happy new year!

On Thursday, December 30, 2010 0 comments

sabi ng lolo ko.

bukas salubong na sa bagong taon. putukan na nanaman at marami nanaman mapuputukan 100 percent sure ako dun. kung gusto nyong hindi maputukan sundin nyo lang ang mga simple tips na to para putok free ang new year ninyo.

MGA DAPAT SUNDIN PARA DI MAPUTUKAN NGAYONG BAGONG TAON:
1.Wag kumuha ng naputukan na, baka mapikot ka.
2.Tanggalin agad kung malapit ng pumutok.
3.Kung naputukan na,agad hugasan, baka matanggal pa.
4.Wag magpaputok sa mataong lugar, nakakahiya
...5.Magtanong kung “safe” saka iputok!


i get this step while i was browsing the page of The TULOG-KAIN-TEXT-COMPUTER Society
hindi ko na ininclude yung pangalan ng nag-post kasi mukha naman na-grab lang din nya.

masama talagang pagsabayin

so ayun nga putukan na bukas at inuman pero yung iba ngayon pa lang umiinom na salubong daw. para bukas mapuputukan na lang sila.(joke lang) pero pakialam ko ba kung hindi sila liver lover di ba? hindi naman ako yung nasisiraan ng bato ehh, sila naman. pero kakambal ng bawat pag-inom ay gulo kaya sigurado pag katapos ng putukan ay suntukan. tama nga naman yung narinig ko na ..

PAPUTOK NGA SUMASABOG, MUKHA MO PA KAYA!!!

ayoko na.!!!

On Sunday, December 19, 2010 0 comments

ang gandang caption nito. perfect.!!

10 craziest way na ginagawa pag lasing.

1. Umiiyak ng walang dahilan.

2. Nagbibigay ng advice sa kapwa lasing.

3. Kumakanta ng pasintunado.

4. Tinatawagan ang ex para makipag-usap ng walang sense.

5. Nai-inlove na lang bigla.

6. Ginagawang unan ang inidoro.

7. Nagiging galante.

8. Ikinukwento ang buhay ng boung angkan.

9. Nagiging english speaking kahit wrong grammar.

10. Panay sabi ng "hindi na ko iinom kahit kailan" habang sumusuka.

yan yung nakita kung ginagawa ng mga lasing sa internet pero hindi kasi ganyan. hindi kami nakiki-uso. ibahin nyo naman kami dree.. bwakanang ina naman yan ohh.. ganito kami.

10 bagay na ginagawa ng mga lasing sa kanto

1.tumatawag ng uwak - uak uak uak. ganyan ka ba pag lasing? parot ang alaga mo hindi uwak.

2.lahat kamag-anak mo - kahit saan nakikitulog kahit nga sa kalsada eh.. sa sobrang laki ng kama mo hindi lang queen size bed yan.

3.naghahanap ng alak - pera kaya muna hanapin mo para may pang bili ka pa.

4.nabubulag - kahit ang pinaka-masagwang itchura gumaganda sa paningin mo. tapos mamaya minamanyak mo na.

5.nagiging desperado - gumagawa ng paraan para makahanap ng alak.

6.nag-jojoke - nagpapatawa hindi naman kalbo.

7.nakikitawa - wala na ngang sense yung joke nakikitawa ka pa. tapos madalas hindi mo alam kung ano yung tinatawanan mo. yung joke ba o yung pagmumukha ng kainuman mo habang nagjojoke.

8.kahit ano pinapatulan - pag lasing na kahit anong klase ng alak iinumin. kahit anong babae papatulan. kahit binabae.

9.ginagawang madrama ang buhay - sige na ikaw na ang kawawa. lahat na kaaway mo. wala ka nang kakampi. nakatira ka na sa dampa. soap opera na buhay mo. naaawa na kami sayo.

10.niroromansa ang sahig - hinahalikhalikan, tinatabihan at pinapatungan. in short dinadapaan.

anong trabaho mo?

i-click para palakihin ang litrato

anong magandang title? akin siya sa gabi sayo siya sa umaga.
or secret lang hah.


pare1: pare tikman mo tong cupcake na gawa ng mommy ko.
pare2: ikaw na lang tikman ko gawa ka rin naman ng mommy mo ehh..


DRINK MODERATELY.!!

bayad po.!!!

On Thursday, December 16, 2010 1 comments

ganda ng pagkakakuha dito.

