recycled jokes again.!!

On Wednesday, March 10, 2010 0 comments

Museum Accident

Sa Museum, nakabasag si Erap ng vase. Nataranta yung attendant.
ATTENDANT: Naku Sir, more than 500 years old na po yang vase na yan!
ERAP: Ay salamat!!! AKALA KO BAGO!!!!

Si Doktor
educational tour ng mga estudyante sa mental hospital.sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot
Doktor: nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani.yung isang yon na nakataas ang kamay,feeling nya may hawak syang itak,sya daw si bonifacio.
Student1: yun pong 1 nakapalumbaba?
Doktor: ah, akala nya nya sya si ninoy.
Student2: eh yun pong nakaupo?,mukha naman tahimik at matino ah.
Doktor: hindi iho,.baliw din yan,dahil iniisip nya na sya daw si mabini.feeling nya lumpo sya,pero kapag iiniksyunan na bigla syang tatayo at magtatatakbo. Hayyy..grabe na ang mga pasyente dito,wala na silang pag-asang gumaling.
Student3: ganun po ba? maraming salamat po dok,babalik nalang po kami ulit. ah anu nga pong pangalan nyo dok?
Doktor: ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal….

odorless otot
Isang lola ang nagpunta sa doktor, at sinabi, ” Dok, me problema po ako sa otot ko po dok, hindi siya nangangamoy at napakahina po ng tunog, pero palagi po akong nauutot.

Sinabi ng doktor na pakiesplika ng mabuti, at sinabi ng matanda, ” Sas katunayan po niyan 20 beses na po akong umutot simula po ng dumating po ako dito. Hindi nyo lang po siguro napansin kasi wala itong amoy at hindi ninyo naririnig.

Sige, inumin mo tong gamot, at bumalik ka sa susunod na linggo, sabi ng doktor

Bumalik si lola, “Dok, ano gamot ang ibinigay mo sa akin, bakit ang otot ay mahina pa rin pero ang baho naman ?

Magaling!! Ngayong nagamot ko na ang iyong sinus, susunod naman natin ang iyong tenga!!

0 comments: