hanup moments by buhay badtrip.!!

On Monday, January 10, 2011 1 comments



Ito ba ang ibig sabihin ng age doesn't matter? grabe kasama gums. baka nga pati pustiso ehhh.

5 putok. balik tanaw 2010.

On Saturday, January 1, 2011 0 comments

unang putok. the jejemons

ganstah jejemon

napakaraming nag-sulputang mga groupo ngayong 2010 at ilan sa kanila ay gumawa ng ingay sa nagdaang isang taon, at ito sila.ang una sa listahan ay ang mga jejemons, sila yung mga mahilig magtxt ng mga eouwzh pouwhzz.. muztha pouwhzz.. ghaghouzz kah pouwhz jejemonyowzhz pah u. mabilis dumami ang jejemon dahil sa pagiging texting capital ng ating bansa. karamihan ng mga text na nasesend minu-minuto ay galing sa kanila, hindi lang sa text nag-lipana ang mga jejemons, pati na rin sa social networking site tulad ng facebook at minsan pati na rin sa mga chatrooms

alam ko siya ang hari ng jejemon tignan nyo na lang yung photo

siya si lil zuplado, nung napadaan ako sa pak-shet.blogspot.com dati. nakita ko tong lil zuplado na ito. Napa-hanup ako sa nabasa ko. hindi lang mali mali ang spelling ng sinulat niya, mali mali din ang pinag-susulat niya, at bukod sa lahat ang tigas naman ng mukha niya na iadobe yung candy cuties at ilagay yung pagmumukha niya dun. nung pasibol pa lang ang jejemon, picture niya ang lagi kung nakikita sa google pag nag-sesearch ako ng jejemon.

ajujumon

kung may jejemon na masaya at gangstah, dapat siguro meron din mga jejemon na malungkot at sila ang mga ajujumon. "wala lang may magawa lang"

pangalawang putok. the jejebusters

facebook group.!!

sila ang number one enemy ng jejemons. sila yung galit sa mga ways ng pagttxt ng mga jejemon at sa pananamit. hindi ko ba alam kung bakit, pero ang alam ko galit sila dahil sinisira daw ng mga jejemon ang tunay na spelling ng salita. tulad ng hello na nagiging eouwhz. yun lang siguro reason nila.

totoo nga yung sabi nila na kung gusto mong sumikat kailangan galit ka sa sikat. kung gaano kabilis sumikat ang mga jejemon ganun din kabilis sumikat ang mga jejebusters. ewan ko ba kung bakit ganun. dati galit sa emo ngayon naman galit sa jejemon hay buhay iba na talga ang mundo.

pangatlong putok. bekimon

nagpasimula ng bekimon dito.

kailangan pa bang may sabihin ako? sige na nga. yung bekimon ay mga baklang gumagamit ng gaylingo. wala na akong ibang alam sa kanila pero alam ko gay ang mga bekimon. TAPOS!!

pang-apat na putok. fliptop.

first nga ehh.


fliptop. ang modern balagtasan. kahit saan ako lumingon o tumambay may naririnig akong nag-flifliptop. sikat na sikat to ngayon hindi lang sa mga matatanda kundi pati na rin sa mga bata. dito sa fliptop sumikat sila batas, loonie, zaito, fuego. hindi ko na imemention lahat kasi masyadong marami. ilang beses na rin na imbitahan sa telebisyon ang ilan sa kanila. mabilis din sumikat ang fliptop dahil sa youtube. sympre patok kaya sa tao pag nakakarinig sila ng nag-lalaitan sa internet. offtopic muna yung youtube parang s.m they got it all for you. so yun na nga back to topic tayo, fliptop, oo nga fliptop dami nang kumakalat na fliptop battle let me mention some, nandyan yung flipcap,fliprap at flipshop. napaisip tuloy ako pano kaya magfliptop ang mga jejemon at mga bekimon.?

jejemon: gahgouwzh pouwzh u jejemonyo kah pouwhz bou-bou xa spelling ang lahi mouwzh pouwhz je je je..

bekimon: pasok ka sa banga. facelaks mong mukhang basag na flower vase charot lang mas mukha kang halimaw sa banga..

pang-limang putok. dota

dota ba o sila?

ito pa rin ang hari ng mga putukan. kumbaga sa paputok, goodbye earth. lahat ng computer shop may naglalaro ng dota. kaaway siya ng mga guro at mga girlfriends. ito ngayon yung madalas pag awayan ng mag-syota pero minsan dito ka rin makakahanap ng syota.

bf at gf nag-aaway dahil sa dota.

gf:ano ba?! dota ba o ako?!

bf:dota.

gf:hmf. dyan ka na nga.!!!

bf:dota kasi, yung dota pwede kung pag-laruan. ikaw hindi.

HANUP.!!

hindi lang naman lalaki ang nag-dodota. nag-dodota rin ang mga bata, matanda, babae, higher class, middle class, pati yung mga nasa lower class.

sa dota rin nag-simula ang trashtalk. kaya rin siguro mabilis umuso ang fliptop.
sa dota rin umuso ang salitang imba. putcha. imba ka ng imba hindi mo naman alam ang ibig sabihin. pero sa dota rin mag-simula ang maraming bagsak ko. madalas absent ako pag nayayaya ako ng dota ng mga kaibigan ko sa school.

dota o pag-aaral?

siguro kung sila yung kaklase ko at kung ganyan yung uniform ng mga estudyante baka mag-aral na lang ako. baka nga perfect attendance pa ehh. so ayan na yung limang ng 2010. happy new year ulit..

STAY IN SCHOOL.!! sabi ko mag-stay hindi mag-bagsak para tumagal. ARAL MABUTI.!! yan malinaw na?

happy new year!

On Thursday, December 30, 2010 0 comments

sabi ng lolo ko.

bukas salubong na sa bagong taon. putukan na nanaman at marami nanaman mapuputukan 100 percent sure ako dun. kung gusto nyong hindi maputukan sundin nyo lang ang mga simple tips na to para putok free ang new year ninyo.

