wallis at dustpan.

2.Sugaleros mimpus sila yung mga taong humahanap ng pagkakakitaan ngayong bakasyon. Dati sa basketball sila naghahanap ng pera, ngayon sa Dota na. ang mga taong meron ng sakit na ito ay nagpapataya rin ng ending at kung ano ano pang sugal. Mahirap makita ang sintomas ng sugaleros mimpus mahahalata mo na lang meron ka pag-nahalata mong papusta pusta ka na sa mga dota,basketball at pag tuma-taya-taya ka na sa ending.

3.Nog-nogeros ulikbasus nakukuha ito sa paliligo sa mga beach, resort at ilog. mahirap iwasan itong sakit na ito dahil pag nagbabad ka sa mga nasabi ko ay siguradong makakakuha ka ng ganitong sakit. naiiwasan naman ito kung maglalagay ka ng lotion na may anti u.v raise o kung magni-night swimming kayo. Wag nyo nang hintayin na masabihan kayo ng "balita ulikba" or in english "wazzup mah negga".

4. Insomiatic pupuyatsis makukuha mo itong sakit na ito kung may computer kayo sa bahay ninyo at kung may internet ito. Pwede mo rin itong makuha kung mahilig kang manood ng mga late night show tulad ng jojo a all the way at music uplate. Ang iba naman ay nakukuha ang sakit na ito pag lagi laging nakatelebabad sa telepono or cellphone. Meron rin naman na special case na makukuha mo ang ganitong sakit pag lagi kang gumigimik ng gabi at nag-bar hopping.

5.Tulalasis adiknamus ito yung sakit na pinakamalala tuwing summer dahil nakikita sila sa mga computer shop at minsan sa mismong loob pa ng bahay ninyo. Makukuha mo ito pag lagpas limang oras ka nang nanunuod ng Telebisyon. Malalaman mo namang meron kang ganitong sakit sa computer shop pag lagpas sampung oras ka nang nagcocomputer or nanunuod sa mga nag-cocomputer.

jeepney journey (part 5)

On Saturday, April 2, 2011 0 comments

lolz.

Pang-limang araw. Ito yung huling araw na mag-oobserve ako. Malungkot dahil hindi na ako makakapagsulat pero okay lang. may blog naman ako. Back to the topic na. Sumakay ako ng SM papasok cubao cubao. Sinugurado kung puno yung sasakyan ko para marami akong maobservahan. Karamihan ng nakasakay ko ay estudyante ng siena. Nung nandun na sa pleasant ay nagsibabaan na sila. Kaya iilan na lang ang natira sa jeep yung estudyante ng AMA na babae. Dalawang estudyante ng STI isang lalaki at isang babae dalawang lalaki at yung dati kung crush sa OLFU na nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby ang mukha na nursing student. Yung isang lalaki bumaba sa ascoville at yung isa sa malaria. Medyo maraming sumakay sa malaria dalawang estudyante ulit isang taga OLFU at isang taga ACCESS at walang kamatayan na mag-syota. Kaya party party ulit sa jeep.Samahan mo pa nung nakakatawang mag-asawa driver yung lalaki barker yung asawa niyang babae kasama rin nila yung mga anak nila. ito nga pala yung narinig kung pag-uusap nila.

Driver: hon tumawag saken si kumpare nangungutang nanaman.

Asawa: putchang kumpare yan, sino ba yan? Mangungutang pa siya eh,tayo nga wala nang makain mangungutang pa siya. sige pautangin mo na nga.

Driver: ui si badong nasa oh. Tawagin mo nga.

Driver at asawa: badong buhaya ka tlaga.

si badong yung nag-titicket na taga MMDA.pagktapos noon nag-usap ulit silang mag-asawa

Asawa: putragis na yung facebook ko hindi ko mabuksan.

Driver: ano ba password mo?

Asawa: jejemon.

Sobrang dami ng tawa ko nung sinabi niyang iyon.bagets na bagets. jejemon pa ang password. nung dumating na kami ng dela costa 2 tumahimik na sila.Dun na nagbayad yung crush kung nakasalamin, cute, petite, maputi at chubby.Kinuha ko kaagad ang bayad niya kahit magkatabi lang kami.Ang lambot ng kamay niya. Onze lang ang binayad niya.Nung tinignan ko siya may tigyawat siya sa noo.Tapos nung nung makarating na sa OLFU bumaba na siya.Ang bilis talaga ng oras. Yung iba bumaba na rin sa kani-kanilang destination yung taga ACCESS bumaba ng ACCESS yung mag-syota bumaba ng SM. may sumakay ulit pero katulad dati estudyante ulit. Yung isa kung kasabay na taga-AMA bumaba ng AMA.Tapos pa-abot-abot na lang ako ng bayad hanggang makarating ako sa school.

Pauwi na ako. Kasabay ko na sila rjay,tobats(anthony), noel at si ghordz. Hindi kami nag-uusap sa jeep dahil wala kaming mapag-usapan. Napakatahimik sa jeep nun. Kahit yung ibang magkakasabay hindi nag-uusap.Walang nangyaring kakaiba.Abot ng bayad dito abot doon. nung nasa amparo gate 2 na, bumaba na doon sila ghordz,tobats noel at ghordz.Kami naman ni rjay naiwan sa jeep.Tuloy ang biyahe.Doon ko lang nakausap si rjay.Nagkwentuhan ulit kami. nung nagbayad na ako nabwisit ako kasi kulang yung sinukli sa amin.Katorse yung kinuha sa amin. Kahit tungko lang kami kaya nagreklamo ako sabi ko "kuya tungko lang" at medyo may pagkabwisit pa na tono ng boses.Parang bingi yung driver at parang walang naririnig kaya inulit ko. "kuya estudyante lang yung dalawang tungko" doon lang niya ako pinansin at binigay yung kulang nung tinignan ko yung driver nakita ko sa kilos niya na nabwisit niya pero wala akong pakialam sa kanya ang mahalaga lang sa akin binigay niya ang dapat ay sa akin. nung umuwi na ako biniro ko pa si rjay. Sabi ko "mag-ingat ka diyan kay manong ilalagpas ka niya sa bababaan mo." tapos bumaba na ako.

jeepney journey (part4)

translation:" natuto kang mag-suot ng maiksing skirt kaya wag kang magalit kung mabosohan ka."

Pang-apat na araw ganoon ulit sm papasok cubao cubao. umupo ulit ako sa tabi ng driver. nakakita nanaman ako ng familiar faces. Katulad nung babaeng estudyante ng AMA. At yung lalaking nakatira din sa subdivision sa may amin. Tahimik nanaman sa jeep puno nanaman ng tension tahimik nanaman lahat at ako nakikinig nanaman sa mga kanta sa cellphone ko habang sinusubukan umiglip dahil sa puyat ako. Wala pa akong tulog nung araw na yun. nung nasa diamond crest na kami may sumakay na medyo magandang babae na umupo sa tapat ko. Nakamini-skirt siya pero hindi ganun kaiksi. tourism siya sa OLFU. grabe ang F na F (feel na feel) yung babae kala niya kasi binobosohan ko siya. Nakapatong kasi yung ulo ko sa braso ko pag-natutulog ako sa jeep. Inignore ko na lang siya pero nung napansin ko na parang medyo naglilikot na siya yung parang tumatagilid na parang medyo nkaside na yung upo niya at pinatong na niya yung bag niyang louise viton sa kanyang hita tinignan ko na siya sa mukha. Nakita ko sa mukha niya na feel talaga niya na binobosohan ko siya. Kaya ang ginawa ko medyo sumide na rin ako ng upo at natulog ulit. nung bumaba na siya sa OLFU lagro bumalik ako sa dati kung position na nakaharap sa kabilang upuan sabay tulog. Yung babaeng estudyante ng AMA nakaupo nanaman sa pinakadulo ng jeep. Nung nasa SM na kami maraming bumaba at marami din sumakay na estudyanteng nurse. Tuloy tuloy ang biyahe. Pag daan sa simbahan nag-sign of the cross yung iba bago dumating ng simbahan, yung iba pagkalagpas ng simbahan at yung iba walang ginawa. Iba siguro yung religion nila kaya ganoon. nung nakarating ako ng STI bumaba na ako. Ako lang yung estudyante ng STI na bumaba doon at lahat ay taga OLFU na.

minsan parang fair lang hindi mag-bayad kasi kulang naman yung sukli ng ibang driver.

