Aminin mo. ginawa mo lang yan para sumikat.

On Wednesday, July 10, 2013 0 comments


kagabi lang habang tumitinggin tinggin ako sa wall ko sa facebook nakita ko itong post na ito. about ito sa isang amerikano na niloko at na-scam ng kapwa natin filipino hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung maiinis ba ako o mabwibwisit dahil isa nanaman ito sa mga pakulo ng mga page sa facebook na magpopost ng mga taong nakakaawa para lang ilike yung post nila at ishare. naiinis ako dahil nakalagay doon sa post na 1like = 1prayer, ano ba sa tinggin nyo mangyayari pag nilike namin yung photo? hindi naman siya makakauwi sa US pag ginawa namin yun. kaya nag post ako ng comment at ito ang nakalagay sa mga hindi nakikita yung pinost ko post ko ulit.

"kung ako sa inyo hindi ko na ipagmamalaki na tinulungan ko siya. hindi ko na rin siya pipicturan at ipopost sa page ko. ididiretso ko na siya sa american embassy ng makauwi na. sa tinggin ko mas makakatulong ako kung ganon ginawa ko."


hanggang ngayon yung like sa post ko nadadagdagan pa rin, hindi na ako magtataka dahil alam ko naiintindihan ng ibang netizen ang nararamdaman ko na dapat idineretso na lang nila sa US embassy yung lalaki. dahil doon ay mas matutulungan siya.

wala naman akong galit sa page na nagpost nito. okay lang sakin yung ginawa nila. ang ikinasama lang ng loob ko ay yung hindi pa nila nilubos lubos yung tulong na ginawa nila. naibili nga nila ng mcdo yung lalaki eh. bakit hindi na lang nila ito dineretso sa us embassy para makauwi na ito at hindi na magutom sa bansa natin. 



ang masasabi ko lang kung tutulong ka isipin mo yung mas makakabuti sa tao hindi yung makakabuti sa page mo. lagi ko itong nakikita sa facebook na nagpopost ng nakakaawang tao tapos nakalagay sa post na 1like = 1pray. 1share = big help. kung gusto mo talagang makatulong di ba mas mabuti kung ipopost mo yung photo sa mga page ng institution na kayang tumulong sa kanila. katulad sa US embassy or ipost mo sa mga media page tulad ng GMA at ABS-CBN hindi yung ipopost ninyo sa page ninyo at ipapalike at ipapashare. parang nagiging pagefie short for the good of my page na ang nangyayari hindi na for the good of the people you post. Sana lang maging wake up call ito sa mga mahilig magpalike ng photo about sa nakakaawang tao. para kasi sakin petty crime yang ginagawa ninyo. 


Sobrang Init Abot singit..

On Saturday, April 28, 2012 0 comments

(Naiinitan na daw sila eh)

tagaktak pawis nanaman ngayong bakasyon. Grabe yung init na nararamdaman ko, hindi init na dala ng pagkahayok sa laman, kung di yung init na para kang sinilaban. global warming na talaga lalabas ka pa lang ng bahay,feeling mo ma-heheat-stroke ka na. Yung gabi parang hapon sa init at yung hapon naman parang tanghali. feeling mo nasa loob ka ng bartolina pag nagkulong ka sa bahay ninyo. at para kang sinilaban pag-lumabas ka naman ng bahay ninyo. buti nga hindi pa bumibigay itong gamit kung laptop kahit sobrang init na. pero ako parang bibigay na. Kulang na nga lang ay ipunin ko yung pawis ko tapos ipaligo ko. 


Bus-ta BUS wagas

On Tuesday, January 31, 2012 0 comments





MODUS OPERANDI SA BUS (Metro Manila)


AKALA KO AKO LANG!...UN PALA MERON PANG IBA NA NABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka...(based on my own experience sa isang aircon bus....)

Last september 6, 2007, 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor.

So, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga lang) parang deadma ba?....

Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...

eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...

sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...

dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..

tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....

eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ito...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...

Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO YUNG PINTO...BABABA NA AKO..LALAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ito, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)

Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...

So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....

Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ....sya ay bababa sa Boni....

Naalala ko ung nangyari sa'kin ....nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...

"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG KITANG KO"....

Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...

Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...

Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...

pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK... SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...

so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titingan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????

Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti.

Salamat po. - Yotomi(PEX)

i do not own the story i just share it so everyone is aware. kayo na rin humusga kung totoo, hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganito.

