Aminin mo. ginawa mo lang yan para sumikat.

On Wednesday, July 10, 2013 0 comments


kagabi lang habang tumitinggin tinggin ako sa wall ko sa facebook nakita ko itong post na ito. about ito sa isang amerikano na niloko at na-scam ng kapwa natin filipino hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung maiinis ba ako o mabwibwisit dahil isa nanaman ito sa mga pakulo ng mga page sa facebook na magpopost ng mga taong nakakaawa para lang ilike yung post nila at ishare. naiinis ako dahil nakalagay doon sa post na 1like = 1prayer, ano ba sa tinggin nyo mangyayari pag nilike namin yung photo? hindi naman siya makakauwi sa US pag ginawa namin yun. kaya nag post ako ng comment at ito ang nakalagay sa mga hindi nakikita yung pinost ko post ko ulit.

"kung ako sa inyo hindi ko na ipagmamalaki na tinulungan ko siya. hindi ko na rin siya pipicturan at ipopost sa page ko. ididiretso ko na siya sa american embassy ng makauwi na. sa tinggin ko mas makakatulong ako kung ganon ginawa ko."


hanggang ngayon yung like sa post ko nadadagdagan pa rin, hindi na ako magtataka dahil alam ko naiintindihan ng ibang netizen ang nararamdaman ko na dapat idineretso na lang nila sa US embassy yung lalaki. dahil doon ay mas matutulungan siya.

wala naman akong galit sa page na nagpost nito. okay lang sakin yung ginawa nila. ang ikinasama lang ng loob ko ay yung hindi pa nila nilubos lubos yung tulong na ginawa nila. naibili nga nila ng mcdo yung lalaki eh. bakit hindi na lang nila ito dineretso sa us embassy para makauwi na ito at hindi na magutom sa bansa natin. 



ang masasabi ko lang kung tutulong ka isipin mo yung mas makakabuti sa tao hindi yung makakabuti sa page mo. lagi ko itong nakikita sa facebook na nagpopost ng nakakaawang tao tapos nakalagay sa post na 1like = 1pray. 1share = big help. kung gusto mo talagang makatulong di ba mas mabuti kung ipopost mo yung photo sa mga page ng institution na kayang tumulong sa kanila. katulad sa US embassy or ipost mo sa mga media page tulad ng GMA at ABS-CBN hindi yung ipopost ninyo sa page ninyo at ipapalike at ipapashare. parang nagiging pagefie short for the good of my page na ang nangyayari hindi na for the good of the people you post. Sana lang maging wake up call ito sa mga mahilig magpalike ng photo about sa nakakaawang tao. para kasi sakin petty crime yang ginagawa ninyo.