6 WINNING COMBINATION.!!

On Monday, November 15, 2010 3 comments



Hindi nanaman nakuha ang 6 winning combination sa lotto. Kaya mahaba nanaman ang pila sa mga lotto outlet, umaasang sa susunod na pag-taya nila sila na ang makakuha ng 6 winning combination.Pero bat nga ba tumataya ang ibang tao sa lotto? ang iba dahil sa hirap ng buhay, sa laki ng pot money at ang iba naman ay dahil sa instant money na makukuha mo pag nanalo ka. sympre sino ba naman ang ayaw ng instant? prang noodles lang yan ehh, kaysa magluto ka ng pagkatagal tagal eh magluto ka na lang ng noodles. mabilis na busog ka pa. ang iba nag-shashare ng blessing ang iba naman ay magpapakalayo layo at sasarilihin ang pera, nung napag-usapan kanina namin ng tropa kung si quim yung about sa lotto sabi niya. pag nanalo siya sa lotto ang pinakauna nyang gagawin ay ililibre nya daw lahat ng kaibigan at tropa niya kaklase niya. pati lahat ng ka-batch nya sa OLFU. wow lumelevel. sabi niya ililibre nya daw sa boracay lahat at bibigyan nya ng tig-teten thousand bawat isa at bahala ka na kung gusto mong umuwi agad pag dating mo ng boracay. dami ko talagang tawa nung sinabi niya yun kasi unang una sa lahat hindi naman siya tumataya ng lotto,Usapan lang naman kaya sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, sympre ikaw ang bida sa kwento mo dba? Napaisip din ako, kung ako kaya ang manalo sa lotto saan ko kaya gagastusin ang pera, pano ko kaya uubusin? kung manalo man ako, ang pinakauna kung gagawin ay kukuha ng mga bodyguard na malalaki ang katawan, bakit? Para pag sinampal ko ng pera yung mga kaaway ko may magtatanggol sken. Sympre mag-dodonate ako sa charity, bibili ng bahay at kung pwede bibili ng isla at dun ako mgpapatayo ng bahay. Mag-papatayo rin ako ng mga business para umikot lang yung pera at higit sa lahat bibilihan ko ng tigi-tigisang bahay yung mga kapatid ko pati mga magulang ko. natural lang naman na bigyan mo yung pamilya mo dba?nagtanong din ako sa facebook kung ano gagawin nila pag nanalo sila sa lotto.




ito yung mga iba't ibang sagot nila pag nanalo sila sa lotto yung iba common yung iba naman super common at yung iba nakakatawa. yung mga picture blinurred ko para hindi makilala tinakpan ko na rin yung pangalan.


ito naman ang masasabi ng madlang facebook.. yung iba nakakatawa yung iba todo explain yung iba super nakakatawa yung iba medyo nag-eexplain at yung iba super super nakakatawa.

basta tandaan niyo lang kahit gaano man kalaki o kaliit ang mapanalunan ninyo sa lotto dapat matuto tayong mgpasalamat sa diyos at ishare po naten ang blessings naten..

flip cap.!

On Saturday, November 13, 2010 0 comments



natawa ako sa mga linya nitong magkapatid na kambal na ito. ang kulit nilang dalawa.. kilala ko sila kasi kaklase nila yung kapitbahay ko.. at nakasama ko na din yung isa sa kanila nung concert ng parokya ni edgar sa N.C.B.A dati pa yun kaya hindi ko na maalala yung date. nakainuman ko na rin sila. wala na akong iba pang alam sa kanila. pero yung isa sa kanila nag-transfer sa OLFU lagro(our lady of fatima university) hindi ko alam yung dahilan ehh.. bakit nga pala tayo nalalayo sa topic? sige panuurin nyo na lang yung video.

boring moments.

On Monday, November 8, 2010 0 comments



gumawa po ako ng video slideshow.yung babae po sa video slideshow ay si kimberly. hindi ko po siya kilala personally pero friend kami sa facebook at kilala daw siya ng friend ko kasi dati daw magka-schoolmate daw dati sila. malapit lang yung bahay nila samin, isang sakay lang pero hindi ko alam kung saan yung exact place kung saan siya nakatira, nakita ko na rin siya medyo maraming beses na rin pero never ko siyang inaproach dahil nahihiya ako sa kanya. okay back to the topic. humingi po muna ako kay kimberly ng approval kung pwede ko siyang igawa ng video slideshow. hindi ko po kasi gawain na gumawa muna ng video slideshow bago ako sabihin sa taong na ginawaan ko siya. depende na lang kung kakilala ko siya personal at kung surprise yung video para sa kanya.hindi ko po alam kung bat hindi nasama yung credits sa huli pero nilagay ko po dun kung sino yung mga pinasalamatan ko. pero dahil hindi nasama sa video. dito ko na lang sila papasalamatan. amm to kimberly. thanks po ng marami isang kang anghel sa lupa.:) thanks din kay stevie hoang for making such a beautiful song.

LOL TRIP

On Thursday, November 4, 2010 0 comments


hindi po siya edited..:)

NOON at NGAYON

minsan nakakamiss rin pala yung mga bagay na ginagawa mo pag nalulungkot ka, katulad saken, dati nung highschool ako pag uwi ko galing eskwela, nakikinig lang ako sa radyo at nagkukulong sa kwarto sabay tulog. namiss ko din yung dating buhay ko nung wla pa kaming computer, kasi dati nung wala pa kaming computer parang napakasimple ng buhay ko. yung tipong gising, pasok sa eskwela, uwi sa bahay, bihis, labas ng bahay, tambay sandali, laro sa computer shop, uwi sa bahay, nood t.v hanggang antukin taspos tulog. pag bakasyon naman gising, nood t.v, tambay, tapos nakikipag-kwentuhan sa kaibigan hanggang madaling araw, uwi sabay tulog, minsan nanunuod ng t.v. sympre hindi nawawala pagkain saka paliligo. ganun lang umiikot ang buhay ko dati. ngayon, gising, pasok sa eskwelahan, uwi sa bahay nood sandali ng t.v, tapos computer hanggang antukin. pag bakasyon naman gising tapos nood unting t.v tapos computer hanggang antukin. sympre may kain pa din yun saka ligo. ano kala nyo saken robot? di ba? ang layo na talaga ng buhay ko ngayon kaysa sa dati. namimiss ko rin yung tipong pag uwi ng bahay wala akong naabutan na tao. kaya nakakapag relax ako. walang istorbo at nagawa ko yung gusto ko. namimiss ko rin yung mga times na binibisita ako dati ng dati kung girlfriend pag malungkot ako at pag-wala akong makausap. pero ngayon pag malungkot ako ang kausap ko, computer. laro nang dota at nag-fafacebook. okay lang naman saken kahit ganito ako ngayon pero sympre meron pa rin mga bahay na hindi maibibigay sayo sa pag harap mo sa screen ng computer mo. sa pag lalaro mo ng dota at pag-fafacebook.