MGA DAPAT SUNDIN PARA DI MAPUTUKAN NGAYONG BAGONG TAON:
1.Wag kumuha ng naputukan na, baka mapikot ka.
2.Tanggalin agad kung malapit ng pumutok.
3.Kung naputukan na,agad hugasan, baka matanggal pa.
4.Wag magpaputok sa mataong lugar, nakakahiya
...5.Magtanong kung “safe” saka iputok!


i get this step while i was browsing the page of The TULOG-KAIN-TEXT-COMPUTER Society
hindi ko na ininclude yung pangalan ng nag-post kasi mukha naman na-grab lang din nya.

masama talagang pagsabayin

so ayun nga putukan na bukas at inuman pero yung iba ngayon pa lang umiinom na salubong daw. para bukas mapuputukan na lang sila.(joke lang) pero pakialam ko ba kung hindi sila liver lover di ba? hindi naman ako yung nasisiraan ng bato ehh, sila naman. pero kakambal ng bawat pag-inom ay gulo kaya sigurado pag katapos ng putukan ay suntukan. tama nga naman yung narinig ko na ..

PAPUTOK NGA SUMASABOG, MUKHA MO PA KAYA!!!

ayoko na.!!!

On Sunday, December 19, 2010 0 comments

ang gandang caption nito. perfect.!!

10 craziest way na ginagawa pag lasing.

1. Umiiyak ng walang dahilan.

2. Nagbibigay ng advice sa kapwa lasing.

3. Kumakanta ng pasintunado.

4. Tinatawagan ang ex para makipag-usap ng walang sense.

5. Nai-inlove na lang bigla.

6. Ginagawang unan ang inidoro.

7. Nagiging galante.

8. Ikinukwento ang buhay ng boung angkan.

9. Nagiging english speaking kahit wrong grammar.

10. Panay sabi ng "hindi na ko iinom kahit kailan" habang sumusuka.

yan yung nakita kung ginagawa ng mga lasing sa internet pero hindi kasi ganyan. hindi kami nakiki-uso. ibahin nyo naman kami dree.. bwakanang ina naman yan ohh.. ganito kami.

10 bagay na ginagawa ng mga lasing sa kanto

1.tumatawag ng uwak - uak uak uak. ganyan ka ba pag lasing? parot ang alaga mo hindi uwak.

2.lahat kamag-anak mo - kahit saan nakikitulog kahit nga sa kalsada eh.. sa sobrang laki ng kama mo hindi lang queen size bed yan.

3.naghahanap ng alak - pera kaya muna hanapin mo para may pang bili ka pa.

4.nabubulag - kahit ang pinaka-masagwang itchura gumaganda sa paningin mo. tapos mamaya minamanyak mo na.

5.nagiging desperado - gumagawa ng paraan para makahanap ng alak.

6.nag-jojoke - nagpapatawa hindi naman kalbo.

7.nakikitawa - wala na ngang sense yung joke nakikitawa ka pa. tapos madalas hindi mo alam kung ano yung tinatawanan mo. yung joke ba o yung pagmumukha ng kainuman mo habang nagjojoke.

8.kahit ano pinapatulan - pag lasing na kahit anong klase ng alak iinumin. kahit anong babae papatulan. kahit binabae.

9.ginagawang madrama ang buhay - sige na ikaw na ang kawawa. lahat na kaaway mo. wala ka nang kakampi. nakatira ka na sa dampa. soap opera na buhay mo. naaawa na kami sayo.

10.niroromansa ang sahig - hinahalikhalikan, tinatabihan at pinapatungan. in short dinadapaan.

anong trabaho mo?

i-click para palakihin ang litrato

anong magandang title? akin siya sa gabi sayo siya sa umaga.
or secret lang hah.


pare1: pare tikman mo tong cupcake na gawa ng mommy ko.
pare2: ikaw na lang tikman ko gawa ka rin naman ng mommy mo ehh..


DRINK MODERATELY.!!

bayad po.!!!

On Thursday, December 16, 2010 1 comments

ganda ng pagkakakuha dito.

Since tinatamad pa naman akong mag-dota magbloblog muna ako. kanina nung nagbayad ako sa jeep. nabwisit ako sa driver kasi nung nagbayad ako ng sampung piso ilang beses akong tinanong ng driver kung saan ako papunta. sabi ko kuya p*c**n lang, siguro mga 4 or 5 times siyang ganun ang tanong at 3 to 4 times atang nagtanong kung saan ako galing sabi ko galing SM ng mga 2 times ko inulit yun tapos nung huli nyang tanong nun sinabi ko "manong galing SAKEN" sa sobrang bwisit ko yun na lang ang nasabi ko. tapos biglang banat ng kulang pa ng kwatro pesos. putcha naman sinabi ko estudyante. napakaburakot talaga nung manong na yun parang gusto pa ata niya na maging scholar, 1st honor, deans lister, magna or summa cum laude ako bago ako bigyan ng discount at ang kapal pa ng mukha niya 4 pa hinihingi.. 12 pesos lang kaya pag simula samin hanggang SM. naisip-isip ko rin na gumanti kay manong. kumuha ako ng buong 200 pesos sa bulsa ko at yun yung binayad ko sa kanya natawa pa nga saken yung katabi kung hot chick ehh. so in the end hindi na niya sininggil yung 4 pesos.


trip ko lang gamitin yung bidyo

speaking of chicks, minsan pag may nakakasabay akong hot chicks ay parang ang swerte swerte ko, parang daig ko pa yung nanalo sa lotto lalo na yung pag-magkaharap lang kayo o magkatabi parang hindi mo maiwasang tumiggin sa kanya. minsan pa nga parang ayaw mo nang bumaba ng jeep, pero lahat ng kaligayahan meron katapusan.lalo na pag malapit ka nang bumaba at minsan hindi ka nga bumaba, siya naman yung bumaba..

ano kaya gagawin nyo kung sa gitna kayo ng desyerto naubusan ng gas?

minsan naman naransan ko na yung sa loob ng isang araw, lahat ng jeep na sinasakyan ko ay dumadaan ng gasolinahan. hindi naman ako mukhang gasoline boy tapos dahil pa dun lagi akong nalalate sa mga klase ko.

Sampung rason kung bakit nabwibwisit minsan akong sumakay ng jeep.

10.meron pa - puno na nga yung jeep nagpapasakay pa.

9.swap - pag pinapalipat ka sa ibang jeep kasi babalik na sa terminal, kasi unti lang nakasakay.

8.paimportante - hinihintay pang mapuno yung jeep bago umalis.

7.estudyante senior at disable - pag hindi nagbibigay ng discount.

6.bingi - kailangan ba paulit ulit?

5.kadyot lang kadyot lang - mag-brebreak tapos andar ng mabilis tapos biglang break tapos andar ulit ng mabilis..

4.amoy baby - badtrip talaga yung may mga putok. daig pa yung bawang,five star, lolo thunder o goodbye philippines sa lakas ng sabog ehh..

3.bulag, bingi o nagtatangatangahan - ang layo ng lalakarin mo kasi bingi yung driver . magtatanong pa kung estudyante ka kahit obvious na obvious naman, parang bulag. hindi ka papansin nung driver pag kukunin mo na yung sukli mo.

2. gangsta rap - putcha jeje yow yow yow, wala na ngang sense, nakakabwisit tapos sasabayan pa ng kanta ng mga jejemonyo.

1.paabot po - ito yung top 1 para saken kasi madalas na drama to sa loob ng jeep. yung ipapaabot mo na lang yung bayad mo tapos ayaw pang iabot nung nasaharapan mo. minsan pa nga yung iba titignan ka muna parang tinitignan yung kasingit singitan mo bago iabot yung bayad mo, yung para bang kasalanan mo pang sa kanya mo inabot yung bayad mo. hutaena talaga..


bago ako tapusin tong blogpost ko mag-iiwan muna ako ng maiksing qoutes na nakita ko sa internet

Ang pagmamahal ay parang bayad sa jeep. barya lang sa umaga buo naman sa gabi.

merry merry christmas pasko na kay saya

On Sunday, December 12, 2010 1 comments

lumalamig na talaga ang simoy ng hanggin..ilang araw na lang pasko na. maririnig ko nanaman yung mga batang kumakanta sa labas ng bahay namin at nagsasabing "mamamasko po" but enough of that. kanina pumunta kami ng sm north para mamili ng bagong damit. pagkatapos naming mamili ay kumain kami sa burger king, at habang hinihintay ko si mommy bigla kung narealize na SMP pala ako "samahang malalamig ang pasko" sa almost 3 years kung pagiging single ngayon ko lang naramdaman yun. pero hindi naman ako malungkot. parang naisip ko lang pano kaya kung may girlfriend ako ngayon magiging masaya ang pasko ko? siguro hindi pa rin kasi magastos. pero atleast hindi malamig ang pasko ko.

celebrating christmas the emo way

this is how we do it jejeje...

kanina rin naisip ko. pano kaya sinecelebrate ng mga single friends ko yung pasko nila. ako kasi almost 3 years nang walang girlfriend pero nagcracrave pa rin ako. sila kaya. for all i know yung ibang friend ko NGSB "no girlfriends since birth" at NBSB "no boyfriend since birth" pero mukhang masaya naman yung pasko nila. siguro dahil kasama naman nila ang iba nilang friends (pero sana hindi katulad nung caption ko sa taas) at ang kanilang family. yung iba sa kanila mas pinili na lang na magbabad sa computer,manood ng t.v,kain,tulog, at mag-busy busyhan..

give love on christmas day, daw.

bakit kaya pag december ang daming nabubuntis? dahil ba gustong magpainit ng mga tao?
or dahil sa kantang give love on christmas day. siguro tama nga yung kanta pero iba ang pagkakaintindi ng iba, sabi give love hindi make love in this club. kaya dumadami ang father and mothers day ehh.. pero madalas single mothers day.

kamukha niya yung crush ko siya yung girl sa nilalaro kung guitar freaks

ito yung mas perfect caption ganito yung ayos ng buhok niya

nagkakagusto rin naman ako sa babae actually ngayon meron talaga akong gustong gusto, nagkagusto ako sa kanya nung patapos na yung first semester ko sa nilipatan kung school ngayon, nag-kagusto ako sa kanya nung tinignan niya yung contact lens ko. sympre eye to eye contact ang nangyari kaya natitigan ko ng mabuti ang mala anghel niyang mukha na kamukha nung girl sa madalas kung nilalaro na guitar freaks.hindi ko talaga alam kung bat ako nagkagusto sa kanya siguro dahil bukod sa mga naging girlfriend ko siya lang yung babaeng natitigan ko ng ganun kaya simula nun nagkagusto na ako sa kanya at ngayon kaklase ko siya sa two subjects ko. may problema nga lang gusto ko siyang ligawan pero hindi ko alam kung paano. hindi ko kasi naranasang mangligaw ng babae. yung dati kung girlfriend naging kami lang ng biglaan. tapos naghiwalay din kami ng biglaan.. gusto ko sana unti unti na lang sanang nawala. pero ganun talaga ehh.. ika nga nila its complicated. back to topic, oh yun nga. gustong gusto ko siya tapos.!! sana hindi na ako maging smp next year sana maging girlfriend ko siya.:)

please naman pakitanggap mo na lang.

On Wednesday, December 1, 2010 0 comments

the title comes from the lyrics of a song entitled silvertoes,waaaa ako ba to? dumugo ilong ko dun ahhh,hayaan nyo na lang yung grammar, on topic na ulit. hindi ko talaga alam yung meaning nung silvertoes pero sa pagkakaalam ko,yung kanta ay about sa girl na ubod ng panget at super feeling na maganda siya. tama nga naman yung linya sa kanta na "Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama" hindi ko naman sinasabing masama yung ganito. pero kasi minsan napakafeeling nung iba. napakalandi kumilos tapos napaka-arte minsan pa nga napakataray at napakasungit. nakaencounter na ako ng ganito sabi ko "miss excuse me po padaan lang po" tapos biglang banat si gaga na "kabwisit naman to"

tang ina ka ba binili mo ba yung daan at bawal akong dumaan?

well, hayaan na naten yun. nabwibwisit lang ako pag naiisip ko ehh. naisipan kung iblog to kasi naalala ko yung naririnig ko sa radyo ngayon na commercial ng concert. hindi ko alam kung anong concert yun pero ganito yung kwento niya.


narator: pano kaya kung si chito ay tumigil na sa pag-kanta at nagbebenta na lang ng beauty products?

miss: do you really think na bagay saken this pink lipstick?

chito: mm. can i be honest with you? wag kang magagalit hah.

miss: sure

chito: hindi po make-up yung kailangan nyo ehh...


chito: milagro

tapos biglang banat yung silvertoes hindi ko sure kung tama yung pagkakakwento ko pero halos ganyan yung kwento. kaya sana hah bago kayo kumilos mag-isip muna kayo mamaya nakakabwisit na pala yung ginawa nyo. hindi lang sa babae kundi pati na rin sa mga lalaki.


feeling nyo ang popogi at ang gaganda ninyo eh mas panget pa nga kayo minsan sa nilalait niyo! tumingin muna sa salamin mga iho at iha.

6 WINNING COMBINATION.!!

On Monday, November 15, 2010 3 comments



Hindi nanaman nakuha ang 6 winning combination sa lotto. Kaya mahaba nanaman ang pila sa mga lotto outlet, umaasang sa susunod na pag-taya nila sila na ang makakuha ng 6 winning combination.Pero bat nga ba tumataya ang ibang tao sa lotto? ang iba dahil sa hirap ng buhay, sa laki ng pot money at ang iba naman ay dahil sa instant money na makukuha mo pag nanalo ka. sympre sino ba naman ang ayaw ng instant? prang noodles lang yan ehh, kaysa magluto ka ng pagkatagal tagal eh magluto ka na lang ng noodles. mabilis na busog ka pa. ang iba nag-shashare ng blessing ang iba naman ay magpapakalayo layo at sasarilihin ang pera, nung napag-usapan kanina namin ng tropa kung si quim yung about sa lotto sabi niya. pag nanalo siya sa lotto ang pinakauna nyang gagawin ay ililibre nya daw lahat ng kaibigan at tropa niya kaklase niya. pati lahat ng ka-batch nya sa OLFU. wow lumelevel. sabi niya ililibre nya daw sa boracay lahat at bibigyan nya ng tig-teten thousand bawat isa at bahala ka na kung gusto mong umuwi agad pag dating mo ng boracay. dami ko talagang tawa nung sinabi niya yun kasi unang una sa lahat hindi naman siya tumataya ng lotto,Usapan lang naman kaya sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, sympre ikaw ang bida sa kwento mo dba? Napaisip din ako, kung ako kaya ang manalo sa lotto saan ko kaya gagastusin ang pera, pano ko kaya uubusin? kung manalo man ako, ang pinakauna kung gagawin ay kukuha ng mga bodyguard na malalaki ang katawan, bakit? Para pag sinampal ko ng pera yung mga kaaway ko may magtatanggol sken. Sympre mag-dodonate ako sa charity, bibili ng bahay at kung pwede bibili ng isla at dun ako mgpapatayo ng bahay. Mag-papatayo rin ako ng mga business para umikot lang yung pera at higit sa lahat bibilihan ko ng tigi-tigisang bahay yung mga kapatid ko pati mga magulang ko. natural lang naman na bigyan mo yung pamilya mo dba?nagtanong din ako sa facebook kung ano gagawin nila pag nanalo sila sa lotto.




ito yung mga iba't ibang sagot nila pag nanalo sila sa lotto yung iba common yung iba naman super common at yung iba nakakatawa. yung mga picture blinurred ko para hindi makilala tinakpan ko na rin yung pangalan.


ito naman ang masasabi ng madlang facebook.. yung iba nakakatawa yung iba todo explain yung iba super nakakatawa yung iba medyo nag-eexplain at yung iba super super nakakatawa.

basta tandaan niyo lang kahit gaano man kalaki o kaliit ang mapanalunan ninyo sa lotto dapat matuto tayong mgpasalamat sa diyos at ishare po naten ang blessings naten..

flip cap.!

On Saturday, November 13, 2010 0 comments



natawa ako sa mga linya nitong magkapatid na kambal na ito. ang kulit nilang dalawa.. kilala ko sila kasi kaklase nila yung kapitbahay ko.. at nakasama ko na din yung isa sa kanila nung concert ng parokya ni edgar sa N.C.B.A dati pa yun kaya hindi ko na maalala yung date. nakainuman ko na rin sila. wala na akong iba pang alam sa kanila. pero yung isa sa kanila nag-transfer sa OLFU lagro(our lady of fatima university) hindi ko alam yung dahilan ehh.. bakit nga pala tayo nalalayo sa topic? sige panuurin nyo na lang yung video.

boring moments.

On Monday, November 8, 2010 0 comments



gumawa po ako ng video slideshow.yung babae po sa video slideshow ay si kimberly. hindi ko po siya kilala personally pero friend kami sa facebook at kilala daw siya ng friend ko kasi dati daw magka-schoolmate daw dati sila. malapit lang yung bahay nila samin, isang sakay lang pero hindi ko alam kung saan yung exact place kung saan siya nakatira, nakita ko na rin siya medyo maraming beses na rin pero never ko siyang inaproach dahil nahihiya ako sa kanya. okay back to the topic. humingi po muna ako kay kimberly ng approval kung pwede ko siyang igawa ng video slideshow. hindi ko po kasi gawain na gumawa muna ng video slideshow bago ako sabihin sa taong na ginawaan ko siya. depende na lang kung kakilala ko siya personal at kung surprise yung video para sa kanya.hindi ko po alam kung bat hindi nasama yung credits sa huli pero nilagay ko po dun kung sino yung mga pinasalamatan ko. pero dahil hindi nasama sa video. dito ko na lang sila papasalamatan. amm to kimberly. thanks po ng marami isang kang anghel sa lupa.:) thanks din kay stevie hoang for making such a beautiful song.

LOL TRIP

On Thursday, November 4, 2010 0 comments


hindi po siya edited..:)

NOON at NGAYON

minsan nakakamiss rin pala yung mga bagay na ginagawa mo pag nalulungkot ka, katulad saken, dati nung highschool ako pag uwi ko galing eskwela, nakikinig lang ako sa radyo at nagkukulong sa kwarto sabay tulog. namiss ko din yung dating buhay ko nung wla pa kaming computer, kasi dati nung wala pa kaming computer parang napakasimple ng buhay ko. yung tipong gising, pasok sa eskwela, uwi sa bahay, bihis, labas ng bahay, tambay sandali, laro sa computer shop, uwi sa bahay, nood t.v hanggang antukin taspos tulog. pag bakasyon naman gising, nood t.v, tambay, tapos nakikipag-kwentuhan sa kaibigan hanggang madaling araw, uwi sabay tulog, minsan nanunuod ng t.v. sympre hindi nawawala pagkain saka paliligo. ganun lang umiikot ang buhay ko dati. ngayon, gising, pasok sa eskwelahan, uwi sa bahay nood sandali ng t.v, tapos computer hanggang antukin. pag bakasyon naman gising tapos nood unting t.v tapos computer hanggang antukin. sympre may kain pa din yun saka ligo. ano kala nyo saken robot? di ba? ang layo na talaga ng buhay ko ngayon kaysa sa dati. namimiss ko rin yung tipong pag uwi ng bahay wala akong naabutan na tao. kaya nakakapag relax ako. walang istorbo at nagawa ko yung gusto ko. namimiss ko rin yung mga times na binibisita ako dati ng dati kung girlfriend pag malungkot ako at pag-wala akong makausap. pero ngayon pag malungkot ako ang kausap ko, computer. laro nang dota at nag-fafacebook. okay lang naman saken kahit ganito ako ngayon pero sympre meron pa rin mga bahay na hindi maibibigay sayo sa pag harap mo sa screen ng computer mo. sa pag lalaro mo ng dota at pag-fafacebook.

BWISIT NA BWISIT.!!!

On Monday, September 6, 2010 0 comments

E1 KO BA KUNG BAKIT BWISIT NA BWISIT AKO KAHAPON.!! WALA NMANG DAHILAN PARA MABWISIT AKO..!! SIGURO DALA LANG YUN NG PRESSURE NG NGBIBIRTHDAY.:)) TAMA BIRTHDAY KO KAHAPON.!! SA MGA BUMATI SKEN SA PERSONAL AT SA FACEBOOK, SALAMAT NG MADAMI.. MAKOTO NI ARIGATO..!! SIGURO KYA BWISIT NA BWISIT AKO KAHAPON KASI KABIRTHDAY KO YUNG EX-GIRLFRIEND KO NA KAPITBAHAY LANG NMIN.. SKA SIGURO KYA BWISIT NA BWISIT AKO KASI PG GSING KO NUNG UMAGA WLANG ULAM.!! ANG ULAM LANG NMIN AY YUNG ULAM KAGABI.. NABWISIT AKO KASI.. PARANG SABAW NA LANG YUN PERO YUN PA RIN IPINAPAULAM.. DAMI NMANG PWEDENG LUTUIN SA REF. HINDI PA NG-LUTO.. TPOS HINDI NA AKO NAKAPASOK SA NG-IISA KUNG SUBJ. NA PHYSICAL EDUCATION.. DAHIL SA KABWISITAN KO DAHIL SA ULAM NAMIN..!! DUMIRETSO NA LANG TULOY AKO SA MALL PARA MAMILI NG KEY CHAIN AT MGLARO NG GUITAR FREAKS.. DAHIL DUN MEDYO NAWALA ANG BWISIT KO..!! SALAMAT SA KEY CHAIN SA GUITAR FREAKS AT SA MGA BUMATI SKEN NGAYONG BIRTHDAY KO.!! HINDI KO NA BABANGGITIN LAHAT KASI MSYADONG MADAMI..:) KAHAPON PARANG NAKITA KO SA SARILI KO YUNG CLASSMATE KO SA ISANG SUBJ. NA LAGING NABWIBWISIT KAHIT WLANG DAHILAN.. NAKAKA-BWISIT DIBA.?? KAHIT IKAW MABWIBWISIT SA KANYA KASI KAHIT NAPAKALIIT NA BAGAY NABWIBWISIT SYA..!! BWISIT.!! HAHAHAHA...:))) WALA NAMAN AKONG GALIT SA KNYA.. ACTUALLY MABAIT NGA SYA EHH.. YUN NGA LANG LAGI TLGA SYANG BWISIT NA BWISIT..

cooSSpLaaaYyy.... toycon 2010 day 2

On Wednesday, July 7, 2010 0 comments



nakita namin si stanley chi sa toycon 2010.. sympre papalagpasin ba namin ang pgkakataon na makapagpapicture sa knya..? sympre hindi... pgkatapos nila sa show nagpapicture na agad kami...


nakita din namin dun si maverick only.. nung una namin syang nakita nahiya kaming magpapicture..kasi parang ngmamadali sya.. sinundan lang namin sya ng mga 15min siguro tapos tumigil na kami.. pero nung nakita namin sya ulit na namimili ng mga action figure na idadagdag ata niya sa kanyang mga collection.. hindi na kami ngpatumpik tumpik at kinalabit na namin sya para mgpapicture...