Since tinatamad pa naman akong mag-dota magbloblog muna ako. kanina nung nagbayad ako sa jeep. nabwisit ako sa driver kasi nung nagbayad ako ng sampung piso ilang beses akong tinanong ng driver kung saan ako papunta. sabi ko kuya p*c**n lang, siguro mga 4 or 5 times siyang ganun ang tanong at 3 to 4 times atang nagtanong kung saan ako galing sabi ko galing SM ng mga 2 times ko inulit yun tapos nung huli nyang tanong nun sinabi ko "manong galing SAKEN" sa sobrang bwisit ko yun na lang ang nasabi ko. tapos biglang banat ng kulang pa ng kwatro pesos. putcha naman sinabi ko estudyante. napakaburakot talaga nung manong na yun parang gusto pa ata niya na maging scholar, 1st honor, deans lister, magna or summa cum laude ako bago ako bigyan ng discount at ang kapal pa ng mukha niya 4 pa hinihingi.. 12 pesos lang kaya pag simula samin hanggang SM. naisip-isip ko rin na gumanti kay manong. kumuha ako ng buong 200 pesos sa bulsa ko at yun yung binayad ko sa kanya natawa pa nga saken yung katabi kung hot chick ehh. so in the end hindi na niya sininggil yung 4 pesos.


trip ko lang gamitin yung bidyo

speaking of chicks, minsan pag may nakakasabay akong hot chicks ay parang ang swerte swerte ko, parang daig ko pa yung nanalo sa lotto lalo na yung pag-magkaharap lang kayo o magkatabi parang hindi mo maiwasang tumiggin sa kanya. minsan pa nga parang ayaw mo nang bumaba ng jeep, pero lahat ng kaligayahan meron katapusan.lalo na pag malapit ka nang bumaba at minsan hindi ka nga bumaba, siya naman yung bumaba..

ano kaya gagawin nyo kung sa gitna kayo ng desyerto naubusan ng gas?

minsan naman naransan ko na yung sa loob ng isang araw, lahat ng jeep na sinasakyan ko ay dumadaan ng gasolinahan. hindi naman ako mukhang gasoline boy tapos dahil pa dun lagi akong nalalate sa mga klase ko.

Sampung rason kung bakit nabwibwisit minsan akong sumakay ng jeep.

10.meron pa - puno na nga yung jeep nagpapasakay pa.

9.swap - pag pinapalipat ka sa ibang jeep kasi babalik na sa terminal, kasi unti lang nakasakay.

8.paimportante - hinihintay pang mapuno yung jeep bago umalis.

7.estudyante senior at disable - pag hindi nagbibigay ng discount.

6.bingi - kailangan ba paulit ulit?

5.kadyot lang kadyot lang - mag-brebreak tapos andar ng mabilis tapos biglang break tapos andar ulit ng mabilis..

4.amoy baby - badtrip talaga yung may mga putok. daig pa yung bawang,five star, lolo thunder o goodbye philippines sa lakas ng sabog ehh..

3.bulag, bingi o nagtatangatangahan - ang layo ng lalakarin mo kasi bingi yung driver . magtatanong pa kung estudyante ka kahit obvious na obvious naman, parang bulag. hindi ka papansin nung driver pag kukunin mo na yung sukli mo.

2. gangsta rap - putcha jeje yow yow yow, wala na ngang sense, nakakabwisit tapos sasabayan pa ng kanta ng mga jejemonyo.

1.paabot po - ito yung top 1 para saken kasi madalas na drama to sa loob ng jeep. yung ipapaabot mo na lang yung bayad mo tapos ayaw pang iabot nung nasaharapan mo. minsan pa nga yung iba titignan ka muna parang tinitignan yung kasingit singitan mo bago iabot yung bayad mo, yung para bang kasalanan mo pang sa kanya mo inabot yung bayad mo. hutaena talaga..


bago ako tapusin tong blogpost ko mag-iiwan muna ako ng maiksing qoutes na nakita ko sa internet

Ang pagmamahal ay parang bayad sa jeep. barya lang sa umaga buo naman sa gabi.

merry merry christmas pasko na kay saya

On Sunday, December 12, 2010 1 comments

lumalamig na talaga ang simoy ng hanggin..ilang araw na lang pasko na. maririnig ko nanaman yung mga batang kumakanta sa labas ng bahay namin at nagsasabing "mamamasko po" but enough of that. kanina pumunta kami ng sm north para mamili ng bagong damit. pagkatapos naming mamili ay kumain kami sa burger king, at habang hinihintay ko si mommy bigla kung narealize na SMP pala ako "samahang malalamig ang pasko" sa almost 3 years kung pagiging single ngayon ko lang naramdaman yun. pero hindi naman ako malungkot. parang naisip ko lang pano kaya kung may girlfriend ako ngayon magiging masaya ang pasko ko? siguro hindi pa rin kasi magastos. pero atleast hindi malamig ang pasko ko.