Pauwi na ako.Naisipan ko nanamang dumaan ng SM kaya sumakay ulit ako ng SM papasok. Nung oras na yun naalala ko yung mga estudyante ng highschool dati na nakasakay ko. Hindi sila nagbayad ng pamasahe at noong papaba na sila sinigawan sila ng driver at sabi "hoy bayad ninyo." Tumakbo lang yung mga estudyante noon. Kaya naisip ko i-try ko ngang mag 1.2.3 short for libreng sakay. Nung nasa SM na ako hindi man lang ako siningil ng driver hindi rin siya sumigaw o kung ano pa man. Walang reaksyon, parang wala lang kaya bumaba na ako. Siguro dahil sa college na ako kaya hindi na niya ako sinigil kasi nakakahiya para sa isang college student na sabihan pa ng driver na bayad mo. Hindi ko alam ang nasa isip ni manong pero i feel guilty sa ginawa ko kasi kulang ang i-uuwi niya sa pamilya niya.

Pauwi na ako, kasabay ko ulit si rjay. Nung malapit na kami sa dela costa 2 nakita ko yung magsyota na lagi kung nakikitang nag-aabang ng masasakyan, kaya sinabi ko kaagad kay rjay sabi ko "tignan mo yung magsyota jay. yung babae lang yung sasakay dyan oh." Sabi naman ni rjay "sige nga tignan nga naten" nung sumakay yung babae. sabi niya sa akin "galing ah" so ayun sumakay yung babae. Sa tapat ko umupo. Tapos nung medyo nasa amparo na kami napansin ko rin na parang F na F(feel na feel) din yung babaeng yun. feeling din niya binobosohan ko siya, nakamini-skirt din kasi siya. medyo nabwisit na ko kasi pangalawang beses nang nangyari sa akin yun sa loob ng isang araw. Nung tinitignan ko siya napansin ko na nakatinggin rin siya sa akin at tinitignan din niya siguro kung binobosohan ko siya. Nung nakababa na siya sa bankers nawala na yung bwisit ko. nung dumating na ng malaria bumaba na yung karamihan ng nakasakay. 5 na lang kaming natira ako si rjay yung estudyanteng lalaki na taga OLFU isang yung matandang lasing na sumakay sa pangarap At yung estudyanteng taga FEU na babae. Yung babae bumaba ng pleasant, yung yung lalaking taga OLFU bumaba ng diamond crest at yung lalaking lasing tulog hanggang sa bumaba ako sa pecson nag-paalam ulit ako kay rjay katulad kahapon.

jeepney journey (part3)

On Friday, April 1, 2011 0 comments

buti hindi na ganito sa mga jeep.

Pangatlong araw sumakay ako ng SM papasok cubao-cubao. Yun ang sabi ng barker kaya ganoon na lang din ang isinulat ko dito. Unti lang ang sakay ni manong isang matanda, isang mukhang labandera, isang estudyanteng sa FEU nag-aaral at isang nakacevilian na lalaki. Nung araw na yun sa pinakadulo ako umupo. Inabot ko ang bayad ko dun sa taga FEU. Walang pansinan sa loob ng jeep dahil walang magkakilala, papansinin ka lang nila kung mag-babayad ka. Yung mukhang labandera bumaba ng Diamond Crest dala yung pinamili niyang mga gulay. yung matanda bumaba naman ng malaria. nag-tawag ulit yung barker, may sumakay estudyante ulit, sa ACCESS naman nag-aaral. At mag-syota (short for shorttime). Yung mag-syota sa tinggin ko nasa bandang 17 lang yung lalaki at mga nasa 15-16 lang yung babae. Parang ahas makalingkis yung lalaki sa girlfriend niya na kala mo maagaw sa kanya, hindi naman maganda. Tumigil ng saglit sa OLFU lagro yung jeep dahil dun na pala bababa yung nakacevilian. May sumakay na taga-OLFU nursing groupo ng nursing student mga lima lang sila at dalawang tourism student tapos umandar na ulit yung jeep. Nag-bayad yung taga ACCESS inexpect ko na na ang sasabihin nya lagro lang. Pero nagkamali ako dahil SM yung sinabi niya. Yung mag-syota naman parang may sariling mundo, ang yaman nga nila eh. bumili sila ng sarili nilang mundo. Wala silang pakialam sa mga taong nakasakay ng jeep kahit doon sa mga nagbabayad. Iniignore lang nila. nag-bayad yung mga taga-OLFU na nursing student. Pumasok nanaman sa isip ko na sa regalado sila tutungo dahil madalas ay regalado talaga ang binababaan ng mga estudyanteng nursing at mga nag-aaral dito sa STI pero nagkamali ulit ako. Sa SM rin pala sila papunta. pati yung dalawang tourism sa SM lang ang bayad nila. Nung makarating na kami ng SM bumaba lahat ng sakay ng jeep at ako na lang ang natira sa loob. Kaya pinalipat na lang ako ng driver sa jeep sa harapan ko. Pag-lipat ko ng jeep. Ganoon ulit ang drama sa loob. Puno ng tensyon ang bawat minuto. Walang nag-papansinan hanggang sa makarating na ako ng eskwelahan.

Nung pauwi na kami ng mga kasama ko na si mac,ghordz at jed naisipan naming dumaan muna ng SM kaya sumakay kami ng SM papasok. Unti lang yung kasabay namin. isang lalaki at isa pang lalaki. wala namang kakaibang nangyari nung nagkwentuhan lang kami.

Nung pauwi na ako.kasabay ko si rjay friend ko sa AMA sumakay kami sa francisco tungko na jeep. katulad kanina walang ibang nangyari nagkwentuhan lang kami sa jeep pinagtatawanan yung mga bagay bagay. Marami kaming kasakay sa jeep nung mga oras na yun dahil gabing gabi na. Mga bandang 10pm na nun. may kasabay kaming magsyota, magkakaklase, sales lady. Magagandang babae at mga matatanda. katabi ni rjay yung isang cute na estudyante kaya hindi ko mapigilan ang sarili kung mapatinggin sa kakyutan nung babae. Wala namang kakaiba dun sa babae. Nakikinig lang siya sa ipod niya.yung iba naming kasabay sa jeep tahimik lang. kami lang yung nag-iingay pati yung groupo ng jejemon na estudyante lahat kasi sila mga mukhang dudong na hiphop maluwag na damit at puro bling bling at silver na peke ang suot. Kung ano ano ang pinagkwekwentuhan nila tungkol sa mga kalokohang ginawa nila at sympre nag-pahanginan din sila para ngang may bagyo sa jeep nung mga oras na nakasakay kami dun eh. Pahanginan dito, pahanginan doon, santi dito undoy dun. ayaw patalo sa isa't-isa. Kawawa nga kaming mga nakasakay sa jeep kasi kailangan naming makinig sa kanila. natigil na lang sila nang bumaba na yung tatlo sa bandang malaria, Yung isa namang naiwan biglang naging emo natahimik siya nung umalis na yung mga ksama niya. Nung malapit na ako sa pecson nag-paalam na ako kay rjay dahil pababa na ako. Napansin ko na bukod dun sa tatlong estudyanteng bumaba sa malaria wala nang iba pang bumaba sa jeep bukod sa akin. Siguro dahil yung iba tungko ang bababaan at yung iba bandang gumaoc na at francisco.