sa ragnarok ata sila.. hindi ko lang sure..parang sa assasin cross kasi yung costume nung nakablack



jiraiya and sunade of naruto shipudden




tenten and sir. guy.. of naruto shipudden




sa kanya ako kami unang nagpapicture.. lambo of hitman reborn..favorite character ko kasi sya sa hitman reborn..


simula nung nakapunta ako sa toycon 2010.. hindi ko na maiwasang maging obsessed sa mga cosplay, gusto ko lagi akong makapunta sa lahat ng cosplay events at parang gustong gusto ko nang sumali..kasama ko yung mga friends ko nung toycon.. sobrang ngenjoy kami bumili ako ng shonenjump na manga ska dlawang chikara hat..sympre hindi mawawala ang picture picture kaya nagpapicture kami sa mga nag-cosplay.. syang nga lang at hindi namin nakita si Alodia and Ashley Gosiengfiao sana sa susunod na pagpunta namin sa cosplay makita na namin sila para makapagpapicture kami sa kanila para may maipagmalaki naman kami.. hindi ko na inilagay yung ibang mga picture kasi masyadong madami..marami din akong nakitang mga familiar na anime at mga rpg and online games na kinosplay tulad ng GTO(great teacher onizuka),whitesmith of ragnarok, sinka of airgear,bayonetta,reborn of hitman reborn,CC of code geass,spider-man,agua bendita and juggernaut.. nakakita din ako ng mga character sa bleach,final fantasy,plant vs. zombie,shakugan no shanna,tekken, at yung ibang mga akatsuki.. sana next year ganun ulit kasaya.. kita kits ulit next year..

from OLFU to STI "new school old problem..!!"

On Thursday, June 24, 2010 1 comments

ayun nakalipat na ng school.. pagkatapos ng halos araw araw kung pag-pabalik balik sa OLFU(lagro)at sa sa pag-punta ko sa kanilang main branch sa valenzuela.. sa wakas nakuha ko na rin ang pinaka-aasam kung TOR(transcript of record).. ayun madali lang naman ang naging pag-eenroll ko sa STI.. mga 3 or 4 times ata akong bumalik sa school bago ako nakapag-enroll.. it turns out very well naman...

ON THE FIRST DAy "6/21/2010":
nag-simula na ang kalbaryo ko.. unang araw ng klase 7:00am pa lang gising na ako.. naka-P.E uniform ako.. maaga ako gumising para hindi ako malate.. pag dating ko sa STI regalado, nalaman ko na sa lagro cover court pala ginaganap ang p.e at ang mas badtrip pa.. wala pa palang P.E.. next week pa.. badtrip tlga.. ang ending uwi na lang sa bahay...

afternoon class first day pa din.. "6/21/2010":

3:00pm klase ko kaya mga 2:00pm pa lang umalis na ako ng bahay para pumasok sa second subj. ko na PROFETH(hindi ko pa alam yung meaning ng subj. o kung ano yung pinag-aaralan kasi hindi pa ako nakakapasok sa subj na yan) ayun.. on the way na ako papuntang school... sa bandang lagro.. sa OLFU tinignan ko yung cellphone ko para sa oras.. 2:45am na pala.. nagulat ako.. kasabay nun ay nabadtrip din dahil.. napakatraffic dahil sa mga studyanteng galing sa OLFU na tumatawid..(ngayon alam ko na nararamdaman ng mga studyante, office worker at iba pang papunta sa kanilang pupuntahan. pag-tumatawid na yung mga studyante ng OLFU)sobrang badtrip ako nun.. tapos nung nakalagpas kami dun.. kala ko tapos na ang kalbaryo ko.. pag-dating naman namin ng s.m pumasok naman yung jeep sa entrance ng S.M para maghintay ng pasahero..(badtrip talaga late na ako.) pinalipat na lang kami nung driver sa jeep sa likod namin.. napatinggin ulit ako sa cellphone ko pag-tinggin ko 2:55 na.. wah.. sobrang inis na ako.. pag-dating ko sa school.. late na ako ng 15 min.. kaya hindi na ako pumasok.. hinintay ko na lang yung friend ko na si arman para makipag-dota.. pero bago kami nagkita nkita ko si muna si kaibigang mark.. ayun chitchat ng unti tapos dumating yung girlfriend nyang si hannah na kapitbahay namin na pinsan ng kaibigan butch ko... ayun usap usap about toycon... tpos nag-kita na kami ni arman.. tapos hindi pala sya mag-dodota.. ang ending ng first day ko diretso ng SM tpos uwi ng bahay..

2nd day "6/22/2010"

my second day on school turns out well.. except dun sa isinita ako nung girl guidance.. sya ata yung head sa faculty.. ayun sinabi nyang magpagupit ako..
pero after that okay na naman yung ibang nangyari.. yung nga lang.. WALA PA DIN AKONG FRIENDS.!!

3rd day "6/23/2010"

maaga akong gumising para mag-pagupit.. medyo nabad-trip ako kasi ang panget ng gupit ko.. hindi tumugma sa inaasahan kung gupit.. ayun.. papasok na ako.. pag dating ko ng school para pumasok sa first and last subj. ko para sa araw na yun.. pag-dating ko ng classroom nag-taka ako kasi dalawa lang kami mg-kaklaseng andun sa klase.. after 15min bumaba na kami sa information center.. tapos nalaman namin na iniba na pala yung sched ko nun.. nilipat ng sabado.. badtrip.. buti na lang nakita ko si kaibigang arman.. tapos ayun nag-laro kami ng dota.. after mga 1hour umalis na sya para pumasok.. ako naman tuloy pa din sa pglalaro.. mga 3hours ata inabot ko dun sa shop.. tapos diretso uwi na...

