Noong pauwi na kami galing sa bahay ng aking highschool classmate. Nagulat ako kasi may nakita akong mga bata na nag-lalaro ng jolen. Yun yung mga marbles na itira mo sa mga jolen ng kalaban. So ayun na nga, nakita ko sila nagulat ako kasi meron pa rin pa lang naglalaro ng jolen. kadalasan kasi ng mga bata samin ngayon computer na ang kaharap. Hindi nila naabutan yung paglalaro ng luksong tinik, tumbang preso, paluang pwet, tangching, paway etc. at ang pinakapaborito kung bang-sak or tagu-taguan. Nakakalungkot lang isipin dahil hindi na nilalaro ito ngayon. Naalala ko pa noon na mag-sisimula kaming maglaro ng paluang pwet sa hapon mga bandang 3pm ng hapon. Noon pag ganoong oras napakalamig pa ngayon para ka nang sinusunog. yung paluang pwet ay nilalaro sa pamamagitan ng paglagay ng mga chinelas sa loob ng isang bilog na binabantayan ng taya, pag nakuha na lahat ng chinelas sa loob pwede nang paluin ang nagbabantay pero dapat hindi ka maabot ng taya mula sa bilog kaya dapat magaling kang sumalisi. Nalala ko noon na umiyak pa yung kalaro namin noon na siga na ngayon. Marami akong nakakatawang karanasan sa larong pambata dati tulad na lang noong nag-bang-sak kami ng mga kaibigan ko. Noong nagkukumpulan na yung mga kaibigan ko sa jeep, bigla na lang inihian nung isa kung kaibigan yung kalaro namin tapos sinumbong kami sa nanay niya. Sa lahat ng karanasan ko ito yung hindi ko makalimutan noong minsan walang wala kaming magawa. Bata pa kami noon at naisipan namin maglaro ng tangching. Yun yung papatuin mo yung pamato ng iba sa papagitan ng pagbato ng pamato mo sa pamato nila. So ayun naglaro kami at naisipan namin lagyan ng pusta. umabot yung utang ko noon ng isang daan at para mabayaran ko, tinatawag ko yung pinagkakautangan ko at niyaya ko ulit makipaglaro para mabawasan ang utang ko pero hindi naman nababawasan lalo ngang lumalaki ehh. Pero okay lang hindi na rin nagkabayaran noon. Naranasan ko rin gumastos ng malaki sa paglalaro ng larong pambata tulad ng text yung ihinahagis na papel na square at jolen. Bumibili pa dati ako sa mga kalaro ko ng text at jolen para dumami yung akin. Pero ngayon hindi ko na alam kung saan ko nalagay yung mga text at jolen ko.
Let's play
Nagtataka lang ako kung bakit biglang nawala yung mga ganoong laro. Napakabilis sana nga ay may makita ulit akong naglalaro ng mga ganoong laro.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Ai naku anu ba yang paluang pweet ma. Nalallaman ka jan. .
Post a Comment