It's really more fun in the philippines

On Monday, January 30, 2012 0 comments

i don't know how the goverment come up with a very beautiful slogan about the philippines, but now i know the reason. here are some photos that will prove that its really more fun in the philippines.






i really don't own the photos i just grab it in facebook..


Maria Ozawa fever on the philippines

On Wednesday, December 28, 2011 0 comments

Everybody said that Maria Ozawa is in the philippines finding a new leading man for her next porn movie. there was no confirmation from the japanese porn actress. sabi sa mga news hindi daw sa account mismo ni Maria Ozawa galing ang statement. it comes from a different facebook acount using her name and her face. the folder where the photo is taken is from indonesia.

kung pupunta dito si Maria Ozawa baka parang american idol yung dami ng tao na mag-aaudition para sa gagawin nyang porn. baka kahit ako pumila. karamihan pa naman ng tao dito mapalalaki o mapababae lumaki sa mga palabas ni Maria Ozawa. at iilan lang ang hindi nakakakilala sa kanya. Naging trending nga kaagad siya sa twitter nung lumabas yung balita na nandito siya sa pilipinas. Kahit sa facebook siya ang pinag-uusapan. 80% ng news feed ko ngayon tungkol sa kanya. Mommy ko nga kilala siya ehh. ganon talaga kasikat ang pinakamamahal nating si Maria Ozawa. ang masasabi ko lang sa kanya. practice Safe Sex.

it's funny to fall inlove

On Monday, December 26, 2011 1 comments

funny thing about falling inlove is that, you try to write the sweetest love letter but in the end it will sounds funny when you read what you write.

another thing is that, lahat ng ginagawa nya sayo, tinggin mo sweet tapos sinusulat mo pa sa diary mo.

Being First

On Saturday, July 9, 2011 2 comments

This fast few year im trying to be first in everything. no specific reason. Gusto ko lang maging no.1. Maging first sa dota, sa klase, sa tekken, sa facebook, dito sa blogging, sa radio hosting , sa puso mo na rin. noong bata ako pangarap ko talang maging no.1 sa klase pero habang tumatanda ako nakakalimutan ko na lang ito at nawala sa isipan ko na parang bula. nakakatamad kasing mag-aral.

sa facebook naman hindi ko na hinahanggad maging no.1 dahil wala nang tatalo kay mark zukerberg, try ko na lang maging no.2.

Yung sa tekken tanggap ko nang wala akong pag-asa dahil sa dami ng magagaling sa tekken sa buong mundo para lang akong kuto. baka mag bacteria lang eh. sa dota naman parang may future pa ako kaya hindi muna ako susuko doon. Sabi ng kaibigan ko nagiging exciting moment na ang galawan ko ehh.

Yung about sa radio hosting naman ay ginawa ko nga palang past time yun nung bakasyon.Gumawa ako ng website sa weebly tapos gumawa din ako ng ustream account para makapaghost. Medyo kinarir ko yung design ng website na ginawa ko. yun nga lang parang mailap pa rin saken ang pagkakataon dahil swerte na pag umabot ng 5 ang listener namin pero okay lang naman. kung gusto nyo pala ivisit nasa sidebar lang yung logo ng site iclick nyo na lang po at pakihanap.

Mag-move on na tayo sa blogging status, Medyo okay naman yun blogging trip ko. Mahirap nga lang mag-isip ng isusulat araw araw at mahirap din magpromote pero okay lang ulit dahil ngayon ay pang no.95 ako sa nuffnang.com humour category, 94 na competitors na lang ang kailangan kung higitan 94 na obstacle na lang. siguro yun iba sa kanila parang lubak na daan. baku baku na pero dinadaanan pa rin. ika nga nila nalaspag dahil araw araw ginagamit. na gegets ninyo pa ba ako? gusto ko lang sabihin ay yung ibang blog ay wala naman bagong pinopost pero nabibisita pa rin lagi ng readers. Enough na nga sa blog baka maikwento ko pa yung kwento ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng kapitbahay namin.

Dito na tayo sa last part. Ang maging no.1 sa puso mo at puso ng nakakarami. Yan lang naman yung pinakadahilan kung bakit gusto kung maging no.1 sa lahat ng bagay na na-una kung nabanggit. Dahil pag naging no.1 ka, para isa ka nang GodLike, clown sa klase, warlord sa tekken, mark zukerberg sa facebook, papa dan sa radyo, ewan ko na lang sa blogging. pero okay lang kahit hindi ako maging no.1 sa mga bagay na yan. basta maging no.1 ako sa puso ng babaeng pinapangarap ko. Mali pala, "sa puso ng mga babaeng pinapangarap ko."