4th day "6/24/2010"

ayun okay okay naman yung kinalabasan ng first subj. ko.. tapos naisip ko nang kumuha ng permit para papasukin ako sa isang subj. ko requirment nya kasi yun sa pag-wlang i.d.. ayun naghintay ako sa labas ng faculty.. nakita ko dun yung head ng guidance.. tapos kinausap nya ako.. sabi ko sa kanya na kakapagupit ko lang at maiksi na po yung buhok ko kaya ko tinayo para hindi panget tignan.. ayun kala ko okay na.. tpos nung pumasok na ako sa subj. ko... pinapunta kami bigla sa guidance.. lahat ng wlang i.d at mga hindi naka-uniform.. ang tagal namin naghintay sa faculty kya ayun naisipan muna namin ng mga kaklase ko na mgpapicture ng i.d pag balik namin sa guidance nag-hintay kami ng mga ilang minuto.. nauna silang nakakuha ng permit.. tapos nung ako na.. ayun badtrip.. nagalit agad saken.. sabi bat daw hindi pa ako nagpapagupit ehh sinabihan na nya ako kanina... anak ng.. paano kaya ako magpapagupit kung may klase ako.?? ska nag-pagupit na ako ehh... ayun binigyan naman nya ako ng permit pero my nakalagay na dapat mag-pagupit..?? hayzZz.. badtrip.. tpos ayun absent na rin kami sa klase ng teacher namin.. okay lang na absent pero hindi ko matanggap.. ay bakit kailangan pa mag-pagupit ng estudyante.?? asan ba tlga yung logic dun.?? ano ba mgagawa nun para umunlad ang bansa.?? saka pag-sila ba pinapakialaman namin sila pag-gusto nilang magpahaba ng buhok at mag-dye.?? hindi naman diba.?? naiinis tlga ako.. napakalaking isyu kasi ng haircut sa kanila.. kailangan ba tlgang magpagupit ng isang lalaking estudyante para mapangalagaan ang reputation ng school.?? napakamali kasi ng logic sa bagay na yun ehh... kung may makakabasa man na teacher nito o kahit sinong estudyante sa STI or OLFU... sana maintindihan nyo na hindi ako naninira ng school.. gusto ko lang sabihin na mali kasi ehh.. bakit naman yung UP. hindi naman sila ngpapatupad ng ganyang batas pati sa PUP pero hindi naman nakakasira sa reputation ng school nila yun.. ska may reason ako na sobrang valid kaya hindi ako ngpapagupit.. dahil yun sa opera ko.. at sa personal appearance.. para mgkameron ako ng selfconfidence pero pano ko makukuha yung kung pati yung tinggin kung bagay saken ay hindi nila susuportahan.? hindi po ako naninira,sinasabi ko lang yung totoo at sana mawala na yung ganung rules..

yan ang unang apat na araw ng klase ko sa STI.. makakatagal pa kaya ako.??

no post..

On Thursday, June 3, 2010 0 comments

tagal ko na rin palang hindi nakakapag post sa blog ko..wala kasi akong maisip ehh.. minsan naman pag may naiisip ako, laging wrong timing, pag hindi ako busy sa pag-facebook ko o sa paglalaro ng dota, ngtataon naman na tinatamad, minsan laging may kachat, ksama ng mga kaibigan, at minsan ngwawave board ako.. at siguro dahil kasi marami akong inaayos sa pag-transfer ko sa ibang school.. tapos napapadalas pa yung mgswiswimming ko.. bakasyon kasi.. four times na nga ako nakapgswimming ngayong bakasyon ehh... sige hanggang dito na lang.. try ko na lang iupdate yung blog ko this coming school year..

i love this show and i love ideal minds philippines

On Sunday, May 2, 2010 1 comments

ang boyfriend ko dati siyang palabas sa studio 23 thursday siya 7:30pm
gawa siya ng ideal minds pero pinapalabas sa studio 23 dati..mga nov 2003 i-air ang palabas na to... isang romantic comedy na palabas. tungkol to kay marvel na nakameron ng tatlong girlfriend ng sabay sabay ng dahil sa text..kaya naging tatlo yung girlfriend niya kasi.. nakita niya dun sa tatlo yung hinahanap niya sa isang babae..umiikot yung kwento paano niya hinandle yung tatlong girlfriend niya ng hindi nahuhuli..

my mga trouble din na dumating sa kanya katulad ng PDA to PMS, kung paano niya harapin yung mga magulang ng mga girlfriends niya, kung pano umiral sa kwento ang jealousy,kung paano siya namili ng sa tatlo..yung mga conflicts na naging magkakakilala yung tatlo niyang girlfriend pero hindi nila alam na iisa lang ang boyfriend nilang tatlo at kung paano niya nasurvive ang buhay my girlfriend 3 times..

sa last part ng kwento nakipag-break din siya sa tatlo niyang girlfriend..at nalaman din ng tatlo na pinagsabay-sabay sila. pero wala silang naging galit kay marvel.. araw-araw siyang umiinom pagkatapos nun.. naging pariwara ang buhay..lagi siyang umiinom sa bar na pagmamay-ari ng isang babae..hindi ko na maremember yung name nun ehh..siya yung dumadamay kay mavel julian nung nasa stage pa ito of moving on.. pero sa huli sila ang ngkatuluyan..

ang mga girlfriend ni marvel ay sila, Ira Eigenmann as Anna, the sweet college "kikay"; Mika Callanta as J, the eccentric college girl; and Michelle Cuneta as Tanya, the career-oriented account executive.

sympre hindi completo ang palbas kung wala ang mga kaibagan ni marvel na sina, Bidz de la Cruz plays himself, Marvel's real life outrageous outfit-wearing buddy, while Reena David is cast as the loud mouthed Jenny.

some scenes was shot at UP..

pasensya na wala akong nakuhang mga photos nung palabas..sayang.. hindi pa kasi uso ung digi cam noon.. ska wala pang youtube noong 2003..

