minsan nakakamiss rin pala yung mga bagay na ginagawa mo pag nalulungkot ka, katulad saken, dati nung highschool ako pag uwi ko galing eskwela, nakikinig lang ako sa radyo at nagkukulong sa kwarto sabay tulog. namiss ko din yung dating buhay ko nung wla pa kaming computer, kasi dati nung wala pa kaming computer parang napakasimple ng buhay ko. yung tipong gising, pasok sa eskwela, uwi sa bahay, bihis, labas ng bahay, tambay sandali, laro sa computer shop, uwi sa bahay, nood t.v hanggang antukin taspos tulog. pag bakasyon naman gising, nood t.v, tambay, tapos nakikipag-kwentuhan sa kaibigan hanggang madaling araw, uwi sabay tulog, minsan nanunuod ng t.v. sympre hindi nawawala pagkain saka paliligo. ganun lang umiikot ang buhay ko dati. ngayon, gising, pasok sa eskwelahan, uwi sa bahay nood sandali ng t.v, tapos computer hanggang antukin. pag bakasyon naman gising tapos nood unting t.v tapos computer hanggang antukin. sympre may kain pa din yun saka ligo. ano kala nyo saken robot? di ba? ang layo na talaga ng buhay ko ngayon kaysa sa dati. namimiss ko rin yung tipong pag uwi ng bahay wala akong naabutan na tao. kaya nakakapag relax ako. walang istorbo at nagawa ko yung gusto ko. namimiss ko rin yung mga times na binibisita ako dati ng dati kung girlfriend pag malungkot ako at pag-wala akong makausap. pero ngayon pag malungkot ako ang kausap ko, computer. laro nang dota at nag-fafacebook. okay lang naman saken kahit ganito ako ngayon pero sympre meron pa rin mga bahay na hindi maibibigay sayo sa pag harap mo sa screen ng computer mo. sa pag lalaro mo ng dota at pag-fafacebook.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment