This fast few year im trying to be first in everything. no specific reason. Gusto ko lang maging no.1. Maging first sa dota, sa klase, sa tekken, sa facebook, dito sa blogging, sa radio hosting , sa puso mo na rin. noong bata ako pangarap ko talang maging no.1 sa klase pero habang tumatanda ako nakakalimutan ko na lang ito at nawala sa isipan ko na parang bula. nakakatamad kasing mag-aral.
sa facebook naman hindi ko na hinahanggad maging no.1 dahil wala nang tatalo kay mark zukerberg, try ko na lang maging no.2.
Yung sa tekken tanggap ko nang wala akong pag-asa dahil sa dami ng magagaling sa tekken sa buong mundo para lang akong kuto. baka mag bacteria lang eh. sa dota naman parang may future pa ako kaya hindi muna ako susuko doon. Sabi ng kaibigan ko nagiging exciting moment na ang galawan ko ehh.
Yung about sa radio hosting naman ay ginawa ko nga palang past time yun nung bakasyon.Gumawa ako ng website sa weebly tapos gumawa din ako ng ustream account para makapaghost. Medyo kinarir ko yung design ng website na ginawa ko. yun nga lang parang mailap pa rin saken ang pagkakataon dahil swerte na pag umabot ng 5 ang listener namin pero okay lang naman. kung gusto nyo pala ivisit nasa sidebar lang yung logo ng site iclick nyo na lang po at pakihanap.

Mag-move on na tayo sa blogging status, Medyo okay naman yun blogging trip ko. Mahirap nga lang mag-isip ng isusulat araw araw at mahirap din magpromote pero okay lang ulit dahil ngayon ay pang no.95 ako sa nuffnang.com humour category, 94 na competitors na lang ang kailangan kung higitan 94 na obstacle na lang. siguro yun iba sa kanila parang lubak na daan. baku baku na pero dinadaanan pa rin. ika nga nila nalaspag dahil araw araw ginagamit. na gegets ninyo pa ba ako? gusto ko lang sabihin ay yung ibang blog ay wala naman bagong pinopost pero nabibisita pa rin lagi ng readers. Enough na nga sa blog baka maikwento ko pa yung kwento ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng tatay ng kapitbahay namin.
Dito na tayo sa last part. Ang maging no.1 sa puso mo at puso ng nakakarami. Yan lang naman yung pinakadahilan kung bakit gusto kung maging no.1 sa lahat ng bagay na na-una kung nabanggit. Dahil pag naging no.1 ka, para isa ka nang GodLike, clown sa klase, warlord sa tekken, mark zukerberg sa facebook, papa dan sa radyo, ewan ko na lang sa blogging. pero okay lang kahit hindi ako maging no.1 sa mga bagay na yan. basta maging no.1 ako sa puso ng babaeng pinapangarap ko. Mali pala, "sa puso ng mga babaeng pinapangarap ko."