Ang Boyfriend Ko will not be complete without the great creative input of Ideal Minds Corp, which produces reality TV shows like Single, The Misadventures of Maverick and Ariel, as well as On-air and Campus TV,direk ,junior reyes report,ang reality dating show na single and so much more..

namiss ko talaga itong palabas na ito nung nawala.. sana my dvd man lang na ilabas para mapanuod ko ulit siya.. ang ganda kasi ng kwento niya ehh.. totoong totoo...

some information comes from this site..
http://www.sunstar.com.ph/static/man...friend.ko.html

isip bata

On Thursday, April 22, 2010 1 comments

bakit kaya ganito..?? ngayong bakasyon pansin ko parang nagiging hobby ko ung pag-naliligo ako.. madalas umuupo ako sa tapat ng shower tpos hinahayaan ko lang pumatak sken yung tubig galing sa shower.. weird dba.?? cguro dahil may naalala lang ako. dati kasi nung bata ako sanay ako na pag naliligo ako sa ulan lagi akong nakaupo habang matapos yung ulan.. hayZz.. namiss ko yung mga ganun.. namiss kung maging bata.. yung wala akong iniisip kundi maglaro.. naalala ko din nung dati nung lagi pa kaming tumatambay sa lumang taxi sa tapat ng puno nang duhat.. feeling ko dati pg andun ako wala akong problema feeling ko secure ako dun.. sana bata na lang ako habang buhay para wala akong pinoproblema.. dati mahilig akong gumawa ng kung ano anong bagay.. saka dati lagi akong mag-isa kahit noong bata pa ako.. ewan ko din kung bakit.. siguro dati pa lang emo na ako.. hahaha... dati lagi kung kasama yung bestfriend ko na si kennyvee siya yung partners in crime ko.. dati tanghaling tapat pa lang magkasama na kami.. pero ngayon hindi na.. marami nang ngbago.. bihira na siyang makadalaw dito kasi lumipat na sila nang bahay.. at ngayon hindi na kami nakakapglaro nung mga larong kalye kasama yung iba pa naming kaibigan... siguro tama nga sila na lahat ng bagay nawawala.. at ngbabago... pero sa bawat nawawala sa atin dapat matuto tayong pakawalan ito at maging handa tayo kung mawala o magbago ito...

dream

On Friday, April 16, 2010 2 comments

kanina nanaginip aqoh. ndi ko na maalala ung iba pero this how the story goes.. yung umpisa ng panaginip.. lumipat daw ako sa isang school.. hindi ko alam kung saang school yun.. nung nandun na ako sa computer laboratory. i seen so many familiar faces, nakita ko yung mga dati kung kaklase dun.. yung mga umalis ng fatima.. ewan ko kung bakit ko napanaginipan un. cguro dahil mgtratransfer na ako ngayong taon.. siguro dahil nga dun. pero hindi un ung importanteng part kung bakit ako ngsulat dito sa blog na to.. yung importanteng part ay nung habang gumagawa ako ng computer work ay bigla na lang akong my narecieve na txt sa cp ko. txt ng ex ko. at nkita nung prof namin. kinuha nia ung cp at tinignan din ang msg na biglang sinuli sken ang cp ko, ewan ko kung bakit nya binalik at nang binasa ko na un txt ito ung nkalagay, "bebii sorry iniwan kita alam ko mali yung ginawa ko. ginawa ko yun kasi ayaw kung masaktan ka sa pglayo ko. pero bumalik na ako para makasama ka. i really do love you ndi totoo ung mga sinabi ko sayo dati walang katotohanan yun. i hope you can forgive me..i wish we can turn back time i....." tpos nung malapit ko nang mabasa yung last part bigla akong nagising..:(( hindi ko alam kung bat ako nagising that time sobrang nanghinayang ako kasi hindi koh nakita yung last part nung sulat.. daming pumasok sa isip ko kung bakit biglang sinuli sken ng prof. ko ung c.p at bat parang medyo prang my unting iniisip habang binabalik nya sken ung cp koh. at anue kya ung last part nung msg na ipinadala sken ng ex ko..sana totoo un at sana maganda yung last part nung msg nya sken... siguro hindi pa tlga time para mg move on ako kasi alam ko sa sarili ko mahal ko pa siya kahit sobrang sinaktan niya ako.. i still love her..:(( badtrip na buhay to.. bat bigla kya akong nagising..

JUDGEMENTAL

On Thursday, April 8, 2010 0 comments


anue nakikita nyo sa larawan.??


sigurado ako nung nakita nyo ung picture ang unang pumasok sa utak nyo ay ung dot...
ganyan tlga mgjudge ang mga tao... nauuna nlang makita ung mga maling nagawa ng mga tao kahit gaano pa ito kaliit.. hindi na nila nakita yung mga mabuting nagawa nung tao dahil sa maliit na kasalanan.. katulad na lang nung minsan nasa isang fastfood kami nung ex-girlfriend ko.. nahulog kasi yung spoon niya, eh saktong my dumaan na babaeng maiksi ung palda. kala nung ex-girlfriend ko sinisilipan ko ung babae.. un agad yung pumasok sa isip niya..hindi niya naisip na kaya ko pinulot ung spoon niya para hindi nah siya mahirapan kunin un. dahil tuloy dun nag-away pa kami..

meron din mga pangyayaring maiaapply ito katulad na lang nung panahon ni marcos. kung iisipin nyo, dba nung panahon nya ay napakaunlad ng pilipinas, unti ang kriminal,holdaper,snatcher,rappist at walang kurakot.. at madami siyang napatayong mga building at napakamura ng mabibiling mga pagkain.. pero tignan nyo ngaun.. wala nang takot ang mga tao kahit saan ka magpunta my mamamatay tao, snatcher, holdapper, rappist, druglord,at mga jueteng lords..ang pagkakamali lang naman ni marcos ay naging martial law ang ating batas pero dba my nagawa namang kabutihan un.. kung napanood nyo ung code gease r2 maihahalintulad nyo si marcos ky lelouch dahil pareho nilang itinuon lahat ng galit sa kanila.. sa bagay tama nga nman mas mgandang lahat ng tao ay galit sa isang tao lang kysa tayo ung nagkakagulo dba.?? sa tinggin ko, ang ginawa ni marcos ay isang malaking sacripisyo para mapag-isa tayong lahat kaya sana wag nateng sayangin.. magbago na tayo..