jeepney journey (part2)

On Thursday, March 31, 2011 0 comments

perfect caption para sa nangyari sa part 2,pero hindi siya yung tinutukoy sa kwento.

Pangalawang araw sumakay ulit ako ng jeep na SM cubao-cubao para makapunta ng school. wala kasi kaming airplane poor lang kami. Nung araw na yun nasakyan ko yung jeep na lagi kung nasasakyan. Hindi ko nga alam kung bakit naalala ko pa yung jeep na yung pati yung driver eh, siguro dahil may pag-tinggin ako kay manong driver, joke. Pansin ko lang naalala ko talaga yung mga taong nakasakay ko sa jeep pati yung place kung saan sila bababa. Tumigil ng malaria yung jeep. Sumakay yung ale marami siyang dala, tinulungan siya nung ibang pasahero, at umupo siya sa pinakalikod ng driver. Madalas naman ganun eh. Pag maraming dala sa likod ng driver umuupo para hindi makaabala sa iba pang sasakay. Pag dating namin ng dela-costa 2 may sumakay na magandang babae eh dahil kilala mo naman ang papa mo, tinitigan ko yung babae pinansin ko na rin kung ako lang ang nakatinggin sa kanya at napansin ko na hindi lang pala ako ang nakatinggin kay ganda, lahat ng lalaking pasahero nakatinggin kay ganda pati yung mga highschool, officeworker, married, single, and yung in a relationship nakatinggin sa magandang mukha ni ate ganda, nakita ko nga yung mukha nung girlfriend nung isang lalaki na parang medyo nag-seselos dun sa babae. Pero inignore ko lang sila dahil wala akong pakialam sa kanila.

Biyaheng langit pauwing pecson. Sumakay ako ng jeep ang nakatabi ko sa kaliwa't kanan ay parehong hanep. Hanep sa ganda at hanep sa kacutan. tahimik lang ako habang pauwi ako. sumakay ang mag-asawang may bitbit na anak. pinaupo ang anak sa tabi nila nung nag-bayad sila dalawang tungko lang ibinayad nila. Binuhat nila yung anak nila nung medyo nag-kakasiksikan na.Yung isang katabi kung cute na babae bumaba sa malaria,hindi ko nga akalaing dun siya nakatira dahil mukha talaga siyang mayaman at mukhang hindi titira sa ganoong lugar wala namang kakaibang nangyari nung oras na yun hanggang sa pag-uwi ko.

Jeepney journey (part 1)

On Tuesday, March 29, 2011 0 comments

Isang araw sumakay ako ng jeep ang daan sm papasok, cubao cubao, daming tao, papasok ako ng school wala akong kasabay na kakilala dahil emo ako. Joke, na-observe na pag ang isang tao ay mag-isa siya ay nakaheadset at pag may groupo naman sila ay napakaingay nila. katulad na lang nung dumating na kami ng SM, may sumakay na isang groupo ng mga estudyante at napakaingay nila. puro babae kaya ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa mga girl stuff. tulad ng mga crush-crush, wala naman talaga akong balak na makinig sa kanila kaso natawa ako dun sa sinabi ng isang babae. At ito ang naging conversation nila sa loob ng jeep.

girl1: alam ninyo napansin ko yung crush ko na binobosohan ako kanina sa klase."

girl2: ano ginawa mo?

girl1: wala hinayaan ko lang,crush ko naman ehh.

Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa sinabi ng babae. Yung iba ngang nakasakay kunwari walang narinig at yung isa namang estudyanteng katabi ko walang narinig kasi nakaheadset. napansin ko pala sa sarili ko na bakit tuwing sumasakay ako ng jeep, lagi akong nakasakay sa pinakalikod ng driver, siguro dahil favorite place ko yung at trip ko tlgang mag-abot ng bayad ng mga sumasakay.