celebrating christmas the emo way

this is how we do it jejeje...

kanina rin naisip ko. pano kaya sinecelebrate ng mga single friends ko yung pasko nila. ako kasi almost 3 years nang walang girlfriend pero nagcracrave pa rin ako. sila kaya. for all i know yung ibang friend ko NGSB "no girlfriends since birth" at NBSB "no boyfriend since birth" pero mukhang masaya naman yung pasko nila. siguro dahil kasama naman nila ang iba nilang friends (pero sana hindi katulad nung caption ko sa taas) at ang kanilang family. yung iba sa kanila mas pinili na lang na magbabad sa computer,manood ng t.v,kain,tulog, at mag-busy busyhan..

give love on christmas day, daw.

bakit kaya pag december ang daming nabubuntis? dahil ba gustong magpainit ng mga tao?
or dahil sa kantang give love on christmas day. siguro tama nga yung kanta pero iba ang pagkakaintindi ng iba, sabi give love hindi make love in this club. kaya dumadami ang father and mothers day ehh.. pero madalas single mothers day.

kamukha niya yung crush ko siya yung girl sa nilalaro kung guitar freaks

ito yung mas perfect caption ganito yung ayos ng buhok niya

nagkakagusto rin naman ako sa babae actually ngayon meron talaga akong gustong gusto, nagkagusto ako sa kanya nung patapos na yung first semester ko sa nilipatan kung school ngayon, nag-kagusto ako sa kanya nung tinignan niya yung contact lens ko. sympre eye to eye contact ang nangyari kaya natitigan ko ng mabuti ang mala anghel niyang mukha na kamukha nung girl sa madalas kung nilalaro na guitar freaks.hindi ko talaga alam kung bat ako nagkagusto sa kanya siguro dahil bukod sa mga naging girlfriend ko siya lang yung babaeng natitigan ko ng ganun kaya simula nun nagkagusto na ako sa kanya at ngayon kaklase ko siya sa two subjects ko. may problema nga lang gusto ko siyang ligawan pero hindi ko alam kung paano. hindi ko kasi naranasang mangligaw ng babae. yung dati kung girlfriend naging kami lang ng biglaan. tapos naghiwalay din kami ng biglaan.. gusto ko sana unti unti na lang sanang nawala. pero ganun talaga ehh.. ika nga nila its complicated. back to topic, oh yun nga. gustong gusto ko siya tapos.!! sana hindi na ako maging smp next year sana maging girlfriend ko siya.:)

please naman pakitanggap mo na lang.

On Wednesday, December 1, 2010 0 comments

the title comes from the lyrics of a song entitled silvertoes,waaaa ako ba to? dumugo ilong ko dun ahhh,hayaan nyo na lang yung grammar, on topic na ulit. hindi ko talaga alam yung meaning nung silvertoes pero sa pagkakaalam ko,yung kanta ay about sa girl na ubod ng panget at super feeling na maganda siya. tama nga naman yung linya sa kanta na "Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama" hindi ko naman sinasabing masama yung ganito. pero kasi minsan napakafeeling nung iba. napakalandi kumilos tapos napaka-arte minsan pa nga napakataray at napakasungit. nakaencounter na ako ng ganito sabi ko "miss excuse me po padaan lang po" tapos biglang banat si gaga na "kabwisit naman to"

tang ina ka ba binili mo ba yung daan at bawal akong dumaan?

well, hayaan na naten yun. nabwibwisit lang ako pag naiisip ko ehh. naisipan kung iblog to kasi naalala ko yung naririnig ko sa radyo ngayon na commercial ng concert. hindi ko alam kung anong concert yun pero ganito yung kwento niya.


narator: pano kaya kung si chito ay tumigil na sa pag-kanta at nagbebenta na lang ng beauty products?

miss: do you really think na bagay saken this pink lipstick?

chito: mm. can i be honest with you? wag kang magagalit hah.

miss: sure

chito: hindi po make-up yung kailangan nyo ehh...


chito: milagro

tapos biglang banat yung silvertoes hindi ko sure kung tama yung pagkakakwento ko pero halos ganyan yung kwento. kaya sana hah bago kayo kumilos mag-isip muna kayo mamaya nakakabwisit na pala yung ginawa nyo. hindi lang sa babae kundi pati na rin sa mga lalaki.


feeling nyo ang popogi at ang gaganda ninyo eh mas panget pa nga kayo minsan sa nilalait niyo! tumingin muna sa salamin mga iho at iha.