isip bata

On Thursday, April 22, 2010 1 comments

bakit kaya ganito..?? ngayong bakasyon pansin ko parang nagiging hobby ko ung pag-naliligo ako.. madalas umuupo ako sa tapat ng shower tpos hinahayaan ko lang pumatak sken yung tubig galing sa shower.. weird dba.?? cguro dahil may naalala lang ako. dati kasi nung bata ako sanay ako na pag naliligo ako sa ulan lagi akong nakaupo habang matapos yung ulan.. hayZz.. namiss ko yung mga ganun.. namiss kung maging bata.. yung wala akong iniisip kundi maglaro.. naalala ko din nung dati nung lagi pa kaming tumatambay sa lumang taxi sa tapat ng puno nang duhat.. feeling ko dati pg andun ako wala akong problema feeling ko secure ako dun.. sana bata na lang ako habang buhay para wala akong pinoproblema.. dati mahilig akong gumawa ng kung ano anong bagay.. saka dati lagi akong mag-isa kahit noong bata pa ako.. ewan ko din kung bakit.. siguro dati pa lang emo na ako.. hahaha... dati lagi kung kasama yung bestfriend ko na si kennyvee siya yung partners in crime ko.. dati tanghaling tapat pa lang magkasama na kami.. pero ngayon hindi na.. marami nang ngbago.. bihira na siyang makadalaw dito kasi lumipat na sila nang bahay.. at ngayon hindi na kami nakakapglaro nung mga larong kalye kasama yung iba pa naming kaibigan... siguro tama nga sila na lahat ng bagay nawawala.. at ngbabago... pero sa bawat nawawala sa atin dapat matuto tayong pakawalan ito at maging handa tayo kung mawala o magbago ito...

dream

On Friday, April 16, 2010 2 comments

kanina nanaginip aqoh. ndi ko na maalala ung iba pero this how the story goes.. yung umpisa ng panaginip.. lumipat daw ako sa isang school.. hindi ko alam kung saang school yun.. nung nandun na ako sa computer laboratory. i seen so many familiar faces, nakita ko yung mga dati kung kaklase dun.. yung mga umalis ng fatima.. ewan ko kung bakit ko napanaginipan un. cguro dahil mgtratransfer na ako ngayong taon.. siguro dahil nga dun. pero hindi un ung importanteng part kung bakit ako ngsulat dito sa blog na to.. yung importanteng part ay nung habang gumagawa ako ng computer work ay bigla na lang akong my narecieve na txt sa cp ko. txt ng ex ko. at nkita nung prof namin. kinuha nia ung cp at tinignan din ang msg na biglang sinuli sken ang cp ko, ewan ko kung bakit nya binalik at nang binasa ko na un txt ito ung nkalagay, "bebii sorry iniwan kita alam ko mali yung ginawa ko. ginawa ko yun kasi ayaw kung masaktan ka sa pglayo ko. pero bumalik na ako para makasama ka. i really do love you ndi totoo ung mga sinabi ko sayo dati walang katotohanan yun. i hope you can forgive me..i wish we can turn back time i....." tpos nung malapit ko nang mabasa yung last part bigla akong nagising..:(( hindi ko alam kung bat ako nagising that time sobrang nanghinayang ako kasi hindi koh nakita yung last part nung sulat.. daming pumasok sa isip ko kung bakit biglang sinuli sken ng prof. ko ung c.p at bat parang medyo prang my unting iniisip habang binabalik nya sken ung cp koh. at anue kya ung last part nung msg na ipinadala sken ng ex ko..sana totoo un at sana maganda yung last part nung msg nya sken... siguro hindi pa tlga time para mg move on ako kasi alam ko sa sarili ko mahal ko pa siya kahit sobrang sinaktan niya ako.. i still love her..:(( badtrip na buhay to.. bat bigla kya akong nagising..

JUDGEMENTAL

On Thursday, April 8, 2010 0 comments


anue nakikita nyo sa larawan.??


sigurado ako nung nakita nyo ung picture ang unang pumasok sa utak nyo ay ung dot...
ganyan tlga mgjudge ang mga tao... nauuna nlang makita ung mga maling nagawa ng mga tao kahit gaano pa ito kaliit.. hindi na nila nakita yung mga mabuting nagawa nung tao dahil sa maliit na kasalanan.. katulad na lang nung minsan nasa isang fastfood kami nung ex-girlfriend ko.. nahulog kasi yung spoon niya, eh saktong my dumaan na babaeng maiksi ung palda. kala nung ex-girlfriend ko sinisilipan ko ung babae.. un agad yung pumasok sa isip niya..hindi niya naisip na kaya ko pinulot ung spoon niya para hindi nah siya mahirapan kunin un. dahil tuloy dun nag-away pa kami..

meron din mga pangyayaring maiaapply ito katulad na lang nung panahon ni marcos. kung iisipin nyo, dba nung panahon nya ay napakaunlad ng pilipinas, unti ang kriminal,holdaper,snatcher,rappist at walang kurakot.. at madami siyang napatayong mga building at napakamura ng mabibiling mga pagkain.. pero tignan nyo ngaun.. wala nang takot ang mga tao kahit saan ka magpunta my mamamatay tao, snatcher, holdapper, rappist, druglord,at mga jueteng lords..ang pagkakamali lang naman ni marcos ay naging martial law ang ating batas pero dba my nagawa namang kabutihan un.. kung napanood nyo ung code gease r2 maihahalintulad nyo si marcos ky lelouch dahil pareho nilang itinuon lahat ng galit sa kanila.. sa bagay tama nga nman mas mgandang lahat ng tao ay galit sa isang tao lang kysa tayo ung nagkakagulo dba.?? sa tinggin ko, ang ginawa ni marcos ay isang malaking sacripisyo para mapag-isa tayong lahat kaya sana wag nateng sayangin.. magbago na tayo..