Sumakay ulit ako ng jeep francisco, tungko ang biyahe, pauwi na ako. Maraming nakasakay. siksikan sa jeep. nung makarating na ng sm fairview bumaba na yung ibang sakay. Napuno na yung jeep, pero si manong nagpapasakay pa din. sabay sabi "kasya pa sa kanan sampuan po yan." nakakabwisit kasi kahit punong puno na nag-papasakay pa. kung may kasabay lang ako sa jeep na kakilala ko baka sinabihan ko pa ng "manong 12 na po kami dito." Pero habang tumatakbo sa isip ko yung linyang dapat sasabihin ko. Biglang may bumasag ng katahimikan. At sinabing kuya puno ka tapos nagpapasakay ka pa. Nung tinignan ko kung sino ang nagsalita nagulat na lang ako dahil isang dilag na nag-aaral sa new era ang nag-salita. hindi pala nakikita sa school na pinag-aaralan ang ugali ng isang tao dahil nakataray ng babaeng nakasagutan ni manong. natapos lang ang kanilang pag-aaway nang may bumabang pasahero. Pag-katapos nun wala na rin iba pang nangyari. Hanggang bumaba ako sa pecsonville home of the handsome faces.

hi-school.(makakasama sa apat na taon ng highschool)

On Monday, March 14, 2011 4 comments


malapit na ang pag-tatapos ng klase. graduation nanaman at sigurado akong mag-papa-abot nanaman ng pag-bati si mayor na nagsasabi na "congratulation batch 2XXX-2XXX" namiss ko tuloy yung highschool days ko kahit hindi ako masyadong nag-enjoy dahil napakaliit lang ng school naminm walang campus at isang section lang ang meron sa amin pero sa lagay namin, kami lang ang may dalawang section dahil na rin siguro sa dami namin. marami akong napalagpas na celebration nung nag-aaral ako ng 4th yr. ko ng highschool katulad na lang nung js prom namin, hindi ako pumunta dahil ayaw ng gf ko noon. ewan ko ba kung bakit ko siya sinusunod noon, gustong gusto ko pa naman pumunta noon, hay naku curse you.!!!! enough of me, hindi ako nagblog ngayon para ikwento ang buhay highschool ko, nagblog ako para ibigay ang iba't ibang klase ng estudyante at groupo ng estudyante sa highschool.

1.the dreamer -sila yung antukin ng klase madalas hindi na sila pinapansin ng teacher dahil pag pinansin sila magpapalusot namaman na napuyat sila dahil sa kakagawa ng project

2.hyperactive-kung may antukin sympre may hyper, sila yung mga hindi nauubusan ng kalikutan sa katawan in short sobrang ligalig.

3.the clown - pag wala sila hindi masaya sa klase walang mag-papatawa, walang kukulit sa teacher.

4.heartrob - kailangan ko pa bang i-explain? sige sila yung maganda at pogi ng klase sila ang nagpapaganda ng lahi ng tao. muse at escort lagi, cute kahit hindi mgpacute, gwapo kahit hindi magpagwapo at maganda kahit hindi mag-paganda.

5.chismoso at chismosa -daig pa ang showbiz central, startalk, the buzz, tweetbits at iba pa. sila ang unang nakakaalam kung meron mangyayari sa school.

6.lovers in italy -i trust and love you. hindi mapaghiwalay. nilalanggam at parang CAT ang kwento ng buhay nila. ang utusan ay ang lalaki sya ang cadetes at ang babae ang officer.

7.nerds - hindi daw nag-review pero pag dating ng exam or quiz sila ang highest. ito yung pangarap ko sa buhay, hindi yung maging nerd, kundi magkameron ng hot nerd girlfriend.

8.repeater - 10 years nang highschool minsan 15 years pa. may kilala akong ganito. secret na lang ang pangalan pero graduate na siya ngayon.

9.buraot - dito mag-iinit ang dugo ko. kala mo nanay nya yung nanay mo. grabeng makihati ng baong grabe din manghingi. sila yung tipo na nag-iimbita sa birthday ng kapitbahay nila. sasabihin pa sayo "pare punta kayo hah. birthday ng kapitbahay ko"

10.wimpy kids - sila yung madalas mapagtripan, social outcast, mabait kaso walang friend kung meron man bilang lang sa daliri at higit sa lahat frustrated comedian, korny kasi.

11.bully - sila yung nang-tritrip sa mga wimpy kid. siga ng klase at pag tropa mo sila siguradong safe ka.

12.ksp - kulang sa pansin, yung mga attention whore, laging nagpapasikat present sa mga school presentation, madalas magtaas ng kamay kahit hindi naman alam ang sagot.

12. xerox - magaling mangopya pati mali nakokopya minsan nga pati penmanship nakokopya nila sa sobrang galing nila. nangongopya ako dati pero ngayong college na ako sympre hindi na. pag hindi ko alam ang sagot pinapasa ko na lang agad ang papel. mabuti nang bumagsak kaysa mangopya. maiisip din ng mga xerox machine na wala kang natututunan pag nangopya ka.

13.kikays - ang aarte, at laging may make-up kit sa bag, every 15 minutes kung magretouch at tuminggin sa salamin kaya pag kinaskas mo ang make-up sa mukha nila siguradong hindi lang shovel/pala ang magagamit mo sa sobrang kapal.

14.teachers pet - sipsep, utusan ng teacher, taga lista ng noisy and standing, sumbungero't sumbungera. laman sila ng faculty.

15. friendster - dito ako belong dahil nung highschool ako lahat mga unang nabanggit ay friends ko kulang na nga lang ay pati principal kaibiganin ko.


sarap balikan ang buhay highschool dahil sa mga ganitong uri ng classmate. saan ka belong? sana hindi lang highschool ang matapos ninyo wag muna magsyota habang nag-aaral dahil pag

" PAG LIBOG ANG UMIRAL SIRA ANG PAG-AARAL "

aking Napagtanto (napansin)

On Wednesday, March 9, 2011 1 comments

isang tunay na mag-aaral naalala ko tuloy yung pagkabata ko

as you can see hindi ko na masyadong inuupdate itong blog ko. sa kadahilanan na busy ako sa school, tama ang pagkakabasa ninyo. busy ako sa school. dati pag nag-aaral ako pumapasa ako. ngayon pag nag-aral ako lalo akong bumabagsak. kanina nga lang ay nag-exam kami sa isa kung subject na dapat matagal nang nangyari pero sa kasamaang palad ngayon lang natuloy. busy kasi yung prof namin. may meeting lagi im not sure pero sa tinggin ko conference. so ayun kanina nag-exam kami at sa kasamaang palad bagsak ako. syete lang nakuha ko out of 60 ata. nagreview review pa ako tapos ganun lang nakuha ko. kaya naisip isip ko na kung mag-rereview ako mapupuyat ako. pag napuyat ako maiistress ako pag naistress ako mag-kakasakit ako pag nagkasakit ako baka lumala at pag lumala baka mamatay pa ako. kaya hindi na ako mag-rereview mag-dodota na lang ako. joke lang. mag-rereview pa rin ako pero hindi ko na seseryosohin. yung sakto na lang kasi pag ganun ginawa ko dalawa makukuha kung benifits nag-eenjoy na ako tapos nakakapag-aral pa ako. mahalaga lang naman ay pumasa


anak ng pusa

speaking of dota para dun sa mga naglalaro ng dota tinuruan ko nga pala yung pusa ko magdota. pero hirap ngang turuan kasi wala siyang kamay paws lang.


regeneration fountain/well

hindi ko lang alam kung ako lang nakapansin nung well sa dota. well yung tawag pero apoy yung binubuga. gaas pala laman nung well. kala ko dati tubig.

pag ako nanging presidente, walang taong mahirap. lahat mayaman 1million tuwing pasko ipapamigay ko

lastly ito yung pinakanapansin kung sobrang napapaisip ako lagi akong sinasabihan ng magulang ko na wag akong magtitira ng pagkain sa plato ito pa nga yung naging conversation namin ehh..

mommy: anak ubusin mo yang pagkain mo sa plato. hindi mo ba alam na madaming taong nagugutom ngayon.

ito naman ang sagot ko sa kanya.

ako: mommy pag kinain ko ba yang pagkain na yan. sigurado ka bang mabubusog sila.?

tama naman ako di ba?